Chapter 1 : The Tricia's

25 0 0
                                    

"Ang init naman dito" reklamo ng bestfriend ko.

Nanonood kasi kami ng bestfriend ko na si Cheryll ng laro ng crush ko. Syempre bestfriend niya ko kailangan niya akong suportahan hehe.

"J-A-S-P-E-R, we love youuuuu!" Sigaw ng mga babaeng patay na patay kay Jasper, and I admit it, isa na ako dun,pero hindi ko naman isinisigaw yun lol.

Okay so.. my name is Grace Molina, 15 years old, at grade ten ako. Matanda ng isang taon sakin si Jasper Francisco, ang crush ko. At kung sinuswerte nga naman mag classmate kami hehehe, haissst ang gwapo niya

Perfect jawline, at laking pasalamat sa pawis niya't bumabakat ang perfect shape ng body niya,matangos rin ang ilong niya,brownish hair.... And lastly, babaero.

Dahil nga may kasabihang ' Lahat ng gwapo,babaero'

"Are you listening to me? Grace?" Sigaw ni cheryll sakin with matching snap ng fingers sa mukha ko

Kanina pa pala nakaawang yung bibig ko at muntik ng tumulo yung laway ko, lol

"Cheryll, eto yung camera, picturan mo lang si Jasper ah? Cr lang ako saglit" ani ko

"O sige sige" sabi niya.

Tumayo na agad ako at on my way sa cr nadaanan ko ang 'The Tricia's' . Sila ay kilalang grupo ng mga maaarteng babae dito sa University namin.

"Hey Grace, alam mo ba ang sweet sweet ni Karl sakin, ang bilis niya mag reply noh? Tapos kahit kami na parang nililigawan niya parin ako, ang hirap talaga maging maganda" sabay tawa niyang sinabi.

About Karl, ex ko siya. It's been 5 months nung nag break kami dahil nilandi siya ni Patricia,at nagpalandi naman siya kaya ngayon, tuwing magkikita kami ni Patricia, puro Karl siya ng Karl.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy lang ang paglalakad pero bigla niya akong pinatid, na naging sanhi ng pagkadapa ko sa sahig at nagtawanan silang lahat. I've had enough of this.

Agad akong tumayo at hinarap siya. "Anong pake ko sa Karl mo? Sayong sayo na, isaksak mo pa sa baga mo" sinabi ko ng buong tapang.

Wala kasing kumakalaban sa mga Tricia's dahil talagang papatulan ka nila, kaya deads ako ngayon.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil agad na akong tumakbo, dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

"GIRLS! GET HER!" Sigaw niya na nag echo sa buong hallway.

Nagtungo ako sa Cr at nagtago sa isang cubicle. Itinaas ko rin ang mga paa ko sa toilet para hindi ako makita.

Tinext ko agad si Cheryll

To : Bff💁🏻

I NEED BACK UP ! I NEED YOUR HELP, NANDITO AKO SA CR PLEASEEE DALIII, THE TRICIA'S ARE HUNTING ME!!!!

Sent at 2:08 pm

Agad tumunog ang cellphone ko na naging dahilan ng pagkahulog ko. Ughhh. Tumama yung balakang ko sa toilet,putcha ang sakit.And then may narinig ako footsteps palapit sa cubicle ko.

Ow shoot I'm deads

Your carpenterWhere stories live. Discover now