Chapter 11
Alezia P.O.V
Gabi na at dismissal time kaya uwiaaaaaaan naaaaa! Yooohoo!
Mabilis kong inayos yung mga gamit ko at may naramdamang akong may kumalabit sakin kaya napalingon ako natapos ko na rin naman yung pagaayos ng gamit ko. Nakita ko si Choi siya yung kumalabit. Bitbit niya yung 2 libro mahahalatang nerd siya pero okay lang cute at magandang nerd naman siya e."Ano yon Choi,may kailangan kaba?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya sakin kaya napakunot noo ako kasi parang may gusto siyang sabihin pero nahihiya siya. Kaya hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at ngumiti.
"May sasabihin kaba?" tanong ko ulit sa kanya at sa pagkakataong iyon ay nagsalita na siya.
"A-ahmm, Pwede ba tayong magsabay pumasok bukas? Hihintayin kita sa gate ng school. Gusto lang talaga kita makasabay pumasok e" usal niya at halatang nahihiya. Ayun lang naman pala e akala ko na kung ano na.
"Oo naman no, Kung gusto mo araw-arawin na natin ang pagsabay ng pasok. Malapit lang ba bahay niyo dito?" tanong ko at tumango naman siya.
"Kung ganon e dapat minsan pumunta tayo sa bahay niyo. Para kapag kailangan mo nang makakasabay umuwi sabay tayo" Ani ko at tumango naman siya. Speaking of uwi. Haaaaluuuhh! Nakalimutan kong magkakasabay kami umuwi nang mga kuya ko baka naghihintay na sila. Bigla akong nagmadali at agad na nagpaalam kay Choi. May kasabay naman daw siya e. Kuya niya daw. May Kuya pala siya? Parang may nagtutulak sakin na kilalanin ang kuya niya.
Pero huwag muna ngayon kasi nagmamadali na akong tumakbo palabas ng school at nakita kong nasa kotse na silang lahat. Ako nalang yung iniintay.
"Oh! Nandito na pala si Ms.Alezia. Sumakay kana ho para makauwi na rin kayo." sabi ni Mamang Driver kaya agad agad akong sumakay. Katabi ko ngayon sa kaliwa si Kuya Matthew at sa Kanan naman e si Taehyung. Ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko sa kanya at sobrang cute niya pa. Nakakagigil e.
Nagsimula nang umandar yung kotse at sobrang tahimik ng atmosphere dito. Isa-isa ko silang tiningnan kasi nagtatampo pa rin ako sakanila hanggang ngayon.Si Mr. Rabbit e nakaheadset habang nagcecellphone, nahalata niya siguro na nakatingin ako kaya tumingin rin siya sakin kaya naman napaiwas ako ng tingin nakita ko naman sa peripheral vision ko nagsmirk siya. Nako naman baka kung ano isipin nito. Si Kuya Daevid at Kuya Mark ay natutulog ng mahimbing habang si Kuya Jaerred at Kuya Andrei naman e nagbabasa ng libro habang may headset. Bakit ang hilig nilang magheadset? Si Kuya Matthew ay tahimik at diretso lang ang tingin na nakapoker face pa. at ang panghuli e si Kuya Taehyung kaya tumingin ako sa kanya pero nagulat ako nang nakatingin siya sakin. Bigla kaagad akong napaiwas ng tingin at medyo napayuko. Nakakahiya myghaaad ang lapit kaya ng mukha namin. Owemji feeling ko namumula yung pisngi ko.
Isang katahimikan na naman ang narinig ko. Medyo malayo layo yung school sa bahay namin tapos may pagkatraffic pa ngayon e. Ang boring kaya pwede ko kayang irequest kay mamang driver na buksan yung radio? Magsasabi na sana ako kaso may narinig akong ungol ng babae.
Lumaki yung mata ko at nagkatinginan kaming tatlo nina Kuya Matthew at Kuya Taehyung. Waaaaaa kanino yun. e wala naman silang hawak na cellphone. Si Kuya Daevid at Mark tulog naman. si Kuya Andrei at Kuya Jaerred ay nagulat din at napatigil sa pagbabasa at alam ko na kung nasaan yung tunog na yun tumingin ako kay...
Kay Mr. Rabbit.
Nakita ko siyang napakagat ng labi at doon ko nga naririnig yung ungol ng babae. omaaayghaaad nanonood nga siyaaaa. waaaaa. sobrang lakas ng volume niya. waaaa.
Bigla naman akong nataranta at naramdaman kong bigla nalang may tumakip sa dalawang tainga ko at nakita kong si Kuya Matthew yun. Bigla naman inagaw ni Kuya Andrei yung headset niya at cellphone na ikinagulat ni Rabbit.
May sinasabi sila kaso may hindi ko marinig yung mga pinaguusapan nila. Natatakot na ako rito. Huhuhuhu.
Naramdaman kong tinanggal na ni Kuya Matthew yung kamay niya sa tainga ko at tumigil narin ang sasakyan. Nandito na kami. Wala na akong inaksayang oras at bigla biglang lumabas ng sasakyan. Narinig kong tinatawag nila ako pero dire diretso ako tumakbo hangang nakapasok na ako sa loob. Nakita ko namang nasa sala sila Mama at Papa kaya lumapit ako at nagmano sa kanila.
"Kamusta school anak?" tanong sakin ni mama at umupo na siya habang may binabasa sa dyaryo.
"Okay lang po Ma, may bago na po akong naging kaibigan! Tsaka alam niyo ba umuwi na dito sila Tiffany at Nathalie grabe hindi ko inaasahan na makikita ko sila sa school tsaka mas lalo pa silang gumanda kaysa sakin." usal ko at napatango naman siya.
Bigla akong napalingon sa pintuan kasi nakapasok na yung mga Kuya ko. Hindi ko alam pero natakot ako kaya tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Halata sa mukha nila na nagulat sila sa ginawa ko pero tumakbo na talaga ako papuntang kwarto ko. Huhuhuhu. Ano bang nangyayare sakin?
Pagkapasok ko sa kwarto ko ibinababa ko na yung bag ko at nahiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame at may sumagi sa isip ko
Yung pagkagat ng labi ni Rabbit kanina habang nanonood siya. Paksheyt! Ang hot niyang ting---! Erase! waaaaaaa.
Bigla kong naalala yung tungkol sa bully thing. Oo nga pala! Dapat isusumbong ko sila para matigil sila sa ginagawa nila. Pupunta ako sa opisina ni Papa baka nandun siya. Naligo muna ako kasi ang lagkit ko na tsaka ang init e. Pagkatapos kong maligo nagsuot na ako ng Pink Pajamas na Hello Kitty. wieeeee ang kyut ko talaga. Kailangan ko na ngang pumunta sa opisina ni papa para magsumbong. Kala nila ha!

أنت تقرأ
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
أدب الهواة#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...