Love Can Be So Addictive

10.8K 303 8
                                    


CHAPTER 10

NANGINIG ang kamay ni Yumi na may hawak sa tasa. Kung hindi lang nakasapo ang mga palad ni Jairus ay baka nabitiwan na niya iyon. Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon nito. Hindi naman siguro siya nananaginip. Dahil damang-dama niya ang pag-apaw ng emosyon sa dibdib niya. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya.
Ibinaba ni Jairus ang tasa ngunit hindi pa rin nito binitiwan ang palad niya. Ikinulong muli nito ang mga kamay niya sa dalawang palad. “Iyon ang totoo, Yumi. Kaya selos na selos ako kay Brian… Natuwa na sana ako noon dahil pumayag kang magpakasal sa akin. Kahit ang mga lolo lang natin ang may idea ng kasal. Sabi ko sa sarili ko, gagawin ko na lang lahat ng magagawa ko para malipat sa akin ang pagmamahal mo sa kanya.”
“P-pero si Vera-”
“I never loved Vera. I just used her name to get some reactions from you. I mean, bestfriends tayo at umaasa ako na dahil may nararamdaman ako para sa iyo, sa katagalan, may mabubuong feelings din d’yan sa puso mo para sa akin. Pero wala akong nakuhang kahit na anong reaksiyon sa iyo. Kahit kapirasong selos kapag binabanggit ko si Vera, wala.”
“Dahil iningatan kong may mahalata ka… Noon pa lang ikinondisyon mo na sa isip ko na si Vera ang gusto mo.”
“Pero bakit?”
“I have my pride, too. Ayokong magmukhang kawawa sa paningin mo.”
“Pero ikaw ang lagi kong kasama, laging kausap. Tayo ang mas malapit sa isa’t isa. Wala ka bang naramdaman, kahit hint lang ng nararamdaman ko para sa iyo?”
“A-akala ko, nabibigyan ko lang ng kahulugan ang mga ginagawa mo para sa akin dahil secretly, may feelings ako sa iyo. I had high hopes for us when our grandfathers set us up in marriage… Sabi ko, baka kapag nagsasama na tayo, magawa ko nang paibigin ka. Pero ng araw na umalis ako ng Sagada, may iniabot sa aking journal si Aunt Carrie. Sabi niya, naiwan mo raw. Binasa ko ‘yong ilan sa entries na naroon. May binanggit ka roon na nasa tree house kayo ng princess mo. Sabi mo pa sabay kayong kumanta habang nasa tree house. Pareho nating alam na hindi ako ang kumakanta kundi si Vera. At hindi ba, kapag narito siya sa Sagada, nakakaakyat din siya sa tree house mo?”
Ngumiti ito, may suyo ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “Hindi mo ba naisip na baka ikaw ‘yon, princess? At nakalimutan mo na ba? Madalas, kapag kumakanta ako, nagra-rap ka naman? Or should I say you’re trying to? Para sa akin, kasabay pa rin kitang kumakanta, Yumi. Hindi ka dapat nagduda sa nabasa mo. Kung in-analyze mo lang mabuti, doon pa lang sa journal, nabisto mo na sanang minahal na kita noon pa man.”
Pumatak ang luha sa mga mata ni Yumi. “Ang tagal kong hinintay na sabihin mong mahal mo ‘ko… Kahit siguro hindi totoo, papaniwalaan ko.”
“Oh, Yumi… I’m sorry. I’m so sorry for hurting you. Hindi mo lang alam, tuwing may sinasabi akong nakakasakit sa iyo, doble noon ang sakit na bumabalik sa akin. I promise you, I’ll never, ever hurt you again, at least not intentionally…” Pinunasan ng mga daliri nito ang luhang bumasa sa pisngi niya.
Ang katawan na niya ang ikinulong ni Jairus sa mahigpit na yakap. Matagal sila sa ganoong ayos. Parang dam na naalisan ng harang na bumuhos ang emosyon ni Yumi. Ang dami niyang gustong sabihin ngunit may bara ng emosyon ang lalamunan niya. Hinayaan lang siya nitong umiyak nang umiyak. Nang mahimasmasan siya at tingalain ang binata ay namumula rin ang mga mata nito.
“At sana paniwalaan mo na talagang mahal kita, dahil iyon ang totoo,” madamdaming pahayag ni Jairus pagkaraan. “Kaya ako nasaktan nang sobra sa pag-alis mo. Kasi sobra-sobra din kitang minahal. Hindi ko lang nasabi agad noon. Natakot ako na lumayo ka.”
Kumalas dito si Yumi upang pahirin ng mga palad ang mga luha niya, ngunit ikinulong pa rin siya ni Jairus sa maluwang na yakap. “Bakit naman kita lalayuan kung sinabi mong mahal mo ako?”
“Dahil ang alam ko, nakikita mo lang ako bilang isang bestfriend. Hindi ko alam kung ano ang magiging response mo sa pagmamahal ko kapag ipinaalam ko sa iyo.”
“I love you, too… Iyon ang magiging response ko.”
Mas malawak pa sa land area ng buong Mountain Province ang naging ngiti ni Jairus sa deklarasyon niya.

