Kabanata 11

6.5K 307 73
                                    


Zeid

Nang dahil sa pagkatulala ni Harper sa lalaki ay hindi niya nagawang lunukin ang iniinom niyang tubig. Nataranta rin siya dahil sa biglaan nitong pagtingin sa kaniya. Hindi niya akalain na mararamdaman nito ang presensya niya. Nakakahiya talaga!

"What the hell?" gulat nitong sigaw sa kaniya habang humahakbang paatras. Nilagay nito ang bote ng tubig sa maliit na mesa at marahas na pinunasan ang suot nitong dyaket.

"Who the hell are you?!" nanggagalaiti nitong tanong. Ang baritonong boses nito ay bahagyang nagpatalon sa kaniya. Tiningnan siya nito kaya agad siyang napaiwas ng tingin. Nahihiya pa rin siya sa kaniyang ginawa.

"Are you a thief?"

Ano raw? Ako? Tif?

"T-Tif? Ano pong Tif? H-Hindi po ako si Tif. Harper po ang pangalan ko," sabi niya sa lalaki habang nakatingin pa rin sa ibang direksyon. Hindi niya alam kung papaano siya hihingi ng tawad.

Hindi naman Tif ang pangalan niya. Baka napagkamalan lang siya nito.

Pasulyap-sulyap siya sa lalaki. Nakita niyang nakakunot pa rin ang noo nito.

"Tanga ka ba?"

Napasinghap siya.

Ako? Grabe naman siya.

Hindi naman siya tanga. Ang lalaki nga itong mukhang tanga dahil tinawag siyang Tif kahit hindi naman Tif ang pangalan niya.

Baka isa iyon sa mga nakatira rito sa bahay ni Maria.

"Tss. Hindi ka naman mukhang magnanakaw. But thieves don't dress like one. Wait, pa'no ka nakapasok dito? Sino ang nagpapasok sa 'yo rito?" tanong nito ulit. Nararamdaman niya ang tingin nito sa kaniya kahit hindi siya nakatingin sa lalaki.

"Wait, what the heck is that smell? Taong grasa ka ba?" diretsong tanong nito sa kaniya. Doon na siya napatingin sa lalaki. Alam niya na ilang araw na siyang hindi nakakaligo pero hindi naman siya taong grasa.

Pero sandali, siya ba talaga ang tinutukoy nito? Naguguluhan siya dahil hindi naman siya taong grasa!

"Ako?" tanong niya at tinuro ang kaniyang sarili. Napalabi siya habang tinitingnan ito. Mukha na ba talaga siyang taong grasa? Pasimple niyang inamoy ang kaniyang sarili.

"Tanga. Sino bang kausap ko?" naiirita nitong tanong.

Ano ba naman klaseng tanong iyon? Lumingon siya. Wala namang ibang tao. Sila lang naman ang nandito sa sala.

"Ako," mabilis niyang sagot.

"It's fucking irritating to talk to you. Do you know that? Damn, stop playing dumb!"

"Ha?"

Playing? Naglalaro ba sila? Hindi niya talaga ito naiintindihan! Hindi ba pwedeng tagalugin na lang nito ang lahat ng sinasabi nito?

Umiling ito na para bang sumusuko na. Hindi na siya nito sinagot. Bagkus ay naglakad ito papasok sa kusina. Kasabay naman niyon ay ang pagbaba ni Maria.

"What's the commotion here?" tanong nito kaagad nang nakalapit nito sa kaniya.

Ano ba naman iyan? Hindi ba maaaring magtagalog na lang ang mga ito para hindi siya mahirapan?

Hindi niya alam kung anong tinutukoy ni Maria, kaya naman tinuro niya na lang ang lalaking pumasok sa kusina. Naroon pa rin ito sa kusina at pinunasan ng papel ang nabasa nitong damit.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Where stories live. Discover now