chapter 3

0 0 0
                                    


Hingal na hingal kaming nakarating sa isang building na hindi namin alam kung anong meron. Saan ba yung lintik na magiging kwarto namin dito?! Urgh!

Naglakad na ako papasok para alamin kung ito bang building na ito ang magsisilbing dormitoryo namin. Maraming pasikot-sikot at sigurado akong hindi dito ang building na iyon. I was about to leave the place when a room caught my attention.

DIESARUS ROOM

Unti-unti akong lumapit sa pinto. Sa hallway na ito...ito lang ang nag-iisang room na nandito. Nakakapagtaka din ang tila kulay pula nitong ilaw. Hinawakan ko ang hugis bungong seradura. Nagsitayuan ang aking mga balahibo nang mahawakan ko iyon. Tila ba may kakaibang enerhiyang nakatago dito.

"Clomitty!" napabitaw ako sa door knob nang tawagin ako ni Tiffany mula sa kabilang dulo ng hallway. Tumakbo ito papunta saakin at taka ko naman syang tinignan. "Hindi dito ang dormitoryo natin." Medyo hingal nyang sabi.

"I know." tinignan kong muli ang pintuan. "lets go." naglakad na ako at sumunod naman sya.

"Ano kaya ang meron sa room na iyon?" rinig kong tanong nya sa sarili kaya naman bigla akong napatingin sakanya.

"Bakit? Ano ba ang naramdaman mo sa kwartong iyon?"

"huh? ahh ano....kakaiba kasi ang pakiramdam ko doon." Tinignan ko sya sa mata.

"wag mo nalang pansinin. Wag ka na ring magtangkang pumunta doon." naglakad na kaming muli at lumabas ng building. Doon din namin nakita ang iba.

"Kailangan nating tumakbo ng mabilis papunta sa kabilang building na iyon." sabi ni Robert at itinuro ang kulay puting building sa di kalayuan. Ang mga building dito ay may kanya-kanyang kulay ng pintura. At itong building na kinatatayuan namin ay kulay berde. "We need to run as fast as we can dahil siguradong may  mga patibong nanaman na lalabas." pinagmasdan ko ang paligid. Tahimik. Napapalibutan kami ng maraming puno.

"Hey! Clomitty! come back here!" tawag saakin ni Barbie pero hindi ko sya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at huminto sa medyo gitna nitong malawak na field.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid.

"Clomitty! watch out!"

Idinilat ko ang aking mga mata deretso sa palasong umuusok papunta sa direksyon ko. Tinitigan ko itong mabuti. Tila isa itong galit na tigre na gusto akong lapain. Hindi ako natinag sa aking kinatatayuan kahit pa magsisisigaw na ang aking mga kasamahan. Tinititigan ko lang ito at mabilis na hinuli nang ilang inches nalang ang pagitan nito sa aking dibdib.

Noble

Isang salita ang nakaukit dito. May Nakaukit ding bungo sa dulo ng palaso. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba. Hinawakan ko ito sa magkabilang dulo at tinignan ang aking mga kasamahan na nag-aalalang nakatingin saakin.

"RUUUUUN!" kasabay ng aking pagsigaw ay ang pagputol ko sa palaso kasabay noon ay ang napakaraming mga palasong umuusok sa bilis papunta sa aking direksyon.

Tiffany's POV

Kasabay ng sigaw ni Clomitty ay ang sabay-sabay na pagbagsak ng mga palaso galing sa langit.

"Clomitty!!!" sabay-sabay naming sigaw. Tila ba slow motion na inilagan nya lahat ng mga palasong galit na galit papunta sakanya. wow. Ang galing nyaaaa!!

"Run!" sigaw nya pa ulit. Nagkatinginan naman kami. Kita ko ang pag-aalala nilang lahat kay Clomitty na ngayon ay sobrang bilis na iniilagan lahat ng mga palaso.

"We need to run now!" nagmamadaling sabi ni Stefany.

"But what about her?" nag-aalalang tanong ni Barbie.

"she can handle her self. Let's go." tinignan ko si Zember na hindi makapaniwala. Ni walang pag-aalalang mababakas sa kanyang mukha.

"Let's go guys." nauna nang tumakbo si Claris papunta sa kabilang building at nagsisunod naman ang iba.

"We should go now,Barbie. Habang ang target pa nila ay si Clomitty." Tinapik-tapik pa ni Dominic ang balikat nya para makumbisi itong umalis na. Tumingin na muna saakin si Barbie na tila nagtatanong kung iiwan na ba namin si Clomitty. Tinanguan ko lang sya.

Nang makarating na kaming lahat dito sa kabilang building ay sabay-sabay kaming napatingin kay Clomitty na mabilis paring iniilagan ang mga palaso. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha dahil mas dumami pa ang mga galit na palaso at nagliliyab na rin sa apoy.

"I think she needs help!" Taranta ko tingin kay Zember at Robert. Saaming magkakaibigan. Silang dalawa ang may kakayahang tulungan si Clomitty. Minsan ko nang nakita ang bilis ng reflexes nila nang mapaaway kami sa mga grupo ng mga kalalakihan.

"She don't need help,Tiffany. Look at her." walang emosyong sabi nito na nakatingin parin sa dereksyon ni Clomitty. Napalingon naman ako sa gawi nya.

ESCAPEWhere stories live. Discover now