Kabanata 6

8.4K 419 300
                                    


Ang bayan

Pagkalipas nang ilang sandali ay nakapikit pa rin si Harper. Hindi niya nais na buksan ang kaniyang mgamata dahil natatakot siya sa maaaring mangyari kapag ginawa niya iyon. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang nakayakap sa kaniyang sarili.

Nakapikit pa rin siya nang narinig niya ang sunod-sunod na busina na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

Ito na ba? Ito na ba ang panganib?

"Tabi!" narinig niyang sigaw nang isang boses kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang pagmulat niya nang nakita niya ang isang paparating na bagay. Malaki iyon at papunta iyon sa kaniyang direksyon!

Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin! Para siyang natuod sa kaniyang kinatatayuan.

Napapikit siya ulit. Papalapit na iyon sa kaniya at tiyak na mababangga siya niyon. Ito na ba ang sinasabi ng kaniyang tiyahin na kapahamakan? Katapusan niya na ba? Hindi pa nga siya nagsisimula!

Nanginginig ang buong katawan niya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin! Kahit ang kaiyang mga paa ay parang may sariling utak at ayaw nitong umalis sa kinatatayuan.

Nagulat na lamang siya nang may humawak sa kaniyang kamay at hinila siya patungo sa isang direksyon. Pagdilat niya ay nakita niya ang hindi pamilyar na mukha nang isang babae.

Babae? Babae! Nasa labas na ako ng isla!

Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niya ang mga tao na nakatingin sa kaniya.

Marami sila! Totoo ba sila? Totoong tao ba sila? Nasa bayan na ba talaga ako?

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang unang gagawin. Nagulat na lamang siya nang bigla na lang may tumigil sa harapan niya at sinigawan siya.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?! If you want to fucking die, huwag mo na akong idamay! Bwisit ka!"

Napapikit siya ulit dahil sa ginawa nito. Narinig niya ulit ang tunog ng sasakyan. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata at nakita niyang wala na ang lalaking nanlalaki ang mga mata sa galit sa kaniya.

Napatulala siya sa daan. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso at halos lumabas na ito sa kaniyang dibdib. Muntik na siyang masagasaan ng sasakyan na sa telebisyon niya lang nakikita!

Nagbalik lang siya sa katinuan nang narinig niya ang matinis na boses nang isang babae.

"Now what? Tapos na, 'di ba? The end! Wala nang ganap! Shoo! Alis! B-bye!" Tulala niyang tiningnan ito nang maigi habang pinapaalis nito ang mga taong nakatingin sa kanila—sa kaniya.

Bakit nito pinapaalis ang mga tao? Hindi pwede iyon! Ngayon lang siya nakakita ng tao! Hindi dapat umalis ang mga ito!

"Huwag! H-Huwag mo silang paalisin!"

Kumunot ang noo nito at tiningnan siya nang maigi.

"Why? Attention seeker, ka ba? Ew!" tanong nito habang nakataas pa ang isang kilay.

Maganda ang mukha nito. Mahaba rin ang buhok nito na mataas ang pagkakatali. Parang kumikinang rin ang sobrang itim nitong mga mata. May kahabaan ang damit nito na hapit na hapit sa makurba nitong katawan. Sa mga magasin niya lang nakikita ang mga ganito kung pumorma na mga babae.

Kung sa bagay, ngayon lang ako nakakita ng babae–ng tao.

Nang magsi-alisan ang mga tao ay muli itong tumingin sa kaniya. Giniya siya nito sa gilid ng kalsada.

"Hey! Bakit hindi ka nagsasalita? Are you okay? Oh, my gosh! You almost got hit by a car! But nothing to worry. Almost lang naman. But you seemed to be in shock! Oh, my gosh! Like what the hell! We're you hit by the lightning? Akala ko ba bukas pa 'yong bagyo?" naghehesterya nitong sabi.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Where stories live. Discover now