Chapter Two

0 0 0
                                    

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong ipinarada sa garahe ang kotse ko. Pasigaw na sana ako para ipaalam sa mga kasama ko dito sa bahay na nakauwi na ako ng may marinig ako sa kusina.




May humihikbi!



Dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina at sinilip kung sino ang umiiyak na yun at napagtanto kong si mama pala yun, may kasama siyang lalaki... hindi ko alam kung sino ba yung lalaki dahil nakatalikod ito sa akin.




Pahakbang na sana ako para umalis na don sa lugar na iyon pero naistatwa na lang ako ng marinig ko ang boses ni mama.




"Paano na siya? Sila ng kuya niya? Panigurado ako na ayaw ka na nilang makita!" humihikbing tugon ni mama. Napalingon ako sa gawi nila na tanging ang ulo lamang ang nakaharap sa kanila.




Hinawakan nung lalaki ang balikat ni mama, saka nagsalita.





"Ang gusto ko lang ay makasama sila, Emily." Mahinahong ani ng lalaki kay mama.



At dahil don ay napaharap na ako sa kanila. Hindi ko kilala ang lalaking ito, pero bakit gusto niya kaming makasama?




"Hindi ko alam kung ayos lang ito sa mga anak natin." At dahil sa sinabi ni mama ay lalo akong naistatwa sa kinatatayuan ko, napagtanto ko na lang na pumapatak na pala ang mga luha ko.




Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman sa panahong ito... Kung dapat ba akong maging masaya dahil makikilala ko na ang tatay ko o dapat ba akong magalit dahil sa tagal ng panahon na nabubuhay ako sa mundo ay ngayon lang siya nagpakita?





Siya nga ang tatay ko!





Pilit kong pinipigilan ang paghikbi ko pero hindi ako nagtagumpay.





Napasulyap na sa akin si mommy na ngayon ay gulat na gulat. Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko pero pinigilan ako ni mama.





"A-anak!" Pigil niya pa sa akin. Humarap ako kay mama at niyakap siya. Alam ko kung gaano kahirap sa kaniya na itaguyod kami ni kuya na siya lang mag-isa.


Okay na kami e... bakit bumalik pa siya?





"A-anak, Siya ang papa mo." Pakilala ni mama sa kaniya. Hindi ko ba alam pero ang tanging namutawi sa puso ko ay galit at lungkot.



"Buti po bumalik pa kayo?" Pinilit kong hindi magtunog sarcastic pero mukhang nabigo na naman ako. Nakita ko ang pagkapakla ng itsura niya.





"Anak!" Suway sa akin ni Mama pero hindi ko siya pinansin tanging kay papa lang ako nakatingin.



"Ganyan mo ba siya pinalaki, Emily?" Nakakunot noong sabi niya habang nakatingin pa din sa akin naramdaman ko namang napayuko si mama.




Mas lalo akong nainis.




"Wow!" Hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko. "Sayo po talaga yan nanggaling?" Manghang usal ko. Lalo namang kumulubot ang noo niya at nagpantig ang kanyang bagang.




"Okay na kami, Pa! Okay na ang buhay namin ng wala ka! Lumaki ako na walang kinilalang ama kaya wag mong maisusumbat kay mama ang lahat! Dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat!" Maluha-luhang sabi ko.




Nawala na ang kunot sa noo niya pero nasa mata pa din niya ang galit at halong pagka dismaya.




"Nakayanan namin na wala ka, Tapos isang araw bigla ka na lang susulpot dahil gusto mo kaming makasama ni kuya?" Pumatak na nga ang mga luha ko. Ang bigat sa pakiramdam. "Lumaki ako ng wala ka! Si mama na ng tumayong Ina at ama sa bahay na ito. Si kuya ang gumanap ng tungkuling bilang ama na dapat ay ikaw ang gumawa! Bakit ka pa bumalik? Hindi ka na namin kailangan dito, Masaya na kami, Ako, si mama at si kuya!" Nagulat na lang ako ng biglang iangat ni papa ang kamay niya para sampalin ako kaya napapikit ako at patuloy na umaagos ang mga luha ko.



Ilang segundo na ang lumipas pero hindi ko maramdaman ang palad ni papa sa mukha ko.




Unti-unti kong minulat ang mata ko nakita ko ang kamay na nasa wrist ni papa. Unti unti akong napalingon at nakita ko si kuya na umiiyak na din.




Hindi ko naramdaman na nakauwi na pala siya.




"Kababalik mo lang tapos sasaktan mo pa ang kapatid ko? Ni hindi ko nga hinahayaan na may lumapit sa kanya na mga lamok, Sayo pa kaya?" Seryosong ani ni kuya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Napakaseryoso niya ngayon, ibang iba sa  kuya Jeffrey na nakilala ko.




"Sumasagot ka na din sa akin? Hindi ko gusto ang tabas ng mga dila ng mga anak mo, Emily!" Banat pa ni papa.





"Wag ho kayong mag-alala, Hindi din naman po namin gustong makita kayo! Wag na wag na ho kayong makakatapak sa teritoryo ko at may gawing hindi kanais nais dahil kakalimutan kong ama ko kayo!" Nang gagalaiting sabi ni kuya. Pabatong binitawan niya na ang kamay ni papa saka tinuro ang daan palabas ng bahay.





"Teritoryo mo? E sa akin din naman nanggaling ang pagpapagawa ng bahay na to?"Nakangising sabi ni papa. Alam ko na talaga kung bakit naging ganito na lang ang galit ni kuya sa kaniya.




"Dyan ho kayo nagkakamali, Dahil pera ko ang ipinundar dito sa bahay na kinatatayuan niyo ngayon. Sa bawat gamit na makikita't mahahawakan niyo ay sa pera ko at pera ni mama ang nagpundar. Kaya maaari na kayong umalis!" Nabigla ang mukha ni papa at saka napatingin kay mama na ngayon ay tumalikod saka pumunta sa kwarto niya.




Nagtititigan pa din sila kuya at papa at hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil baka sa isang iglap ay mag sabong na itong mag ama.




Lumabas na ng kwarto si mama at saka iniabot kay papa ang cheke!




"Ayan ang perang ibinigay mo sa akin noon bago mo kami iwanan ng mga anak mo. Tama nga si Jeff, Hindi ka na magbabago. Umalis ka na sa pamamahay namin at doon ka na sa kabit mo!" Mahinahong sabi ni mama.




Agad namang lumabas si papa, Samantalang ako ay nanatiling nakatingin sa kinatatayuan kanina ni papa.



Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil bigla na lang akong nag collapse.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Especially For You... (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon