Chapter 15

2.9K 132 8
                                    


Its Lust not love.

Yun ang pilit na umuikilkil sa utak ko.

Pero hindi ko yun sinabi sa kanya.

Kahit naman kasi ako ay ayaw kong tanggapin na lust nga lang ang nararamdaman nya para sa akin.

Deep inside of me i want it to be love. Kasi alam kong masasaktan ako oras na bigla nyang marealize na hindi naman pala talaga pagmamahal yung nararamdaman nya para sa akin kundi panandaliang init lang ng katawan. Kasi ako aminin ko man sa hindi alam ko na mahal ko na sya. Pero hindi ko pa kayang aminin yun sa kanya.

Dahil kay Sam.

At alam ko yun din ang pumipigil sa kanya para tanggapin kung anoman ang totoong damdamin nya para sa akin. If it is love kailangan nyang ihanda ang sarili nya para sa matinding laban na kahaharapin nya against sa best friend nya and if it is lust he’s committing a crime  against Sam, at wala iyung kapatawaran.

Hanggang sa makarating kami sa site ay wala sa aming nagsalita.

Sumunod lang ako sa kanya, iginagala ko ang aking paningin sa buong paligid pero wala naman doon ang aking isip.

Natauhan lang ako ng suotan ako ni Adam ng hard hat.

Tila nakuryente ako ng dumampi ang kamay nya sa aking balat.

"Wag mong masyadong isipin yung mga sinabi ko. Magtrabaho na lang muna tayo ngayon."

Naka ngiting sabi nya pero hindi iyun umabot sa kanyang mga mata. Alam ko marami ring gumugulo sa isip nya.

"Miss Collin this is Engineer Vergara, sya ang in charge sa construction ng building na to. Kung may mga gusto kang itanong pwede kang magtanong sa kanya or sa akin."

Pagpapakilala nya sa isang bata pang lalaki.

Nakipag kamay ako sa kanya.

The moment na nagsimula na kaming magusap usap about sa ipinapatayong building ay unti unti ng nawala ang tensiyon sa pagitan namin ni Adam.

Hanggang sa tumunog ang buzzer.

"Its lunch time." Inporma ni Adam.

"Kumain muna tayo." Aya nya sa akin.

Tumango lang ako.

"Eng. Vergara wanna join us for lunch.?" Sabi nya sa engr.

"Naku sir hindi na ho. Nagpaluto ako ng ulam sa mga trabahador kaya sa kanila ako sasabay kumain."

"Really. Anong ipinaluto mo.?" Tanong ni Adam.

"Sinigang na baboy sir."

"Wow sarap nyan, ma mimiss ko ngayon ang luto ni Kuya Jun."

"Kung gusto nyo po sa amin na kayo sumabay kumain."

Biglang napatingin sa akin ang dalawang lalaki.

"Ah.. si maam nga pala sorry nawala sa isip ko."

Nahulaan ko naman agad ang iniisip nila.

"No... its okay makikain na lang tayo sa kanila para tipid." Pagbibiro ko.

"Sigurado ka.?" Hindi makapaniwalang sabi ni Adam.

"Why.?"

"Sasabay ka talagang kumain sa mga trabahador.?"

"Mr. Hendrix ang OA ng reaksiyin mo ha... of course, kung gusto mo boodle fight pa."

Alam kong hindi sila makapaniwala na sasabay akong kumain sa mga trabahador iniisip kasi nila na hindi ako sanay sa ganun, pero nagkakamali sila.

Hindi lang mga tulad nila ang nakakasabay kong kumain noon kundi yung mga homeless people sa states, isa iyun sa mga charity works na pinagkakaabalahan ko sa Amerika, at walang ibang nakakaalam nun maliban kay lola. Sya kasi ang partner in crime ko. Kasi sya ang taga abuno kapag kulang ang fund ko. Allowance ko lang kasi ang ginamit kong pera, kahit may million ako sa bank account ko ayaw kong gamitin yun kasi hindi naman akin yun kundi kay Sam.

Sa isang plywood na ginawang mesa kami magkakasalong kumain nina Adam at engr. Vergara na mas gustong tawagin na lang namin sa kanyang pangalan na Erwin.

May higit kumulang isang sa isang daan ang mga manggagawa na nagtatrabaho doon pinamamadali daw kasi ni Sam ang patrbaho.

Nakakatuwang tingnan na sabay sabay silang kumakain at kanya kanya silang hanap na pwesto. Ang isang napakalaking kaldero ng kanin ay mabilis na naglaho kasabay ng isang napakalaking kaldero rin na ulam.

"Sino ang buminili ng iniluluto nila.?" Tanong ko kay Erwin.

"Nag aambag ambag sila, paminsan minsan ako kapag nakakaluwag luwag o kaya si sir Adam."

"Pati ikaw paminsan minsan din lang kung magpakain.?" Sita ko kay Adam.

Nagkibit balikat sya.

"Ang yaman yaman mo bakit hindi na lang ikaw ang magpakain araw araw.?"

"Mas mayaman ka sa akin."

"Oi hindi ako ang daddy ko... bukas ikaw naman ang magpakain ha." Sabi ko.

"Hindi pwede may pinagiipunan ako."

"Nagiipon ka pa talaga ang alam ko ayon sa net worth mo kaya mo ng mabuhay kahit hindi ka magtrabaho habang buhay. Idagdag pa yung mga shares mo sa ibat ibang kompanya."

"Hindi sapat yun para sa magiging pamilya ko, high maintenance ang magiging asawa ko tapos lima ang gusto kong maging anak kaya kailangan kong magtipid lalo na ngayon na anomang oras pwede akong mawalan ng trabaho at patalsikin sa kompanya ng daddy mo."

Napamaang ako sa sinabi nya. Wala akong mainti dihan basta Nakatingin lang ako sa kanya.

"What...? Di ba high maintenance ka naman talaga magkano ba budget mo weekly sa shopping, sa parlor, sa spa sa boutique etc..etc..tapos yung mga magiging anak natin kailangan maibigay ko lahat ng pangangailangan nila at kailangan lahat the best."

Doon nalaglag ang aking panga.

Dinampot ko yung nakarolyong building plan na nasa malapit sa akin tapos ihinambalos ko sa kanya.

"Ouch bakit ba.?" Sabi nya habang hinihimas ang kanyang ulo.

Nakita kong natawa si Erwin at yung iba pang mga trabahador na nakakita ng ginawa ko.

"Ano bang tinira mo kagabi.?" Sabi ko.

"Anong tinira... hindi ako addict ha."

"Hindi ba.? Bakig mukhang bangag ka pa yata kung ano ano yang pinagsasabi mo. Dalian mo na ngang kumain dyan at maghahalo ka pa ng semento."

"That’s a good idea, ngayon pa lang pagaaralan ko na kung papano maging construction worker dahil oras na malaman ng daddy mo na boyfriend mo na ako tiyak goodbye trabaho na ako."

"Hindi pa tayo, wag kang assuming, ang kapal mo... manligaw ka muna."

Sam & AdamTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang