31

2.1K 87 0
                                    

*****1 week later******

Alexis' POV

Balik campus na naman kaming mag-kakaibigan. Masakit man sa damdamin pero kailangan tanggapin na tapos na ang break namin. Sana nga mag-suspend yung PAG-ASA ng pasok tuwing mainit eh.

Tahimik akong naglalakad sa gitna ng half filled na hallway ng campus namin. Onti palang ang mga estudyante na pumapasok, kasi masyado pang maaga, o kaya naman ay wala pa sila sa mood pumasok.

Dumiretsyo ako sa locker ko at kinuha ang Biology Workbook ko. Wala pa sila Cristine,Bryan, at Miguel kaya tahimik ako. Isinara ko ang locker ko at nagpatuloy sa paglalakad, nang makasalubong ko ang isa sa mga classmate ko.

"O Alexis, ang aga mo naman ata ngayon." Pabiro niyang sabi. Ningitian ko lang siya at pumunta sa headquarters namin.

***
Pagkarating ko sa headquarters, ay wala ring tao sa loob. Ipinasok ko ang susi sa keyhole at binuksan ang naka-lock na pinto ng kwarto. I heades towards my table and I took out my left over cookies and I started munching on them.

Di nagtagal ay nagsi-datingan din lahat ng mga ka-SSG ko. Napansin ko rin na ganon pa rin yung dami ng tao sa labas. Siguro walang lesson ngayon, I can feel it ^~^

"Ano ngini-ngiti mo diyan nay?!" Tanong ng isang pamilyar na boses. Natauhan ako at si Cristine pala yun.

"Buti naman at naisipan mo pang pumasok." Sarkastikong sunghal sa kanya. Napangiti siya bago ako sinagot.

"Hindi dapat ako papasok eh, tutal wala naman tayong gagawin buong week eh." Sabi niya. Napanganga ako dahil sa narinig ko.

Tengene, wala naman palang gagawin ngayong araw tapos pumasok pa ako ng sobrang aga. Edi sana kung hindi ko pinairal yung kasipagan ko, tulog pa rin ako hanggang ngayon sa kwarto ko!! Nakakaini—

"Earth to Alexis. Huy! Na-space out ka na naman diyan." Sabi niya sa akin habang inaalog ako.

"Pwede bang umuwi?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya ng cookie. Tumango siya at napa'yes' ako mentally.

Agad agad akong pumunta sa table ko at kinuha yung pack ng cookies. I storm out of the headquarters, not looking back.

Dahil sa kamamadali ko, isang katangahan na naman ang nagawa ko. Nakabunggo ako ng isang lalaki na mas matangkad sa akin ng onti lang, singkit at medyo mascular. May kasama naman siyang isa pang lalaki na kasin tangkad niya, maputi at pogi ehehehe.

"Sorry." I mumbled softly while standing up. Nakita ko namang painis na pinapagpagan ng lalaki yung uniform niya.

"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! O sadyang nagbubulag-bulagan ka lang?!" Pasigaw niyang tanong. Biglang uminit yung dugo ko at parang gusto ko makipag-sagutan sa kaniya, kaso baka masayang lang yung laway ko. Kaya tinalikuran ko siya. Pero agad naman niya akong hinarap sa kanya at onti nalang, magdididikit na yung mukha namin.

"Mag.Sorry.Ka." Naka-poker face niyang utos. Aba akala niya siguro natatakot ako sa kanya.

Inalis ko agad yung pag-kakahawak ng kamay niya sa braso ko at hinampas ito ng pagkalakas-lakas.

"Di mo ba narinig yung sinabi ko?! Sabi ko SORRY." At ayun, umalis na ako. Pero may sinabi pa yung kasama niya, pero hindi naman masama.

"Ano kaba Mathew? Gusto mo bang mabugbog?" Sabi ng lalaking kasama niya.

"Tumahimik ka nga JL, tara na." Utos niya uli.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Ibang iba ang nadatnan ko sa classroom, napaka-tahimik nila.

Pumasok ako at umupo sa tabi ni JB. Ano kayang meron. Abalang abala sila sa paggawa ng mga letter—well yung iba.

"Ano meron? Bakit ang tahimik niyo?" Tanong ko sa kanya habang naglalabas ng papel. Tumigil siya sa pagsusulat at hinarap ako.

"Beastmode si Sir. Pinapagawa kami letter na ipapadala sa parents namin once na magkulit kami." Explain niya. Now, that make sense.

Nagsulat nalang din ako sa papel ng letter para di ako mapagalitan ni sir. Terror pa man din yun.

I was in the middle of writing a 'sorry letter' nang biglang pumasok ang demon—este si sir pala. Tama nga si JB, galit na galit siya.

"Ayaw ko nang mauulit yun. Kasi kapag ako di nakapag-pigil, di niyo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta niya. Bigla namang tumayo ang isa sa aming kaklase at walang takot niyang sinagot si sir.

"Bakit sir, sasaktan niyo kami?" Tanong niya. Mas lalong nag-init yung ulo ni sir. Nakikita na rin yung ugat sa leeg niya.

"Sino ka para sagutin ako Mr.Perez?" Tanong ni sir. Tahimik lahat at nanood lang kami sa sagutan ng dalawa.

"Ako lang naman yung estudyanteng pinahirapan mo. Ngayon sir, di na ako papayag na pahirapan mo pa ako uli." Sabi niya at sabay umupo.

Di na nakatiis si sir Geno at lumabas nalang siya dala dala lahat ng gamit niya. Tahimik parin kami kahit tapos na yung bangayan nila.

"Um okay guys, gawa nalang tayo ng assignments sa iba nating subjects." Sabi ni Veronica, yung class secretary namin.

Nagpaalam ako na pupuntahan ko lang sandali si Myles sa faculty namin. On the way na ako ng biglang may humatak sa akin sa loob ng music room.

Nakatakip siya ng mukha at nakapatong sa bunganga ko yung kamay niya. Sinimulan na akong kabahan dahil baka may masamang balak 'tong lalaking 'to.

Binitawan niya ako at bago pa man din ako sumigaw ay inalis niya yung mask niya. At laking gulat ko nang makita ko yung lalaking naka-usap ko sa grand launching ng coffee shop ni ate Caleigh. Ano ba pangalan nito? Taran? Terence? Ay oo, Terence.

"Terence? Ano ginagawa mo dito? At bakit mo ako hinila dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at hinawakan niya yung pisngi ko.

I jumped from the sudden action. Bakit niya ginagawa 'to? At bakit parang may kakaibang feelings akong nararamdaman? Dahan-dahan kong inalis yung kamay niya sa pisngi ko at tinignan siya sa mata ng diretsyo.

"Is there anything wrong?" Tanong niya habang tinitignan ako. Umiling ako bago ko siya sinagot.

"Wala naman, pero bakit mo ginagawa yung mga gantong bagay?" Sabi ko sa kanya. He tilted his head to the side at tinignan ako ng para bang hindi niya ako nagegets.

"What do you mean?" Tanong ng binata. "Bakit mo ako hinawakan sa pisngi? Atsaka, madiretsyo nga kita, may gusto ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya na para bang nagagalit pero hindi naman talaga.

He chuckled and he put his arms around mt waist. Inilapit niya yung mukha niya sa akin at binigyan ng intense look.

"Now tell me do you still remember me, Samuel." He said inching closer to me.
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰
A/n;
Happy 700 reads! Thank you guys so much talaga! Sana paabutin natin ng 1k 'to hehehehe ayun lang. Thank you for reading, please vote💕

Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon