Chapter 35

3.2K 136 5
                                    

Ng lumapag ang sinasakyan naming eroplano ay nagulat ako ng may mga lalaking nakaitim na nakatayo sa ibaba ng hagdan para silang mga men in black may mga naka kabit na earpiece sa kanilang kanang tainga, may mga sasakyan din na nakaparada sa likuran nila.

"Security." Pag inporma sa akin ni Adam ng makita nyang nakatingin ako sa mga lalaki.

"Ganyan kadami.?" Mahigit samlpu kasi ang nasa baba namin at meron pang mga nasa malayo nagkalat.

"Ngayon alam mo na kung bakit pinagtataguan ko ang daddy ko... ayaw kong may nakasunod sa aking ganyan kadaming tao, kaya kung protektahan ang sarili ko. Pero dahil kasama kita pagbibigyan ko sya ayaw ko rin naman I risk ang kaligtasan mo."

Pagtapat namin sa mga security ay sabay sabay silang sumalodo kay Sam na tinugunan din nya ng saludo.

Iginiya nila kami papunta sa isang Limousine na kulay gray.

"Limo talaga.?"

Nagkibit balikat si Adam.

"Welcome home Mr.Hendrix." Sabi ng medyo may edad ng lalaki na syang nagbukas nh pinto ng Limo.

Agad itong niyakap ni Adam.

"Kuya James... long time no see." Masayang bati nya dito.

"Oo nga po."

"Na miss kita... sya nga po pala si Samantha Fiancé ko." Pagpapakilala nya sa akin sabay hapit sa beywang ko.

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo maam Samantha."

"Gayun din po ako." Naka ngiting sabi ko. Mukhang close na close sila ni Adam.

"Sakay na po kayo at dadalhin na namin kayo sa bahay nyo."

"Andun na ba si Dad.?"

"Nasa Trabaho pa po sya pero may utos sya na tawahan ko sya nkapag dumating na kayo."

Pumasok kami ni Adam sa limo.. para lang kaming nasa salas ng isang bahay.

After an hour ay nakarating kami sa isang mala palasyong bahay na napapaligiran ng mataas na bakud. Awtomatikong bumukas ang gate at pumasok ang sinasakyan namin.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob at sumalubong sa amin ang mga unipormadong katulong na bumati sa amin.

Karamihan sa mga katulong ay mga Pilipino na mukhang mga ka close din Adam, ipinakilala nya ako sa mga ito at binilinan na tawagin na lamang kami kaoag dumating na ang Daddy nya.

Umakyat kasi sa third floor kung saan naroroon ang silid ni Adam, may elevator ang bahay pero pumili naming gamitin ang hagdan.

Kalahati ng buong third floor ay sakop ng silid ni Adam kaya para na iyong isang malaking bahay.

"Sabi mo nagsisinungaling si Dad ng sabihin nyang mas mayaman ka pa sa kanya eh ano pala to kung ganun."

"Sa dad ko to, ipinagawa nya para sa akin pero dito sya tumutuloy kapag nagaaway sila ng asawa nya."

"Tumira ka dito.?"

"During may college years... obligado dahil kung hindi pasasabogin nya ang bahay na titirhan ko."

Habang hinihintay ang kanyang ama ay may mga tinawagan muna syang tao at may mga pinagusapan sila tungkol sa negosyo na walang kaugnayan sa CGC.

Nalaman ko na maliban sa CGC may iba pa syang mga negosyo na may kinalaman sa computer software. Service provider yata ang komonya nya ng mga software program na ginagamit ng ilan sa mga mahahalagang sangay ng gobyerno local man o international.

Habang ginagawa nya yun ay tinawagan ko naman si Sam at Lia.

Dinner time ng tawagin kami ni Kuya James, dumating na daw ang daddy ni Adam.

Kinabahan ako bigla. Papano kung hibdi nya ako magustohan para sa anak nya, papano kung magaway sila anong gagawin ko.

Hinawakan ni Adam ang kamay ko.

Nasa harap na ng dinning table ang daddy nya pagbaba namin. Ang gwapo ng daddy ni Adam ang tangos ng ilong at kulay asul ang mata mukhang ma edad na sya pero makisig pa rin.

Ang higpit ng hawak ni Adam sa kamay ko.

