[37] - The Red Star

2.6K 50 9
                                    

Chapter 37: The Red Star

Author's PoV.

"Ten, hut!" Sigaw ng isang lalakeng nakasuot ng uniporme na pang Heneral. Sabay-sabay nag-salute ang iba pang mga kapulisan.

"At ease" Saad ni Gil sa malalim na boses. Tumayo sila ng maayos habang isa-isa silang iiinspeksyon ni Gil.

"Jezebel's still out there" Lumingon sya sa kanan, "Whatever happened that night, her powers are now awake. Therefore, I am now giving you the order to shoot her on sight" 

Ayaw mawala ng mga kagimbal-gimbal na larawan sa utak ni Gil. Palagi nya naalala kung gaano kagrabe ang pinsalang nagawa ng halfbreed. Nag-mistulang swimming pool ng dugo ang Portal. At kaninang umaga ay natagpuan ang Gatekeeper na may malaking butas sa dibdib.

Maraming mga Royal ang nagsimulang mawala. Ang iba ay natagpuan na pero sa kasamaang palad pagkakita sa kanila ay hindi din mahanap ang kanilang ulo. Pabawas ng pabawas ng mga tao samantalang pataas ng pataas ang bilang ng mga bampirang nawawala.

Hindi na ma-contain ng Mansyon ang nangyayari. Natatakot na ang ibang bampirang guard na gawin ang kanilang trabaho sa takot na baka iyon na ang huling araw na lalakad sila sa mundo. Nakita nila ang kakayahang taglay ng halfbreed. Wala pang isang minuto ay pwede na silang mamatay. Sa ngayon, ang puso nila ay punong-puno ng takot. Takot na lumaban.

Baka nga sa buong vampire race, iisang tao lang ang hindi takot. At yun ay si Gil. Determinado syang makuha ulit ang halfbreed. Sa susunod ay hind na sya magpapakita ng kabaitan. Matagal nang nalusaw ang mabait na side ni Gil. He will show no mercy. Just like how Level-E vampires killed Scarlette.

"She won't show any hints of kindness. If she sees you, she will not hesitate to kill right at that second" Huminto si Gil sa harapan ng nanginginig sa pulis. Hinawakan nya ito sa balikat, "Men, do not be afraid. I will die with you. I, Von Wilhelm Gilbert Clemons III, will ride with you to battle" 

 Lahat sila ay nakatungo. Kahit palaging ginagawa ni Gil ang paraan mabuhayan lang sila ng loob, kulang pa din ito. Hindi ordinaryong bampira ang kanilang haharapin. Maski ang mga pinakamagaling sa military ay nangingilabot na rin.

Pina-dismiss ni Gil ang mga gwardya. Nakahawak sya sa kanyang noo nang pumasok sya sa kanyang silid. Madilim sa loob pero hindi binuksan ni Gil ang mga ilaw. Paminsan minsan ay may tumatama sa paa nya. Mga hardbound na libro. Tila tinapon sa kanyang kwarto ang buong library sa sobrang daming nakakakalat.

Binuksan nya ang lampshade sa maliit na desk sa kanyang kwarto at doon umupo. May lumang librong nakapatong sa lamesa. Isang kapirasong papel ang nakaipit sa gitnang parte nito, isang bookmark kumbaga. 

Nang buksan ito ni Gil, puro mga larawan. Lahat ng nakasulat ay handwritten. Mukhang nanggaling ba sa 15th century. Naninilaw na ang mga pahina, ang iba ay punit punit pa. Kaunting maling galaw ay pwede itong mapunit ng tuluyan. 

"De Vaux, De Vaux" Bulong ni Gil. 

Engaged To A Vampire [TAPOS NA TAPOS NA]Where stories live. Discover now