CHAPTER TEN

13.5K 314 69
                                    


NAAASAR na si Cindy. Malapit na naman kasi ang anniversary nila ni Colt. Nang sabihin nito noon na magpapakasal sila kapag kaya na nitong buhayin siya at ng magiging anak nila, hindi sumagi sa isip niya na aabutin iyon ng napakaraming taon. Nang maka-graduate ito ay nakakuha naman agad ito ng trabaho. Pero wala pang isang taon ay nagresign na ito sa pinapasukan dahil niyaya itong muli ni Milo upang buuin ang banda ng mga itong Picayz.

Si Milo na ang naging lead vocalist na ngayon ay mas kilala na sa pangalang Milo Ruiz sa halip na Milo Cruz. Si Rhin ang pumalit dito bilang drummer at si Allie bilang keyboardist. Sumikat ang Picayz at proud siya na bahagi ang nobyo niya sa kasikatang iyon.

She was now managing some of her family's business just like her brother Nathan, who was already blessed with two kids with Jessie as his wife. Nakauwi na ang kapatid ni Colt na si Ate Jenny at noong isang taon nga ay ikinasal na sa nobyo nito. Habang siya ay naghihintay pa din kay Colt na mag-propose. Walong anniversary na nilang magnobyo ang lumipas at sa tuwina ay nanlulumo siya.

Wala naman itong ipinagbago mula noon hanggang ngayon. Malambing pa din ito sa kanya at sigurado siyang mahal na mahal siya ng binata. Naipakilala na niya ito sa mga magulang niya bago pa man sumikat nang husto ang Picayz. Pero bakit ayaw pa din nitong magpakasal sila? She really wanted to make their relationship change into the next level and be called his wife. Minsan ay gusto na niyang diretsong tanungin dito kung may balak pa ba silang magpakasal, pero nauunahan siya ng kaba dahil baka hindi iyong gusto niyang marinig dito ang maging sagot ng binata. O kaya naman ay masabihan siya nitong atat. Bumuntong hininga siya.

"Babe, are you okay?" tanong ni Colt sa kanya.

Lumingon siya dito. Sakay sila ng kotse nito at papunta sa farewell party ng Picayz. Ang sabi nito ay sa isa sa mga bahay ni Milo gaganapin ang naturang party, wala daw namang theme iyon kaya nagdecide siyang mag-jeans na lamang at simpleng shirt. The members already decided to quit the music industry and she was hoping that those women who kept chasing and flirting with her boyfriend would also do the same. Isa pa iyon sa ikinababahala niya, masyadong maraming babae ang nakapalibot dito dahil sa trabaho nito.

Hindi naman siya palaging makapagreklamo dito dahil alam niyang trabaho lang para dito ang lahat. Bago nito muling tinanggap ang maging bahagi ng Picayz ay sinabi nito sa kanya na mas mabilis itong makakaipon kung sisikat ang mga ito, na siya ngang nagyari. Malayo na ang narating ng kanyang nobyo at meron na din itong sariling mga negosyo.

"I'm okay, don't worry, honey." aniya sa nobyo.

Magbabaling na sana ulit siya ng tingin sa bintana ng hawakan nito ang isang kamay niya habang ang isang kamay nito ay nasa manibela. Napatingin siyang muli dito at napakunot ang noo niya ng mapansing seryoso ito sa pagmamaneho.

"Colt, are you okay." balik-tanong niya dito.

"Nope, I'm so freaking nervous right now, Cindy." tugon nito at inilapit pa ang hawak nitong kamay niya sa bandang dibdib nito.

Nagulat siya ng maramdaman kung gaano kabilis ang tibok ng puso nito. Marahil ay ngayon lang nagsi-sink in dito na maghihiwa-hiwalay na talaga ang mga bandmates nito.

"It's just a farewell party for Picayz, Colt. Hindi naman ibig sabihin 'nun na hindi na ulit kayo magkakasama-sama nina Milo. You don't have to worry this much." aniya upang payapain ang loob nito.

Natahimik na muli ito sa pagmamaneho. Hindi na siya nagulat ng pumasok sila sa isang exclusive subdivision. Naglalakihan ang mga bahay na nakikita niya. Tahimik pa din ang kanyang nobyo hanggang sa makarating na sila sa kanilang destinasyon. Nang tumigil sila sa isang mansiyon na sa tingin niya ay doble sa bahay nila sa Quezon ay namangha siya. Tanaw niya mula sa labas na malawak ang bakuran ng bahay at mayroon din iyong swimming pool. May ilang lamesa ng naka-set sa kabilang panig at may stage sa harapan mismo ng main door. Nagtaka pa siya ng makitang kakaunti ang mga bisitang naroroon, pawang mga kaibigan lang ng bandang Picayz. Nang tuluyan na silang makapasok doon ay sinalubong sila ng mga kabanda nito.

It's Gonna Be Love (Published under PHR)Where stories live. Discover now