Breaking The Rule

4.6K 94 2
                                    

CHAPTER 9

NALUNGKOT si Lucy nang sabihin ni Kakang Milia na wala na si Zilj. Maaga raw itong umalis. Kagabi, pagkatapos na i-reveal niya rito ang nararamdaman ay wala man lang itong sinabi. Umiling lang ito at nagpaalam nang magpapahinga sa kuwarto.
Sobrang disappointment ang naramdaman ni Lucy. Hindi man lang nito pinaniwalaan ang sinabi niya. Akala pa naman niya ikatutuwa iyon ni Zilj. Pero wala siyang balak na sumuko. Pasasaan ba at paniniwalaan din siya nito. Gagawin niya ang lahat ng makakaya para paniwalaan siya nito.
“Lasa ko’y may pinuproblema ang batang iyon,” sabi ni Kakang Milia. Nakapag-almusal na siya. Tumutulong siya ngayon sa pagtanggal ng mga tuyong dahon sa mga halaman sa loob ng bakuran. “Ngayon ko la-ang nakitang tahimik at parang malalim ang iniisip. Saka wala naman akong alam na dapat niyang puntahan sa Guinyangan ay. Naisip ko tuloy na baka umiiwas sa iyo.” Sumulyap pa ito sa kanya na parang nanunukso.
“Hindi naman po siguro. Magkaibigan po kami ni Zilj. W-wala po kaming pinagkagalitan.” Gusto  nga din niya na magkausap si Zilj. Heart-to-heart talk. Pero parang ayaw nito. Nilayasan siya kagabi kung kailan ipinagtapat na niya ang nadiskubreng feelings sa binata. Tinitimbang din niya ang feelings nito. Ngayon na hindi pa siya nito pinapaniwalaan, ayaw niya na makadagdag pa sa sakit ng loob nito.
“Magkaibigan nga la-ang ba kayo? Lasa ko ay may something sa inyo.”
Idinaan na lang niya sa tawa ang sagot.
Inilabas ni Lucy sa terrace sa gilid ang kanyang sketch pad nang matapos sila ni Kakang Milia sa ginagawa. Gumuhit siya roon ng ilang preliminary sketches. Nang magsawa ay binalikan niya ang binabasang paper back kahapon. Niyaya siya ng ginang para mamasyal para daw malibang siya.  Tumanggi si Lucy. Baka dumating si Zilj nang wala siya. Gusto na niyang kausapin ito nang masinsinan. Hindi makakatulong sa kanilang pareho kung hindi muna magiging malinaw sa binata ang totoo. Kailangang paniwalaan siya nito. Hindi siya matatahimik hanggang hindi nasasabi rito ang lahat ng dapat niyang sabihin.
Lubog na ang araw nang dumating si Zilj. Parang nagtaka ito nang makita siya. “Akala ko umalis ka na.”
Medyo nasaktan siya. “G-gusto mo na bang umalis ako?”
“Na-assess mo na siguro kung anong totoong feelings mo. Nakita mo na ako. At malamang, ngayong hindi mo nakikita si Ardy, siya na ang nami-miss mo. Huwag kang padala sa kalituhan mo, Lucy. Sa huli, ‘yong totoo pa rin ang lilitaw.”
Kumunot ang noo niya. Bakit ba kahapon pa ayaw maniwala nito kasa kanya? Baka makinig ito kung may pasabog ulit siyang sasabihin. O gagawin. “Ardy kissed me.”
Napangiwi ito na parang hinaplit ng latigo sa likod.
“But I never kissed him back.” Humakbang siya palapit dito. Mabuti na lang at hindi ito umatras. Para lang itong estatwa na nakamata sa kanya. “It felt wrong to kiss him. It felt yucky, if I may add. At dahil doon na-realize ko na hindi na talaga siya ang mahal ko. Mas mahal ko na ‘yong taong nang-iwan sa akin ng dalawang buwan. Mas nalungkot ako nang mawala siya. And I don’t want to stay that way. That’s why I’m here…” Lumapit pa siya hanggang sa malanghap niya ang mainit na hininga nito. “Tama ka. Hindi talaga ang pagpe-paint ng bagong masterpiece ang motive ko sa pagpunta rito. I just want to end this misery of not seeing you… of not having you around and being with you.” Lumapat ang isang palad niya sa dibdib ni Zilj. Napakislot ito. Hindi niya hinayaang makalayo ito. Umabot ang isang kamay niya sa batok nito at hinila ito hanggang sa magkatapat ang kanilang mga mukha.
