Chapter 1: Who

29 2 0
                                    

Jade's POV

Nasa kwarto kami ngayon ni Rose at dito daw sya tatabi sakin pag matutulog. Hindi parin mawala sa isipan ko ang Letter na yon. Hindi ko alam kung sino yun, at wala akong Ideya kung sino yun.

"Jade, kain na tayo sa baba. Gutom nako!" Tinapik ako ni Rose kaya naman natigil ang pagiging tulala ko.

"Bumaba ka na lang doon, kaya mo naman siguro mag luto ng makakain mo diba?" Tanong ko sakanya.

"Oo marunong ako pero gusto ko kasabay ang bestfriend ko, kaya tara na!" Nag puppy eyes pa sya sakin para mapapayag ako.

"Oo na, Oo na" Bumaba nako saakin kama at sumunod sakin si rose.

Nakarating na kami sa Kitchen kaya binuksan ko ang ref at nakita ko na Bacon at hotdogs lang ang nandoon, kailangan ko na mag grocery.

Kinuha ko na ang bacons and hotdogs, nilagay ko iyon malapit sa sink.

"Jade, ako na mag luluto" Ngumiti sakin si Rose at halata sakanyang ngiti na desidido sya na mag luto.

Tumango nalang ako sakanya. Nag lakad ako papunta sa living room at umupo sa Sofa. Ipinikit ko ang mata ko at iniisip kung sino ang tao na nag padala non.

Habang naka pikit ang mata ko, ay  biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang pamilyar na tao sakin. Si Alexander.

Alexander is my closest friend kasi sya lagi ang nag papasaya sakin, di katulad ni rose na madalas ang mang aasar sakin. Childhood friend ko rin si Andrei kaya kilalang kilala ko na ang ugali nya.

Tumakbo sya papalapit sakin at bigla akong niyakap na mahigpit na parang 5 taon kaming di nag kita.

"Alexander ano ba, di ako makahinga" bumitaw na sya sakin at tumabi sakin sa pag kakaupo.

"Pumunta ako dito kagabi dito at wala ka, nag aalala ako sayo nun. Anong oras na nun, saan ka ba galing ha?"

"Galing ako sa Bar, kasama ang mga dati kong kaklase kasi Birthday ni  Clarisse" sabi ko saknya.

"Dapat sinama mo nalang ako, para na bantayan pa kita. Madaling araw na kayo nakauwi sabi sakin ni Rose"

Napatingin ako kay Rose na nakatingin saming dalawa ni Alexander kaya sinamaan ko sya ng tingin dahil sinabi nya iyo kay Andrei. Bumalik na ulit sya sa pag luluto nya.

Iniharap ni Alexander ang mukha ko saknya.

"Sinabi rin pala sakin ni Rose yung about sa Letter na nabasa nyo, Hayaan mo wag ka mag alala nandito naman kami ni Rose eh. Kaya di mo kailangan mag taka. Makikilala rin natin yan. Siguro nga prank lang yun eh" pag papaintindi sakin ni Alexander

"Hindi natin yan masasabi Xan, kasi kung prank lang yun, ba't nya alam ang pangalan ko? Kayong mga kaibigan ko? Diba, hindi ba nakakapag taka yun?"

"Maybe isa syang Stalker mo, alam mo naman maraming nag kakagusto sayo at naiinggit sayo sa Bangtan Global University eh"

"Eh sa tingin mo naman? Sino? Ano ba ginawa ko saknya?"

"I can't say" napakamot sya sa batok nya.

"Xan at Jade! Ready na ang breakfast" pag tawag samin ni Rose.

"Tara Xan, dito kana mag breakfast" aya ko kay Alexander, kaya naman tumango sya.

Pumunta na kami sa dining area at umupo na kami doon habang kinukuha ni Rose ang mga pinggan.

Nang nailatag na lahat ay Kumain na kami. Nabalot ng katahimikan ang dining area dahil ni isa saamin ay 'di nag sasalita.

"Rose, Jade" Tawag samin ni Alexander.

You Never Walk AloneWhere stories live. Discover now