CHAPTER 13

1.7K 33 0
                                    

KELSEY'S POV

Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom at nakikinig sa guro. Ilang oras ang nakalipas at sa wakas ay uwian na.

"Class dismissed," sabi ng guro na pansamantalang nagturo sa amin ngayon dahil absent si Ma'am Venice.

Inayos ko na ang mga gamit ko at pinasok 'yon sa loob ng bag ko. Pagkatapos ay isinukbit ko na sa likuran ko ang bag ko at naglakad papuntang likuran.

Nasa first row kasi ang upuan ko samantalang ang pinsan ko naman ay nasa kabilang dulo ng second row. Si Chase ay nasa last row at nasa harap niya si Jay. Lahat sila ay nasa dulong column habang ako naman ay nasa unang column ng first row.

Pagdating ko sa likod kung saan may ispasiyo ay lumapit na sila sa akin.

"Mauna na ako, may kailangan pa pala akong bilhin," paalam ni Kalene at binaba ang hawak na phone pagkabaling sa amin.

"Sige---"

"Ako rin pala ay uuwi na." Naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Jay. "Sabay na tayo." Inakbayan niya palabas si Kalene at bumaling saglit sa akin para kindatan ako.

Nakaplano ang lahat para maiwan kaming dalawa ni Chase na magkasama dahil gusto ko siyang kausapin nang mag-isa.

Sinundan ko pa sila ng tingin pagkalabas nila bago tuminging muli kay Chase.

"Gusto kong gumala."

"Ngayon na ba?" nagugulat niyang tanong.

"Oo, pwede ka ba?"

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng classroom.

"Kung saan tayo dalhin ng mga paa natin, hahahaha." Natawa naman siya sa sagot ko at katulad nga ng sinabi ko ay naglakad lang kami nang naglakad.

Napadpad kami sa isang lugar na napapalibutan ng iba't ibang uri ng bulaklak.

Tumakbo naman ako palapit sa kulay puting bulaklak na kulay dilaw ang nasa bandang gitna.

Pumitas ako roon ng isa at humarap kay Chase na naglalakad palapit sa akin. "Bagay ba sa akin?" masayang tanong ko pagkalagay ng bulaklak sa kaliwang tainga ko.

Nakangiti siyang tumango. "Bagay na bagay sa 'yo," sabi niya at pinisil ang pareho kong pisngi. "Alam mo bang may nabasa ako tungkol sa ganiyan?" tanong niya pagkatapos bitawan ang pisngi ko.

"Tungkol saan?" tanong ko at tumingin-tingin sa iba pang bulaklak.

"Tungkol diyan sa paglalagay ng bulaklak sa tainga."

Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. "Ano naman 'yon?"

"If a woman wears a flower behind her right ear, it means that she is single."

Ngumisi siya sa akin at nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil mukhang may ideya na ako sa susunod niyang sasabihin.

"And if she wears the flower behind her left ear, that means she's in a relationship."

Napatalikod naman ako dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya kahit na sa iba nakatuon ang paningin ko.

"Sign na ba 'yan?" Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya, nang-aasar.

Nanlamig ang pareho kong kamay dahil sa sobrang kaba, pero hindi na ako pwedeng umatras pa. Huminga muna ako nang malalim bago humarap muli kay Chase.

"G-Gusto kong malaman," seryosong pag-uumpisa ko at nakita ko naman ang biglaang pagkawala ng ngiti sa labi niya. "Deserve mo ba ang isang tulad ko, Chase?"

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now