Wala nang inaksayang oras si Lucy. Siya na ang naglapat ng kanyang mga labi sa bibig ni Zilj. Nanginginig ang kanyang mga labi sa pananabik. She kissed him hungrily, longingly. Napangiti siya nang gumanti ng halik si Zilj. Sumapo ang isang kamay nito sa baywang niya at ang isa naman ay sa likod ng kanyang ulo. Dama niya ang labis na pananabik nito na obvious na itinago lang pala. Naging malalim kaagad ang kanilang halik.
Lalong pinagbuti ni Lucy ang paghalik. Lalo niyang idinikit ang katawan sa katawan nito. Halos mag-isa ang kanilang mga katawan sa higpit ng kapit nila sa isa’t isa. Gusto niyang ipaabot kay Zilj sa tahimik na paraan na ito ang gusto niya. Ito lang ang mahal niya at hindi ang ibang lalaki. Hindi si Ardy.
Napakalas si Zilj nang gumapang sa loob ng damit nito ang palad niyang nakasapo kanina sa dibdib nito. Kapwa sila naghahabol ng hininga. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagnanasa. Alam niyang ganoon din ang nakikita nito sa mga mata niya.
Kumislot si Zilj nang matagpuan ng palad niya ang kanang dibdib nito. “L-Lucy, a-anong ginagawa mo sa akin?” anitong pabulong na parang nahihirapan.
Gumala lang ang palad niya sa dibdib nito bilang sagot. Muli niyang hinatak ang batok nito hanggang sa maglapat muli ang kanilang mga labi. Dumako ang mga kamay niya sa likod nito, sa malapad na balikat at sa mapipintog na muscles. One day, she vowed, she will paint him again. She will paint him without anything on.
Nang kumalas si Zilj para siya pangkuin at dalhin sa loob ng silid nito, naramdaman ni Lucy ang tuwa ng tagumpay. You’re mine at last.
Tulad noong una, hindi na naman sila magkandaugaga sa pagmamadaling matanggal ang mga saplot nila. Hindi matanggal-tanggal ni Zilj ang suot nitong pantalon dahil panay ang haplos niya sa katawan nito. Dumating tuloy sa puntong dinakma nito ang kanyang mga kamay para lang ilayo rito. Tawa siya nang tawa habang nakikitang halos tumalon na ito para lang mabilis na matanggal ang suot na pantalon.
Hanggang sa hindi na niya magawang tumawa nang muli itong magsimulang paligayahin siya. Ungol at anas na lang ang maririnig sa loob ng silid. Mas naging mapangahas din ang mga kamay niya. Dumako iyon at dumama sa mga lugar ng katawan nito na bawal pang tuklasin.
Muli na namang hinuli ni Zilj ang kanyang pasaway na mga kamay para itaas sa kanyang ulunan. Siya naman ang namilipit sa sarap nang paulanan siya nito ng maiinit na halik sa kanyang leeg, sa pagitan ng kanyang mayamang dibdib pababa. Napakainit. Para silang nakadarang sa baga. At darang na darang na rin siya.
“Please take me—Now please!” Hindi na halos makilala ni Lucy ang boses niya.
Pero sa halip na kumilos si Zilj para pag-isahin ang kanilang mga katawan ay tumigil ito na parang biglang nagising sa kanyang tinig. Lumayo ito sa kanya at napaupo na lang sa kama, sapo ng mga kamay ang ulo.
Windang ang kamalayan ni Lucy. Anong nangyayari? Naroon na sila. Kaunti na lang at maabot na niya ang luwalhati na gusto niyang isalo rito. Pero bakit bigla itong huminto?
“Hindi ito tama,” dinig niyang sabi ni Zilj na parang sa sarili lang nito sinasabi.
Bumangon na rin siya. Hinawakan niya ito sa balikat. “Why?”
Nilingon siya ni Zilj. “I’m sorry. Naakit la-ang yata kita. Conducive itong lugar. Tayo la-ang dalawa. Kung may nangyari sa atin baka… baka pagsisihan mo la-ang. Hayaan mo bukas, pasasamahan kita. Para hindi na maulit ito.”
Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig ang pagnanasa ni Lucy.

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDWhere stories live. Discover now