CreepyDoll

37 7 0
                                    

Amara's POV

Ako si amara fernando.

Bagong lipat ako sa bayan na kung saan na rito ako ngayon. Gusto kung bumukod at tumayo sa aking sariling mga paa at sa hindi malamang dahilan ang lugar na ito ay may ipinapaalala sakin na hindi ko maintindihan. Ang alam ko ngayon lang ako nakapunta rito pero iba ang pakiramdam ko na tila ba'y napapad na ako rito.

Papunta ako ngayon sa lugar kung saan namin napag kasunduan ng taong pagbibilan ko ng bahay na aking titirhan dito.

Napili ko ito dahil bukod sa malaki na ito para sakin na maninirahan mag-isa ay ito ay napakamura lang at kayang kaya ito mabili ng ipon ko sa bangko.

Pero kahit na malaki-laki ito at mura ay mukhang walang gustong bumili dito bukod sa akin syempre. May pagka malayo ito sa dito sa matataong lugar na ayos rin naman saakin dahil gusto ko rin naman ng tahimik.

Usap usapan rin na ang mga lumilipat sa bahay na iyon ay kung hindi nababaliw ay nagkakamatayan. Pero di ako natinag sa mga storyang aking naririnig dahil wala namang ebidensya na kagagawan ito ng bahay. Mamaaring nag kataon lang na ang mga lumilipat doon ay may sakit na talaga sa isip o di naman kaya merong may galit sakanila na sinamantala ang usap-usapan tungkol sa bahay para kung patayin nila ito ay maiisip ng mga tao na dahil ito sa bahay.

Sa wakas narating ko narin ang aking pupuntahan.

Pumasok ako sa isang cafe at hinanap ang taong aking kikitain.

Nagpalinga linga ako ng may biglang nagtaas ng kamay kaya napatingin ako doon. Kumunot ang aking noo dahil napansin kong sakin sya nakatingin.

Tinuro ko ang aking sarili para makasigurado kung ako nga ang kanyang tinatawag at sya naman ay tumango.

Mukhang ang mamang ito ang aking kakausapin tungkol sa bahay na aking bibilhin.

Dala ang aking case na may lamang pera na napagkasunduan ay pumunta ako sa gawi nya at sinenyas na maupo ako.

Nag-aalin langan man ay umupo parin ako. Sino ba namang hindi kung ang mamang iyong kaharap ay balot ng balot at nakasumbrero, hindi nakikita ang kanyang mga mata at wari'y napaka misteryoso. Sa tantsa ko nasa 30 mahigit na ang kanyang edad, base sa tindig ng pangangatawan. Kung siguro sa iba kapag nakakita ng kagaya nya ay magbabago ang isip at hindi na i tutuloy ang transtraksyon. Pero dahil kelangan ko ng malilipatan at ito na ang pinaka mura na aking nahanap ay wala nakong pagpipilian kung hindi bilhin na nga ito.

Pagkaupo ko ay tumingin ako sakanya at nangilabot ako dahil na kangisi sya sakin.

"Ang laki mo na pala..."mahinang sabi nya ngunit sapat na para aking narinig.

"P-po?"-kinakabahang tanong ko.

"Wala iha. Ikaw ang bibili sa lumang bahay tama ba?" Tanong nya.

Ang bahay ay medyo sa magubat na parte nitong bayan kaya marami talagang natatakot ditong pumunta dahil bukod sa usapan tungkol sa bahay nakakatakot naman talaga kung titira ka sa magubat na parte. Buti nalang at may sasakyan ako na kahit lumang modelo ay maasahan parin.

"Ako nga ho"-kinakabahan parin ako pero nagawa ko naman sumagot ng maayos.

Nag-usap kami sandali kahit na hindi ako komportable ay nagawa ko parin makipag usap ng maayos. Hanngang sa napagkasunduan na ang mga bagay bagay.

Binigay ko ang dalang pera at sya naman ay ibinigay sakin ang susi ng bahay kasama na ang mga susi ng iba't ibang pinto.

"Magiingat ka." Sabi nito habang nakangisi na parang alam na may mangayayari at natutuwa sya roon.

OneShotColletionWhere stories live. Discover now