Nine

6.8K 131 1
                                    

"BRUHA ka talaga. Akala ko ba si Paul ang idi-date mo? Bakit si Russell na naman kasama mo?"

Parang ewan na ngiting-ngiti si Elai habang kausap ang kaibigan niya. "Well, women always change their mind."

"Duh, pasaway ka. Where's your panata? That... 'Carmen, I'm going to forget him, ayoko na sa kanya'," panggagaya nito sa sinabi niya rito noon.

She pouted. "Hayaan mo na nga lang, Carm. Hindi ka kasi maka-relate sa 'kin kasi happily in love ka na."

"O, sige na, wala na akong sinabi. Basta pagbalik mo, tayo naman ang mag-bonding, ano. Magtatampo na 'ko."

Natawa siya. "Of course."

Napahiga na siya sa kama niya nang matapos na ang tawag. Kanina ay dumating na sila sa resort na sinasabi ni Russell. Bagong tayo lang ito sa lugar pero marami na rin ang mga parokyano. And he was right, the place was beautiful.

Nagpapahinga na rin ang binata sa kuwarto nito na dalawang cottage lang ang pagitan mula sa kanya. When she looked at the time, it was eleven in the morning. Mayamaya lamang ay mag-tatanghalian na sila.

Tumayo siya at binuksan ang bintana niya. Malamig ang simoy ng hangin kaya hindi masyadong nakakairita ang init ng araw. May mga naglalaro naman ng volleyball sa hindi kalayuan.

Nangalumbaba siya sa bintana. Nare-relax siya habang tinitingnan ang payapang paghampas ng dagat sa dalampasigan.

"Boo!"

"Ahhh!" sigaw niya at agad na napalayo sa bintana habang hawak ang dibdib.

Tawang-tawa naman si Russell habang siya ay sobrang nagulat sa ginawa nito. Paano ba naman ay sa kasagsagan ng pag-e-emote niya ay bigla na lang itong lilitaw sa harap niya.

"Russell naman, eh!" aniya.

Natatawa pa rin ito habang naroon sa labas ng cottage niya.

"Lunch na, tara..." anito sa kanya. He was still smiling, aliw na aliw sa pagkakagulat niya.

Nakasimangot na lumabas siya. Gulat na gulat siya kanina at parang kakawala na sa katawan niya ang puso niya. Russelll! Sigaw ng isip niya.

"Hey, galit ka?" tanong ni Russell sa kanya nang abutan siya nito. Deretso kasi ang lakad niya at hindi man lang ito tiningnan.

"Hindi, hindi, hindi ako galit. Ang saya-saya ko nga, eh," sarkastikong wika niya sa binata.

Just as what as she expected, natawa na naman ito. Pero this time, umakbay na ito sa kanya. "I'm sorry, naisip ko lang gulatin ka, nakita ko kasi ang kamay mo sa bintana."

Hindi siya sumagot. Parang mas feel pa niyang mag-inarte para amuin siya ng binata.

Wow, arte ko.

"'Lai..." untag nito sa kanya.

She remained silent kahit parang gusto na niyang matawa.

"Kikilitiin kita kapag hindi ka pa nagsalita d'yan..."

Napatingin siya sa binata at pabirong kinurot ito sa tagiliran nito. "Marunong ka na palang mang-blackmail ngayon, ah."

The man just laughed. Natawa na rin siya. Magkaagapay na tinungo na nila ang destinasyon.

Maganang nagsalo sila ng tanghalian. Panay naman ang kuwento sa kanya ng binata ng mga nakakatawa. She had a great lunch. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nag-enjoy ng ganoon. Only Russell can make her feel like that.

Matapos nilang kumain ay nag-order pa ito ng dessert. It reminded her before, noong sinamahan niya ito sa golf club. Sa snack house kung saan nag-order ito ng marami-rami ring dessert.

Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon