CHAPTER 27

915 16 0
                                    

RAYE WEST'S POV

Nagising ako nang maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakahiga na ako sa kama ko. Mabilis naman akong bumangon sa pagkakahiga at hinanap si Freya. Nakita ko naman siya agad, nakasandal siya sa single sofa na malapit lang sa gilid ng kama ko.

Napadako ang paningin ko sa kamay niyang hawak ang isang libro. Mahilig siyang magbasa ng libro sa mundong ito, kabaliktaran ng sa mundo namin.

Inalis ko naman ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman kong magigising na siya. "Kanina ka pa gising?"

"Kagigising ko lang."

"Mag-a-alas singko na pala ng hapon." Tumayo siya at lumapit sa akin. "Hindi ka pa pala nakakakain, 'no? Tara sa baba."

Inayos ko lang saglit ang sarili ko bago kami tuluyang bumaba.

Nang makababa na kami ay biglang may umakbay sa akin.

"West, nakapagpahinga ka naman ba nang maayos?" kunwaring masayang bati sa akin ni Theon habang ang mga mata niya ay sobrang sama na ng tingin sa akin. "Pinagpatuloy mo na sana ang pagpapahinga mo," mariin niyang bulong.

"Sinasabi ko na nga ba, e!" malakas na sigaw ni Maken nang makarating kami sa sala, nakatingin siya kay Theon.

Lumayo naman sa akin si Theon. "Ulul! Pakyu!" dinig kong bulong niya kay Maken nang madaanan ito.

Nanguna na kaming maglakad patungo sa dining area at hindi maiwasang magtaka sa mga inaasta nila. Sila Hron at Maken ay pinaupo ako habang ang iba naman ay hinahandaan ako ng makakain, pinagsisilbihan nila ako sa hindi ko malamang dahilan.

Nang mag-umpisa na akong kumain ay naupo sila sa mga katabi at kaharap kong upuan, pinanood nila akong kumain at naiilang na ako. Hindi ako makakain nang maayos dahil ang daming mata ang nakatingin sa akin.

Bakit naman kasi kailangan pa nila akong panoorin?

Bigla ko namang naalalang may pag-uusapan dapat kami kaninang umaga na hindi natuloy dahil mas inuna kong magpahinga, baka kaya sila nandito ay dahil hinihintay nilang magsalita ako tungkol doon.

Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. "Ang tungkol pala sa pag-uusapan natin kanina---"

"Ooops!" pigil sa akin ni Estelle.

"Mamaya ka na magsalita, kumain ka muna," seryosong sabi ni Hron.

Wala naman na akong iba pang nagawa kundi ang kumain.

"Anong lasa, West?" peke ang ngiting tanong sa akin ng katabi kong si Theon. "Ako ang nagluto niyan," pagyayabang pa niya. "Lalagyan ko nga sana ng lason kaya lang pinigilan ako nila Hron," inis pa niyang bulong.

Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

Nang matapos akong kumain ay inalalayan pa nila akong maglakad patungo sa sala.

Bakit ba sila ganito?!

Nakaupo na kami ngayon sa mga upuan na nandito sa sala. Sila Venice, Estelle at Ksenia ay magkakasama sa sectional sofa na nasa tapat ko, nakahiga sa bandang gilid si Estelle habang ang dalawa ay nakaupo. Si Theon naman ay nakahiga sa chaise lounge na nasa kanan ko. Sila Hron at Maken naman ay nakaupo sa lawson sofa na nasa kaliwa ko. Sila Freya at Emi naman ay magkatabing nakaupo sa round back sofa na katabi ng inuupuan nila Hron at Maken. Ako naman ay nakaupo sa wingback sofa.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now