Prologue

2 2 0
                                    

"Tara na kasi, AJ! Minsan lang to oh?" Ilang beses na niya akong niyaya pero talagang ayokong pumunta sa party.





Ang dami naman kasing alam ng campus namin. Pag-aaral ang ipinasok ko do'n sa paaralang yun pero may pa-party party pa silang nalalaman. Ano na ang matutunan ko? e puro mga babae't lalaking naka pormal at mga naka koloreteng babae na akala mo wala ng bukas.





Dapat ay pumunta na lamang sila sa birthday party at sila ang maging clown.





"Hay nako, Althea. Ayaw ko ngang pumunta diyan! Mag-aaral na lang ako." Sagot ko sa kanya na binuklat pa ang libro ko para magbasa basa pero sadyang hindi siya magpapadaig. Isinara niya ang libro at hindi pa nakuntento ay kinuha na niya iyon. Inismiran ko naman siya.





"Umamin ka nga? Ano ba talagang pinuputok ng butchi mo at ayaw mong pumunta sa party bukas?" Tanong nito. Tutok na tutok siya sa akin at pinagsalikop pa ang kamay niya at ipinatong doon ang kanyang mukha. Adik talaga 'to!






"Ayaw ko nga! Tapos ang usapan!" Sagot ko saka aakmang tatayo na sa kinauupuan pero pinigilan niya ako.






"Hay nako, Aj! Siguro kaya ka nagkakaganyan dahil may naalala ka sa mga party's!!" Ayan na naman siya at bubuksan niya na naman ang topic tungkol sa bagay na yan.





Sinamaan ko siya ng tingin kaya natahimik naman siya... pero... panandalian lang dahil bigla din niyang dinugtungan ang sinabi niya.






"Hindi ka pa din ba nakakapag move on dyan sa lalaking yan? Ilang taon na ang nakalipas, Aj! Hindi mo pa din siya maalis diyan sa utak mo.. lalong lalo na dyan sa puso mo!" Makahulugang usisa niya. Natigilan naman ako pero agad din namang naka recover sa mga sinabi niya.







"Ang hirap lang kasi... Ang hirap niyang kalimutan! Gustuhin ko man ay ayaw talaga!! May mabilis bang paraan para maghilom yung sakit? diba wala naman. Kasi alam mo althea kung meron man ay sana ngayon ay nakakapagsaya ako." Pigil emosyong sabi ko. Natigilan naman siya. Ayoko sa lahat ay ang pinag uusapan ang tungkol sa nakaraan ko. Masyado pang malalim. Masakit pa din ang sugat na iniwan niya...







Ito na naman ang mga tanong na dapat ay nakalimutan ko na... pero sadyang kakaiba ang tadhana. masyadong mapaglaro ang pagkakataon.








Lagi kong tinatanong... Bakit nga ba nangyari ang lahat ng ito?








Hindi pa ba sapat ang mga efforts na binibigay ko sa kanya?







Bakit kailangan pa din mangyari ang mga bagay na nakakapagpasakit lalo sa puso ko?







Bakit kailangan niya akong iwan?







Bakit?






"Pero... paano kung bigla siyang bumalik? Anong gagawin mo?" Yan yung tanong ni Althea na nagpadagdag pa sa mga tanong na kahit ako ay hindi ko masagot.








Paano nga kung bumalik siya?







Tatanggapin ko pa din ba siya?








Kaya ko pa din kaya?





------------------------------------------------------

A/N:

First teen fiction...

Please support this story... Gagalingan ko na talaga! Promise! tumutupad ako ng pangako pero baka hindi niyo din ma appreciate.. huhuhu!! dT^Tb

PLEASE COMMENT, VOTE AND SHARE THIS STORY.

KAMSAHAMNIDA!! :*

d^_^b

Especially For You... (SLOW UPDATE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora