Chapter 7: Widening the Gap

86.2K 855 92
                                    


Inabutan ni Luke si Lyra sa labas na ng campus. Hinawakan niya ito nang mahigpit. Nadurog ang puso niya nang makitang namumugto ang mata ng dalaga.

"Bakit kasi, hindi na lang ako?" tanong ni Luke sa dalaga. Hindi nakasagot si Lyra, napayakap siya kay Luke at umiyak siya ng husto. Niyakap siya ng mahigpit ni Luke. "Hindi kita sasaktan, bigyan mo lang ako ng chance."

Ngunit walang maisagot si Lyra, tuloy-tuloy lang ang pag-iyak niya.

"Let's go Lyra, ihahatid na kita." anyaya ni Luke sa kanya.

Halos hirap na hirap siyang maglakad kulang na lamang ay ilakad pa rin siya ni Luke. Bakit nga ba hindi na lamang ang lalaking ito ang mahalin niya, kung mapipilit nga lang naman ang sarili na mahalin ang isang tao ay mas pipiliin niya si Luke. Matiyaga itong naghihintay sa kanyang mga desisyon at hindi yung sunod sunuran lamang siya.

#

Makalipas ang ilang sandali ay narating na nila Luke at Lyra ang bahay nito. Sa buong biyahe ay walang ginawa ang dalaga kundi ang magbuntong hininga at ang umiyak.

"Luke, pasok ka muna sa bahay. Kape nga lang ang mai-offer ko sa yo" Nangiting sabi niya.

"Huwag ka na lang iiyak, ok na sa akin." biro ni Luke.

"Wala 'yon, naawa lang talaga ako sa sarili ko. Medyo may pagkatanga lang kasi" sagot ni Lyra sa kanya. Bumaba si Luke sa sasakyan at umupo sila sa upuan sa labas ng bahay nila.

"Masyado mo kasing inuubos ang oras mo sa mga taong hindi ka naman handang ipagtanggol." Pag-aalinlangang sabi ni Luke.

"Pero kasi, sabi niya mahal niya ako." muling nanginig ang boses niya pagkasabi noo.

"O iiyak ka na naman. Sinasayang mo ang luha mo sa kanya. May pakialam kaya siya? Paano ka niya mamahalin ng lubusan kung hinahanap pa niya ang sarili niya. Alam sa buong school ang pagkamatay ng parents niya. Sa tingin mo sa pinagdadaanan niya sa pagkawala ng magulang niya, may oras pa siyang isipin ka?" paunawa ni Luke sa kanya. Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang dalaga, nasasaktan siya sa tuwing makikitang malungkot ito. Naiinis siya na ang babaeng handa niyang mahalin nang lubusan at ibigay ang lahat-lahat ng kanya ay pinaiiyak lamang ng iba. Pakiramdam ni Luke ay walang karapatan ang kahit na sinong paluhain ang babaeng mahal niya.

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Luke sa kanya.

"Wala naman, magpapahinga. Parang napagod ako ng buong araw." Sagot naman ni Lyra sa kanya.

"Napagod? Weh. Sinilip kita sa COSE building kanina at tinanong kita sa blockmate mo. Hindi ka naman daw pumasok. Ikaw ha nag-cutting ka pa." Biro sa kanya ni Luke. Natawa naman si Lyra. "Sama ka sa akin."aya sa kanya ni Luke.

"Saan naman?"

"Basta."

Mula sa likod ay dumating ang kapatid niyang si Botchok. "Saan kayo pupunta? Sasama ako." Sabi ni Botchok sa dalawa.

"Ikaw pasulpot-sulpot ka lagi para kang laman lupa." Gulat na sabi ng ate niya.

"Ok, bud. Sama ka, para hindi na makahindi ang ate mo." Sabay hatak ni Luke sa kamay ng dalaga. Sumunod na rin si Botchok matapos ikandado ang pinto ng bahay nila. Para puntahan ang nakaparadang kotse sa may labasan.

#

Matagal-tagal din ang biyahe nila dahil sa trapik. Nainip na nga si Botchok na paminsan-minsan ay hinihinto ni Luke ang sasakyan upang maibili ng makakain ang dalawa, kahit pampalipas oras lang. Maggagabi na nang makarating sila sa Manila Bay.

My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon