[50] - Snow White

4K 82 13
                                    

Chapter 50: Snow White

Author's PoV.

Patuloy ang madugong labanan. Lahat ay pagod na pero alam nila ang mangyayari kapag binaba nila ang espada. Lahat ay gustong umupo muna at magkape but they don't have time for that. The blood moon is less than 2 hours away. There is no time to rest and tremble. 

May ilang naghihingalo na at tinutungkod na lang ang kamay sa lupa para tumayo. May ilang ginagawang hapunan ang bangkay ng mga namatay. It's a sad thing to watch. Ito ang itsura kapag naging desperado na ang lahat. They will do anything to survive.

 Sa kabilang dako, naroon si Colombus na nakikipaglaban sa isang hukbo ng mga Royal. Kung dati ay wala man lang sugat ang kanyang katawan, nakatamo na sya ngayon ng ilang mga sugat at pasa lalo na sa kanyang braso.

Si Scarlette at Gil ay parang dalawang kidlat na nagaaway. Isang tama lang paniguradong patay ka na. Parehong mabilis, halos hindi mo makita ang bawat atake nila. Ang tanging nakikita lang ay mga linya ng liwanag sa ere na nakikipagbanggaan sa isa't isa.

"Come on, Gil. Is this really the best thing you can do?"

Nagtutuksuan ang dalawang naglalaban. Kapwa hinihimok ang isa na mas galingan pa. Parehong bugbog sa sugat ang nagtatalo pero dahil sa angking regeneration skill at sa pag-inom ni Gil ng potion, mabilis na gumagaling ang kanilang mga sugat.

Ngumiti ng mapang-asar si Gil, "Stop taunting me, Scarlette. You might regret it"

"I won't regret anything. I intend to die an honorable death"

Hindi alam ni Scarlette kung naalala pa ni Gil ang sinabi ng Prinsipe noon. Na hindi nya kayang patayin ang dalaga. Maski ang mga pangakong kanyang binitawan noon. Kahit kapansin-pansin ang bloodlust sa kanilang mga mata, hindi pa rin matatago ang lungkot sa mga mata nila.

Parehong winawasiwas ang kanilang espada sa ere, parehong magaling makipaglaban at parehong may paninindigan. Gustong magpatalo pero hindi pwedeng ipagsawalam-bahala ang buhay ng nakakarami. The sacrifice of one for the better good of the rest is better than sacrificing the lives of the many.

"We have less than 2 hours left. We have to choose now" Diretsong saad ni Gil.

Hindi ito pinansin ni Scarlette. Nagteleport sya sa likuran ni Gil at sinipa ito dahilan para bumagsak sa lupa ang Prinsipe na parang isang meteor na pumasok sa Earth. Natabunan ng usok ang pinaglandingan ni Gil. Nagkaroon ito ng sobrang laking crater, halos tatlong beses ang laki nito kung ikukumpara sa globo sa SM Mall of Asia.

Tumalon si Scarlette pababa sa lupa. Nakatayo sya sa harapan ng katawan ni Gil na nakahiga pa din hanggang ngayon. Umubo-ubo ang binatang bampira bago bumangon. Pinagpag nya ang alikabok sa kanyang damit at dahan-dahang tumayo.

Napahawak sya sa kanyang kanang balikat na nabali. Pinaikot ikot nya ito hanggang sa bumalik ito sa dating itsura. Scarlette just grinned. Nagteleport ulit sya sa harapan ni Gil at binigyan ng isang high kick na diretsong tumama sa mukha nito.

Engaged To A Vampire [TAPOS NA TAPOS NA]Where stories live. Discover now