CHAPTER FIVE

10.3K 216 2
                                    


Eksaktong alas-otso ay may nag-doorbell na sa labas ng apartment na tinutuluyan niya. Nakahanda na rin si Princess.

Wala si Say kaya walang madidismaya kapag nakitang driver na naman ni Romano ang nasa labas. Nagmamadali siyang nagbukas ng pinto at tumambad sa kanya ang nakangiting si Romano.

Talo pa niya ang nasilaw sa matinding liwanag sa naging ayos niya sa harap nito. Hindi niya akalain na ito ang makikita agad.

Tumikhim si Romano.

Natauhan si Princess at mabilis niyang kinalmante ang sarili. "W-wala kang sasa—" Noon lang niya napansin ang naghihintay na sasakyan sa labas ng gate.

Ngumiti ito. "I have a cab waiting."

Lihim na nagtaka si Princess. "H-hindi kaya mahirapan ka—"

Nagkaroon ng sound ang tawa nito. "Hindi por que sanay akong nakakotse ay hindi na ako susubok na sumakay sa taxi. What difference will that make? Kung nag-aalala ka, hindi tayo iiwan ng driver, okay?"

Pilit siyang ngumiti at sinikap na lamang na patatagin ang sariling mga tuhod ngayong nakaalalay ito sa kanyang siko.

SA IBA namang lugar dinala ni Romano si Princess. At mas nagustuhan niya ang Kelly Heights dahil sa magandang tanawin na kitang-kita habang binabagtas ng sasakyan ang mataas na bahagi patungong Antipolo.

Kanina'y marami silang nadaanang sasakyan na nakahimpil sa gilid ng daan. Mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng hood ng bawat sasakyan ay pinagmamasdan ng mga pareha ang kabuuang siyudad ng Manila.

Napantastikuhan si Princess sa napiling kainan ni Romano. Kakaunti ang tao roon, bagaman ang lugar ay isang romantikong lugar, ideyal lamang para sa tulad nilang pareha.

Ngayong magkaharap na sila ni Romano sa pabilog na mesa ay kumilos na lamang siya nang natural. Kahit pa nga ang totoo ay kanina pa siya naiilang sa masidhing pagtitig nito.

"I don't know how you managed it," pambabasag ng binata sa katahimikan.

Kumunot ang noo ni Princess.

"You have me crazy for almost two weeks. I kept hoping you'd call me."

Tumaas ang mga kilay niya; ang lakas-lakas ng kaba sa kanyang dibdib. "What do you mean? May problema ba sa lumabas sa In Style?"

Si Romano naman ang nawalan ng sasabihin. Biglang-bigla ay natulala siya sa harap ng isang babae. Tila pa nga nag-iba ang personalidad niya ngayong kaharap ang isang Princess Guevarra.

"Tell me, may hindi ka ba nagustuhan sa—"

"No, no, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. I was hoping you'd call me because I was really afraid to call you," amin ni Romano. "I knew if I see you, I'd get involved."

Bakas ang pagkabigla sa mga mata ni Princess.

"I know what you're thinking of me. I have been 'involved' many times. But not like this. Not emotionally. I think I'm falling in love with you, Princess."

Ganoon ba ang pakiramdam ng nanalo sa jackpot prize ng lotto? Puwes, ganito nga yata! sa loob-loob niya.

"I have a feeling that it might be terrible for both of us."

"W-why?" tanong niya na tila malakas lang sa bulong. "Dahil ba iniisip mo'y mahihirapan ako kapag—"

"Hindi. Mas ako ang nahihirapan," agap ng binata.

Midnight Blue Society 1 - Romano Perez aka Roman (COMPLETED)Where stories live. Discover now