PINAGSUMPING ni Jairus ang kamay nito at ni Yumi at dinala sa bibig. Hinalik-halikan ng binata ang likod ng palad niya. Nakahiga na sila noon sa ibabaw ng kapok mattress. Nakaunan si Yumi sa dibdib ni Jairus at nakapalibot sa baywang niya ang isang braso nito.
Bumalik na sa mga mata ni Jairus ang dating kislap noon, noong bago niya takasan ang kasal nila. At ngayon, kahit hindi ito nakangiti ay parang nakangiti pa rin. Peaceful at maamo na ang mga mata nito ngayon.
“Bakit ba kanina ka pa tingin nang tingin? Siguro may iba ka pang gustong gawin sa ‘kin, ano?” pilyong sabi nito. “Game ako, sabihin mo lang. Ano ba ‘yon?”
Pinindot niya ang matangos nitong ilong. “Wala kaya. Naisip ko lang kasi, tama nga pala si Lolo Alfonso.”
“Bakit, ano ba’ng sabi ng lolo mo? Na wala ka nang mahahanap na kasing guwapo at kasing lambing ko?”
Sinundot niya ito sa tagiliran. “Ang yabang niyan. Wala po siyang sinabing gano’n.”
“Ano pala? Na kung hinalikan mo lang ako noon, no questions asked, mapapasagot mo ulit ako?”
Dinukwang niya ito at pinatakan ng halik sa tuktok ng ilong. “Kapag kasal na tayo, promise, pagsasawain kita sa halik - morning, noon, and night, pati sa coffee breaks in between.”
“How about now?” sabi nito sa seductive na tono na ikinahalakhak ni Yumi. “Sige na. Isang torrid lang, payag na ako.”
“Unggoy mo!” tumatawang salag niya nang akmang hahalik ito. Sa halip, ibinuro ni Yumi ang mukha sa dibdib ni Jairus. Lampas pa yata sa milky way ang taas ng kaligayahan na nararamdaman niya ngayon. Sulit ang lahat ng paghihirap ng loob na dinanas niya. Tiningala niya uli ang binata. “With love, nothing is impossible… ‘Yon ang sabi ni Lolo sa akin. Pero muntik na kitang sukuan, akala mo. Bababa na sana ako ng Sagada at babalik sa Makati kahit hindi ko na makuha ang mana ko.”
Sumimangot ito kunwari. “Susukuan mo na kaagad ako eh hindi mo pa nga ginagawa ang ultimate move.”
“Ultimate move?”
“Ang i-seduce ako. For sure bibigay ako agad kapag iyon ang ginawa mo,” sabi nitong pinagalaw-galaw pa ang noo sabay malanding kindat sa kanya.
Napahagalpak siya ng tawa. “Alam mo bang ‘yon ang advise ng mga kapatid ko?”
“I love them already. Sayang at hindi mo sila sinunod.”
Natawa na naman siya. “Bakit mo nga pala naisip na magdagdag ng furnitures dito sa loob ng tree house?” tanong niya rito mayamaya. “Di ba sabi mo wala ka nang interes dito?”
“Basta naisip ko lang… Saka hindi totoong hindi na ako interesado rito. Sinabi ko lang ‘yon para saktan ang loob mo. Pagkatapos kong makita na mahal mo pa rin ‘tong tree house natin nagkaroon ako ng konting hope na kung lagi mong babalikan ito, baka-sakali na magkaayos uli tayo. Hindi pa nasasabi sa akin ni Vera ang tungkol sa mana mo nang iakyat ko ang ilang furnitures dito.”
“At siyempre nasaktan ka na naman no’ng malaman mo, tama?”