Nagsukatan sila ng tingin ng kanyang ama.

Pinisil ko ang kanyang kamay at nginitian ko ang kanyang ama.

Tumayo si Senator Hendrix.

Inilahad nya sa akin ang kanyang kamay.

"I'm Arnold Hendrix Adams Father." Pagpapakilala nya sa kanyang sarili.

Agad ko namang binitiwan ang kamay ni Adam at inabot ko ang kanyang kamay.

"Samantha Collins.."

"My Fiancée." Pagtatapos ni Adam sa sinasabi ko.

"Nice meeting you Samantha. Have a seat." Sabi nya.

Ipinanghila ako ni Adam ng upuan.

Nagsimula ng maghain ang mga taga pagsilbi. Ng mtapos ay pinalabbas muna sila ni Senator.

"Finally you find your way home." Sabi ni sen.

"Ginawa ko to hindi para sayo kundi para kay Samantha. Sya ang may kagustohang makipagkita ako sayo."

Napatingin ako kay Adam purong tagalog kasi ang ginamit nyang salita sa pakikipagusap sa Amerikanong ama.

"Thanks to you then Miss Collin." Naka ngiting sabi ni Senator na malinaw na naunawaan ang sinabi ni Adam.

"Tinuruan sya ni mommy Lia na umintindi ng tagalog, madalas kasi akong magtagalog kapag nagtatalo kami kaya nagaral sya para daw alam nya kung pinagsasalitaan ko na sya ng masama."

"That's correct." Pag sang ayon ng daddy nya.

The whole duration ng dinner ay halos kami lang ni Senator Hendrix ang naguusap nagsasalita lang si Adam kapag tinatanong sya at kadalasan ay oo at hindi lang ang sagot nya.

Ng matapos kaming kumain ay lumipat kami sa coffee table sa may pool area. Iiwan ko sana sila para makapagusap sila ng sarilinan pero hindi pumayag si Adam, kaya nakinig na lang ako sa usapan nila.

Tungkol sa pagpapakilala ni Senator kay Adam sa publiko ang naging topic nila, mahigpit iyung tinutolan ni Adam ayaw nyang malaman ng lahat ang kaugnayan nya sa ama. Ipinaliwanag ng daddy nya na para din iyun sa kapakanan nya dahil marami ng lumalabas na balita tungkol sa kaugnayan nya kay Arnold Hendrix nakakaladkad na rin ang pangalan ng mommy nya na may sarili na ring pamilya sa isyu, may nga lumalabas kasing balita na kabit ng senador ang mommy nya at si Adam ay isang masamang anak na nilulustay ng kanyang ama ang pera ng bayan para suportahan ang luho ng anak.

"I want you to stand not for me but for yourself, let the people know that you are not who they think you are. Adam do it for your mom, for Samantha and for yourself, you don't deserve to be treated that way, you're a good man son I knew it, if there's a bad person here that's me . I don't deserve to be your father."

Tahimik na nakikinig si Adam habang nagsasalita ang kanyang ama.

Marami pa silang pinagusapan pati yung tungkol sa share ni Adam sa kompanya ng daddy nya na hindi nya pinakikialaman ay napagusapan rin nila, sinabi ni Senator na kung ayaw niyon ni Adam ay ibibigay nya na lamang sa magiging apo nya rito.

Muntik na akong maubo sa sinabing iyon ni senator kung si Sam ayaw na ayaw pang maging lolo mukhang kabaliktaran sya ng daddy ni Adam. At mukhang doon sila magkakasundo ni Adam dahil napangiti si Adam pagkarinig sa sinabi ng ama tungkol sa apo.

Ng makaalis ang daddy nya ay pinagusapan namin ang gustong mangyari ni Senator. Pabor ako sa gustong mangyari ng daddy nya, tama naman kasi ito kailangang linisin ni Adam ang pangalan nya at kung kailangang tulungan ko sya gagawin ko.

"Magbabbago ang buhay natin kapag nalaman nilang anak ako ng daddy ko. Pa pipyestahan ako ng medya at madadamay ka dum ."

"And so...? Sandali lang naman yan lilipas din yan."

"Kaya mo.?"

"Para sayo kakayanin sir..." Naka ngiting sabi ko.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon