Abort Mission

3.2K 130 23
                                    

Abort mission...

...Please go home already, I need you now. 

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2014

PS: Inspired sa pag-bobora ni Dj. HAHAHAHAHA

Kathryn's POV

 

Nandito ako ngayon sa airport. Waiting for him to leave. Nandito kami ngayon sa isang VIP room, kasama ko ngayon ang boyfriend ko. Ang boyfriend kong si Daniel Padilla.

Napangiti nalang ako habang pinapanood siya na nakikipagharutan sa kabandmate niya na si Sed. Mukha silang mga bata.

Napansin ko na sinenyasan ako ni Sed kaya napatingin sa akin si Dj sabay ngumiti. Tumayo siya sabay lumapit sa akin.

 

“Babalik din naman ako agad.”

 

“I know. Hindi naman siya katulad ng Dubai and Europe tour mo ‘nun. But hey, I’ll miss you.”

Hinalikan niya ang noo ko sabay inayos ang buhok ko.

“Ayaw mo ba akong umalis?” tanong niya sa akin.

 

“Hindi naman sa ganun. I want you to take a break. Hindi ka pa nakakapagpahinga simula nung dumating ka dito. Sunod sunod ang mga sched mo. From Dubai to Europe tapos DOS. Sino bang hindi mapapagod doon?”

Sa totoo lang, ayaw ko siyang paalisin. He could spend his vacation here. Pero hindi ko naman desisyon ‘yun. Buhay niya ‘yun and I respect that.

“Wag kang mag-alala. I’ll be back before you know it.”

 

Dumating na si Tita Karla, tinatawag na sila Dj dahil departure na daw. Nagpaalam na sa akin si Tita Karla, kuya Mark, ang barkada ni Dj.

“I’ll text you when we get there.” hinalikan niya ako sa labi. I felt relieved.

 

“Have a safe flight, I’ll miss you.” sabi ko sa kanya sabay niyakap siya.

 

“I love you.”

 

“Hoy! Kayong dalawa diyan! Hindi mapaghiwalay talaga, nako!” narinig kong hiyaw ni Kuya Mark sa amin.

“Kath, magbabakasyon lang si Dj. Hindi siya OFW.” narinig ko naman sa sinabi ni Lester.

 

“Sumama ka na kasi.” sabi naman ni Katsumi.

Kung pwede lang. Kaso wala eh, trabaho. Trabaho.

Kumalas na kami sa yakap. Umalis na sila ng VIP room. Ako naman ay lumabas na rin.

KathNiel: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon