Chapter 10: A Night of Fairytale

109K 1.9K 1.3K
                                    

Takang-taka si Lyra sa nakitang eksena. Alam naman niyang kasama si Richard sa pakanang ito, pero ang makita ang kanyang kapatid pati na rin si Luke ay kagulat-gulat talaga.

"Ano namang ginagawa mo dito?" tanong ni Lyra sa kanyang kapatid.

"Sakay na lang! Ang dami mo pang tanong, ang kati na nitong suot ko 'no. Hindi ako sanay na nagsusuot nito."Na inis na inis na sa suot niyang tipong pang ringbearer sa kasalan kasama pa ang plantsado nitong buhok. Tawang tawa talaga si Lyra sa itsura ng kapatid.

Sumakay na si Lyra sa magarang karwahe. Alam niya ang eksenang iyon, mula pagkabata pa ay eto na ang paborito niyang parte sa kuwento ni Cinderella. Napaisip siya, naalala nga pala niya ang sinabi niya kay Richard na paborito niya si Cinderella. Nakakatuwa talaga ang binata. Sa daan ay pinagtitinginan ng mga tao ang magarang karwahe. Napapahinto pa ang mga sasakyan upang masdan lamang sila.

Makaraan ang ilang sandali ay narating na nila ang lugar. Pinapasok na si Lyra ngunit nag-paiwan sila Luke sa labas.

"Ate! Huwag kang masyadong malakas kumain. Kakain pa ako baka maubos mo." reklamo ni Botchok na parang labag sa kalooban na maiwan sa labas ng venue.

Magara ang dekorasyon sa loob na punong-puno ng ilaw. Para bang maliliit na bituin na nakadikit sa mga puno ang mga ito. Malayo pa siya ay narinig niya ang tunog ng piano, hindi siya pamilyar sa kantang iyon, pero maganda ito. Nagmadali siya sa paglakad, sabik na niyang makita kung sino ang tumutugtog ng piano. Pero nadismaya siya ng makita na ibang tao ang nag-pipiano at hindi niya kilala. Luminga-linga siya, nagbabakasakali na baka makita niya si Richard.

Mula sa madilim na parte ay lumabas si Richard at lumapit sa kanya.

"May I have this dance?" tanong sa kanya ni Richard.

"Oo naman." Sagot naman ng dalaga. Masaya silang nagsayaw na tila ba walang nangyari kahapon. Nilapit ni Richard ang kanyang mukha sa dalaga. Sa sobrang lapit noon ay nararamdaman na ni Lyra ang paghinga ng binata.

"You look stunning tonight" wika ng binata. Niyakap siya ng binata habang nagsasayaw sila. Ramdam na ramdam ni Lyra ang mabilis na tibok ng puso ng binata, ganoon din naman ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Do you have any idea how special you are to me?" tanong ng binata. Ngunit hindi makasagot si Lyra, may pagkakataon na napapapikit lang siya sa pagsayaw nilang iyon, tila ba napakasarap magmahal. Idinikit ng binata ang kanyang noo sa noo ng dalaga. "Do you know how much I want to kiss you right now? But I must resist cause you are not my girlfriend, well at least not yet."

"Paano yan kapag dumating ang midnight, uuwi na ako" biro ni Lyra sa kanya.

"I want to give the ending a little twist." Seryosong sabi ng binata.

"Ang seryoso mo. Pati yung biro ko sa'yo na ma-experience yung life ni Cinderella kahit one night lang tinotoo mo." Wika ng dalaga na hindi maitago ang saya.

"Hindi lang naman iyon ang tinotoo ko, wait here." Umalis ang binata sandali at nagtungo sa LED screen na naroon sa loob.

Kinabahan si Lyra sa nakita ng nagsimulang umandar ang nais ipakita ng binata.

The tale of the Random Girl: (Habang tumutugtog ng instrumental ang kantang Tong Hua(fairytale) ni Michael Wong)

I was never excited about the first day of my College life.

The idea of seeing numbers of strange faces gives me the creeps.

But then she came.....

(Biglang lumabas ang picture ni Lyra, naalala niya ito. Ito ang unang araw na nasa school siya, hinahanap niya noon ang COSE building)

My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon