CHAPTER 4

5.5K 130 16
                                    

Isang dosena po nitong roses," sabi ni Myfanwy sa matandangbabae.


Kumuha ang babae ng bulaklak na sinabi niya. Sinimulan nitongayusin ang mga ito para gawing bouquet. Siya naman, kinukuhananng video ang moment.


Hindi niya makalimutan ang eksena nila ni Chalsea noong gabi ngFebruary 14. Bakit naman ito maglalasing nang mismong Araw ngmga Puso? Hindi naman ito single at may asawang tao para ito uma-ktong parang bigo sa pag-ibig. Wala man itong nabanggit tungkol saproblema nito sa mister ay tila nakaramdam siya ng concern dito. Gusto niyang mapasaya ito, kaya kahit walang okasyon ngayong araw naito, naisipan niyang isorpresa ang bagong kasintahan. Babae rin siya,alam niya kung ano ang mga simpleng bagay na nakapagpapasaya samga babae kahit hindi nito sabihin.


"Heto, hija, tapos na," sabi ng tindera.


"Magkano po?"


"600 lang para sa 'yo. Siguradong matutuwa ang mama mo niyan."Akala yata ng tindera ay sa kaniyang ina ito ibibigay. Lingid sa kaala-man nitong babae siya na babae rin ang gusto.


"Oo nga, ho," sagot na lang niya.


***


Habang nasa stop light ang taxi na sinasakyan niya, sinulatan niya angcard na nakasabit sa twelve roses na bouquet ng:I love you 12x a day Babes


"Hihihi!" Napahagikhik siya nang mahina.


Lumingon ang driver sa kaniya, narinig yata siya. Napatakip na langsiya sa bibig dahil sa pagkapahiya. Para na kasi siyang aning na nata-tawang mag-isa—kinikilig siya sa sarili niya.


Ito pa, patuloy siya sa pagkuha ng video. Pati kalsadang dinadaanannila, naka-record sa phone niya.


***************


"Good morning, ma'am. Ang ganda po ng bulaklak n'yo," bati ngguard.


Ayan na nga, napansin ang roses na dala niya.


"Salamat, kuya," sabi na lang niya.


"Kanino po galing?" Tsismoso rin si manong guard. Akala yata nitoay may nagbigay sa kaniyang manliligaw o boyfriend. Ang hindi nitoalam, siya ang magbibigay. Nakalilinlang talaga siya kahit mapakani-no.


Mabuti na lang, inihanda na niya ang isasagot niya kung sakaling maymagtanong sa kaniya. "Hehehe . . ." Ito ang naisip niyang sagot, tu-mawa na lang.


Hindi naman na nag-follow up question ang usiserong guard. Effec-tive pala ang naisip niya.


Nagmadali siyang makaakyat. Wala na siyang nakasalubong pangibang empleyado. Yung janitress, nag-good morning lang siya ngawkwardness, kasi hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala naang boss niya ay girlfriend na niya! Minsan nga ay gusto niyang sampalin ang sarili, baka kasi nananaginip lang siya. Pero nagbago angisip niya. Masakit kaya ang sampal!Balik tayo sa bulaklak. Ano kaya kung itago niya muna ang bulaklaktapos siya lang ang makikita nito?

The Billionaire's Scandal(GxG) - PAPERBACK FOR SALE!Where stories live. Discover now