Chapter 2 :Saviour

13 0 0
                                    

Ow shoot I'm deads

"Grace where are you?" Narinig kong boses ni Cheryll. Biglang nawala ang kaba ko. Agad akong lumabas at niyakap ang bestfriend ko

"Omg Grace, nato-tomboy ka na ba saakin?" Sabi niya

"Shunga" sambit ko, napangisi naman siya ng kaunti.
Tapos may babaeng pumasok na siguro'y mas bata saakin ng kaunti na tingin ko ay member ng fans club ni Jasper, dahil nakasulat sa T-shirt niya Jasper Francisco.

Medyo naging maingay narin sa hallway at naririnig ko ang mga tilian ng mga babae.

Papaalis na kami sa cr at saktong sakto ng binuksan ko ang pintuan ng cr tumumbad saakin si Patricia.

Agad niyang hinablot ang braso ko.At si ateng ay hindi pa nakuntento, dinala pa ako sa gitna ng hallway, at sinimulan na kaming paikutan ng mga tao.

Mas lalong humigpit ang kapit niya saakin na naging sanhi ng pagpikit ko sa sakit.

"Hey, stop it" matapang na tugon ni Cheryll

"At anong karapatan mo na utusan ako?"

"Pareho-pareho lang tayong estudyante dito, everyone should be treated fairly,kaya walang nakatataas, para saakin mag ka level lang tayong lahat" HAHAHAHA Bestfriend ko yan!

"Magkalevel? Omygod?!" sigaw niya at sa kaunting iglap lamang ay nakita ko ng nasa sahig si Cheryll at namalipit siya sa sobrang sakit ng pagka sampal sakanya ni Tricia.

Agad na uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya. Messing with my bestfriend huh?

"Tricia, easy" sabi ko sakanya sabay hawak sa balikat niya.

"And how dare you touch me?!?" Sambit niya at ako naman ang nasampal. Wews.

I am The one and only Grace, kaya hindi ako nagpatinag, sinampal ko din siya. Nakita ko ang kanyang pagka shookt dahil sa ginawa ko. Kaya deads na talaga ako.

"UGHHH GIRLS SABUNUTAN NIYO!!!!" Sigaw niya, well okay. Nakita kong sinubukang tumayo ni Cheryll ngunit sinabunutan siya ng mga alagad ni Tricia.

Bago pa ako masabunutan ay may nagsalita.

"Stop" napatingin ako sa lalaking nagsalita, oh his manly voice.

Tumigil lahat ang mga alagad ni Tricia at nagsimula magsiyuko. Nang maaninag ko ang mukha ng lalaking nagsalita ay nagulat ako.

I can't believe Jasper Francisco is standing in front of me right now.

"Errrmm, Jasper! She was first! Believe me!" Sigaw ni Tricia.

Napangiwi naman si Jasper at naghalukipkip. At dumapo ang tingin niya saakin.

AJDHUSKWWIZNDYAIZNWO

"Tricia, cummon, tigilan mo na ito" utos niya

"But--"

"No but's, Tricia" sabay lagpas kay Tricia.

Sa huling pagkakataon ay nagkatinginan kami ni Jasper, binigyan niya ako ng tumayo-ka-na-diyan-look. Pagkatapos non ay tuluyan na siyang umalis.

Tumayo na ako at hinarap ako ni Tricia at nakita kong pumunta sa si Cheryll sa likod ko. Aww my baby Cheryll HAHAHAAH.

"I will let this go because Jasper said so! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya at tuluyan naring umalis.

Lumingon siya saakin at binigyan akong isang matalim na tingin.

----------------------

Nakahiga ako ngayon sa bed ko at nakatulala sa kisame ko.

I kept thinking if this was a dream

If Jasper Francisco really came to save me

Your carpenterWhere stories live. Discover now