Ngumiti ito. “Kakalimutan na natin ang lahat mga sakit, kirot, sama ng loob ng nakaraan.”
“At papalitan natin ng love, pagmamahal, amor…” 
“Right.” Tumango ito habang nakatawa.
“I find it ridiculous.”
“Ang alin?” tanong nito.
“’Yong magsasakripisyo ka para makuha ko lang ang mana ko. ‘Yong ipapaubaya mo ako kay Brian.”
“Hindi ko nga alam kung paano ko kakayanin ‘yon kung totoo nga na siya ang mahal mo. Siguro ang gagawin ko na lang, habang tayo pa, ise-seduce na lang kita hanggang sa malunod ka sa charm ko.”
“Paano kung hindi umubra?” sabi niyang natatawa. “Paano kung hindi ako gano’n kadali na ma-seduce?”
“Well, there are many ways for effective seduction,” sabi ni Jairus na pinalaki pa ang boses.
“Like what?”
“Like kidnapping. Siguro naman kung dadalhin kita sa isang liblib na lugar at tayong dalawa lang ang tao, wala ka nang magiging choice kundi ang mahulog sa alindog ko,” Sabi nitong kumindat-kindat pa.
Tawa nang tawa si Yumi. Kahit siguro maghapon at magdamag lang silang magkayakap sa loob ng tree house ni Jairus ay hindi mauubos ang mapag-uusapan nila. She missed her bestfriend of old. She missed the other half of herself. For two long years, she just spent her life missing him. She was so grateful to God for another chance to right the wrongs, and be with the man she really love.
“Yumi, lovey ko,” malambing na tawag nito, may kasama pang halik sa gilid ng mukha niya. “Bakit nga pala sinampal mo ako noong halikan kita kung mahal mo rin naman pala ako?”
“Naisip ko kasi na pambabastos lang ang paghalik mo pagkatapos mong sabihin na naalibadbaran ka sa ginagawa kong panliligaw sa iyo.”
Napasagap at buga ito ng hininga. “I’m sorry, Yumi. Bilang ako ng bilang ng mga atraso mo sa akin, hindi ko naiisip na hindi na mabilang ang mga atrasong nagawa ko sa iyo mula nang bumalik ka rito sa Sagada. I’m sorry, mahal ko.” Pinatakan nito ng halik ang mga mata niya. “Para sa mga pagpapaluha ko sa iyo… I’m truly sorry.”
Yakap at ngiti ang iginanti rito ni Yumi. Para siyang nakalutang sa mga ulap sa labis na saya.
“Princess… dito na lang muna tayo, ha? Bukas na lang kita ihahatid sa inyo.”
Gusto niya ang idea nito kahit nag-iinit ang mukha niya. “Gusto mo bang mag-launch ng search and rescue party ang stepmother ko at mga kapatid?”
“Dalawang taon mo akong pina-miss sa iyo at pinahirapan ang kalooban ko. Ngayon ka pa nga lang babawi,” kunwa ay maktol nito.
Kinintalan niya ng halik ang baba nito. “Handa ka bang multuhin ni Lolo Alfonso kapag hindi mo ako inihatid sa amin ngayon?”
“Sabi ko nga ihahatid kita mamaya sa inyo, di ba?”
Ang halakhak niya ay pinutol nito sa isang pagkatamis-tamis na halik. Hmm… Love can really be so addicting.

Barely Heiressess Book 2 - Yumi  (Published 2015)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon