Chapter One

0 1 0
                                    

"Bebs!! Help me pleaseeeeee!!" Bungad sa akin ni Belle. Isa sa mga matatalik kong kaibigan.





"Ano na naman yan, Belle? Problem solver na ba si Aj?" Pang babara ni Althea sa kanya. Silang dalawa ang lagi kong kasama. Sila lang naman ang nakakatagal sa utak kong mala-Einstein. Hahahaha!!







"Wag kang panira,Thea!! Minsan lang ako lumapit sa anak ni Einstein!" Dyan na magsisimula ang riot ng mga bunganga nilang pareho. Basta ako tinuloy tuloy ko lang ang pag-aayos ng gamit ko.






"Anong minsan ka diyan? e halos hindi ka nga mahiwalay diyan sa little Einstein tapos sasabihin mong minsan ka lang lumapit? duh?" Pagtataray naman ni Althea. Sinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko at nanguna na sa paglabas ng classroom. Sumunod naman agad sila kaya paniguradong ako na ang target nilang daldalin.






"Hoy Aireen Joy Agustin!!" Diba? i told yah! Binuo pa ang pangalan ko. "Nananahimik ka na naman!!" Banat ni Althea. Tinitigan ko lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad.






"Ay ang taray ni bakla! Snobbers? Famous?" Pang-aasar niya pa pero di ko na siya pinansin.





"bebs!!! please?" Pagmamakaawa pa ni Belle.





"Paano kita matutulungan.. e hindi mo pa nga sinasabi sa akin yang problema mo?" Pagtataray ko naman sa kanya. Isa yan sa mga attitude ko.... Ang kunwaring mataray pero sa totoo lang ay gusto ko na talagang matawa sa itsura niya







"Ang taray talaga! Jombagan kaya kita dyan!" Asik nito. Kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko at nailabas ko ito.Nakisabay naman silang dalawa.






"hahahaha!! Ano ba kasi yang problema mo?" Tatawa-tawang tanong ko sa kanya.






"Ayun na nga!! huhuhu!! Yung kinukwento ko sa'yo... yung lalaking iniwan ako kasi pumunta siyang states... Bumalik na siya!!"Nagkukunwaring umiiyak na kwento niya.





"Oh? Anong problema don? Diba sabi niya hintayin mo siya.... Hinintay mo naman siya diba? Ngayong bumalik na... Anong inaarte-arte mo diyan?" Takang tanong ko sa kanya.




"Ayun na nga kasi yung pinupunto ko... " Pag iinarte niya. Lalo namang kumunot ang noo ko.




"Eh?" bulalas ko. Minsan talaga may pagka engot tong si Belle e...






"Deretsahin mo na kasi! Kaimbyerna to!" Iritadong bulalas ni Althea.







"Uy! Andyan ka pa pala?" Pigil na tawang biro ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.






"Malamang! e kung ikaw kaya ang i-disappear ko dito sa Earth!" Sabi niya sabay irap sa akin. Tinawanan ko lang naman siya.






"San na ba tayo?" tatawa tawang tanong ko.






"Akala ko ba matalino ka? E tatanga tanga ka din naman pala, Aj e... Nandito tayo sa Parking lot! PAR-KING LOT!! PARKING LOT!" tinarayan ko naman siya saka inambahan ng hampas.






"Hanggang dito lang oh? dito lang!" Nilinya ko pa ang kamay ko sa gilid ko. "katok katok muna!!" Pang-aasar ko pa sa kanya.







"Oh ayan! *tok*tok* Okay ka na? Pwede na ba?" Asar na tanong niya.





"Ay bawal pa! Hindi ka daw kasi welcome!" Tatawa tawang sabi ko saka bumaling kay Belle na nagpipigil ng tawa.





"Deretsahin mo na kasi ako!" Sabi ko saka nilagay sa compartment ng kotse ko ang ilan sa mga gamit ko.


Humarap ako sa kanya. Don lang siya nagpakawala ng matinding tawa kaya natawa din ako.







"Tuktukan kita diyan, Belle!" Tatawa-tawang ani ni Althea.


"Ha-Ha-Ha!! Ganito kasi yun... " Nagpakawala muna siya ng isang matinding hininga. "Gusto niya ulit na bumalik kami sa dati.... liligawan niya daw ulit ako!" Seryosong aniya.




"Oh? Ano nga kasing problema don? Sabihin mo na kasi!! Nagugutom na ako e.. " Buryong sabi ko.







"Siempre sabi niya... Limang buwan lang ang hihintayin ko pero tumagal ng Isa't kalahating taon!" Sabi niya pa.





"Yan lang ba talaga? E di i-try mo muna!! edi ba nga... Matagal mo siyang hinintay... kung hindi mo naman siya papayagan, masasayang lang yung taon na hinintay mo siya!" Sagot ko. "Ang dali dali lang ng sagot diyan sa problema mo pero ginagawa mo lang na kumplikado! tss... " Sabi ko pa sa kanya.






"Oo nga no? Salamat talaga bebs!!" Yumakap pa siya sa akin.






"Hep hep hep!! Tama na yan. Uwian time na! Mauna na ako! Ba-bye sa inyo... kitakits tomorrow!! mwah!" Paalam pa ni Althea sa amin saka nag flying kiss... Kunwari pa namin iyong iniwasan kaya tawang tawa kami sa naging reaksyon ni Althea.







Maya-maya lang din ay nagpa alaman na kami ni Belle sa isa't isa. Saka ako nag drive pauwi...







Ang saya sa pakiramdam na magkaroon ng kaibigan na katulad nila.... Maloko pero totoo...







Mamaya-maya lang din ay nakauwi na din ako sa bahay.






------------------------------------------------------

A/N:

PLEASE COMMENT, VOTE AND SHARE THIS STORY!!

KAMSAHAMNIDA!! :*

Especially For You... (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now