CHAPTER 2

7.9K 169 34
                                    

So, here's our plan . . ." umpisang salita ni Chalsea sa meeting.Habang nagsasalita ay pasulyap-sulyap siya ng tingin kay Myfanwy,lalo na sa lips nitong nangingitim. Hindi na kasi niya ipinabalik pangmuli ang face mask nito. Laking taka rin naman kasi niya na sa dina-mi-rami ng design, bakit 'Kiss me' pa ang napili nito? Ang awkwardnitong tingnan.


Si Myfanwy naman, nagkagat-labi habang seryoso sa sinusulat, yungminutes of meeting nga.


Napalunok tuloy si Chalsea sa gesture nito. Pumasok bigla sa kani-yang malikot na imahinasyon ang nangyari sa kanilang pagme-make-out kagabi—ang mga labi nitong mala-rosas, ang bawat sigaw nitongparang musika, ang mahigpit na pagkapit nito sa damit niya.


"E-eto na nga ang plan. Uhh . . ." Hindi na nga niya matumbok angsasabihin niya. Nasaan na nga ba siya?


Napatigil tuloy si Myfanwy sa pagsusulat, nakatingin sa kaniya na tilaba naghihintay ng sasabihin niya para isulat nito.


Umiling-iling na lang siya para gisingin ang sarili. "Are you herewith me?" tanong niya sa mga subordinate kahit ang totoo ay siya angnawawala.


After an hour . . .


"Okay, this meeting is adjourned," pagtatapos ni Chalsea sa meeting.Sa wakas, nag-alisan na ang mga tao. Naiwan siya at si Myfanwy. Silalang dalawa ang natira sa loob ng conference room.


Nag-ring ang cell phone niya. Naistorbo pa nga ang moment nila.


Bakit kasi ngayon pa tumawag ang best friend niya? Ano na namankaya ang mayroon sa babaeng ito? Ano na namang kailangan nitoat naalala siyang bigla? Naisip niyang sagutin na lang niya't bakamagtampo pa.


"Hello, Brittany. What's up?"


"Hi, Chalsea. I miss yah so much! Can we meet?" sagot nito.


"I miss you too. Akala ko ba, nasa Italy ka?"


Si Myfanwy, pinatas ang bond papers na sinulatan nito. Marami-ram-ing pages din iyon. Tumayo ito't akmang lalabas na.


"Wait!" biglang awat niya. Itinaas pa niya ang kaniyang palad. "Diyanka lang muna."


Nawindang tuloy si Myfanwy at napaupo agad. Bakas sa mukha nitoang pagtataka subalit sumunod pa rin sa kaniya.


"What are yah talking about?" Oo nga pala, ang best friend niya, nasakabilang line.


"Sorry. Kausap ko lang ang secretary ko. Anyway, okay let's meet up.When?"


"What about tomorrow night? Ipapakilala ko sa 'yo ang new boyfieko. Nakilala ko siya sa Italy, and sumama siya sa pag-uwi ko rito saPhilippines. We just arrived here kaninang madaling-araw."


May ipapakilala na naman si Brittany sa kaniyang boyfie raw nito.Ano pa nga ba'ng bago? It wasn't that interesting for her anymore."Uhm . . . Busy ako tomorrow night."

The Billionaire's Scandal(GxG) - PAPERBACK FOR SALE!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora