Paano I-detox Ang Feelings?

5.2K 95 6
                                    

CHAPTER 3

“PUWEDE ba kitang ligawan?”
Kumunot ang noo ni Lucy sa sinabi ni Zilj. Nag-alok lang ito na isakay siya sa kotse dahil ban sa coding scheme ang kotse nila. Nang pagbigyan niya ay sinamantala naman yata ang pagsosolo nila sa SUV nito.         
“Don’t push it,” hindi ngumingiti na sagot niya.
“Bakit hindi puwede?” Hindi man lang nawala ang ngiti sa mukha ni Zilj kahit tumanggi siya.
“Kasi I don’t like you to make ligaw to me.”
“Ano ba kasi ang ayaw mo sa akin? Kapag ako nama’y natingin sa salamin, lasa ko nama’y guwapo ako. Hindi rin naman ako masamang tao. At lalo namang hindi ako bastos para ayawan mo.”
Mabait nga ito. Guwapo rin. May dimples ito sa magkabilang pisngi at maaamo ang mga mata. Cute pa ng bow-shaped lips nito. Pero hindi ito si Ardy. “As a friend, okay ka naman, Zilj. ‘Gang doon na lang.”
Pumalatak ito pero hindi pa rin nawawala ang ngiti. Litaw pa rin ang malalalim na dimples. Paano ba nito nagagawang ngumiti pa rin kahit nire-reject na ito? “Bakit nga? Dahil ba hanggang ngayon, umaasa ka pa rin na magugustuhan ka ni Ardy?”
Gusto niyang pagtarayan si Zilj. Pero habang nakatingin siya sa sinsero at mabait na bukas ng mukha nito ay hindi niya magawa. “That’s beside the point.”
“Ano nga ang point mo? Bakit ayaw mo sa akin? Ano ang ikinaaayaw mo? Ako ba ay may ginawang masama sa iyo? May putok ba ako?” Hiningahan nito ang palad at inamoy. “Wala naman akong halitosis.”
Pumikit si Lucy dahil naiinis na siya. Pero kailangan din niyang maging malinaw kay Zilj. Tinatanong siya nito kaya sasagutin niya nang matapat. “No, you didn’t do anything wrong. Basta ayoko lang sa iyo. Ayoko ng probinsiyano accent mo. Ayoko ng baduy getup mo. And your ugly braces sucks.”
Nawala na ang ngiti ni Zilj. Lumungkot ang mga mata nito. Nagsisi tuloy si Lucy. Naawa siyang bigla rito. Pero dapat lang na maging matapat siya para hindi na ito umasa na magugustuhan niya. Sana ibaling na lang nito sa iba ang feelings. Mabait ito at isang mabuting tao. Deserve din naman nito ng isang babaeng totoong magmamahal at tatanggap dito.
“I’m sorry,” nakokonsensiyang hingi niya ng paumanhin.
Bumalik ang ngiti ni Zilj. “Ayos la-ang iyon. Di bale nang masakit basta totoo. Kaysa naman magkamayroon ka ng lihim na inis sa akin dahil pilit ako nang pilit na ligawan ka. Kaibigan. Iyon na la-ang sa ngay-on. Ayos ba iyon sa iyo?”
“Friendship lang talaga, Zilj,” tango niya pero ngumiti na siya rito.
“Salamat. Marunong naman akong tumanggap ng pagkatalo, ay. Pero anong malay mo naman, sa daku-dako roon ng panahon, magustuhan mo rin ako. Ako’y hindi mawawalan ng pag-asa na mapansin mo. Maghihintay la-ang ako dine.”
Sorry, but you’ll gonna wait in vain. “This Nollet girl, have you seen her?” tanong niya pagkaraan. “Sinong mas maganda sa aming dalawa?”
“Para sa akin ikaw, Lucy, ang mas maganda. Ang tanong la-ang, sa mga mata ni Ardy ay sino ba ang mas maganda sa inyo ni Nollet?”
Pakiramdam ni Lucy nasupalpal siya ni Zilj kahit sigurado siya na wala itong intensiyon na gawin iyon. Kung mas pinili ni Ardy na ligawan si Nollet kaysa sa kanya, malinaw na sa paningin ng binata ay mas maganda si Nollet kaysa sa kanya.
“Alam mo, Lucy, hindi naman sa nagmamarunong ako. Pero sa pagkaunawa ko, pagdating sa  pag-ibig, hindi naman mahalaga ang panlabas na hitsura. Kahit na ano pa ang kapintasan ng isang tao, mamahalin at mamahalin pa rin siya ng taong nagmamahal sa kanya. Kayang tabunan ng pagmamahal ang lahat ng pangit sa isang tao – ugali man o hitsura.”
Napahiya siya sa sinabi ni Zilj. Tama ito. Hindi nga mahalaga kung mas maganda siya kay Nollet. Walang bearing iyon sa damdamin ni Ardy. Kay Nollet talaga ito may gusto. Kaya sorry na lang siya.
Pero ayaw pa rin niya na basta na lang sumuko. “How about this? If you could set up a date for me and Ardy, I’ll make payag din to have a lunch date with you in our place.” Mubuti nang sa kanila gawin  ang lunch date.  Mahirap na, baka kung nasa ibang lugar sila ni Zilj ay ma-tempt ito na mag-take advantage sa kanya. Kung ito lang din, kaya niyang laruin. Si Ardy lang talaga ang mahirap palapitin sa kanya.
Ngumiti uli si Zilj, mukhang nabuhayan ng pag-asa ang hitsura. “Sige, gagawin  ko ang lahat para  mapapayag siya.”

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt