Chapter 3 that guy

6 1 0
                                    

pagkatapos namin kumain sa isang restaurant ay nag pasya kameng umuwi na, dahil hindi naman din ako nag e enjoy, mas gugustuhin ko pang matulog nalang sa bahay buong araw kesa mag liwaliw dito sa mall

at dahil kotse namin ang gamit sa pag punta dito, dito na din dumeretso ang apat kong kaybigan dahil iniwan nila ang kotse nila doon sa bahay

mag alas kwatro palang ng hapon kaya naman medyo mainit pa sa labas

at habang nasa byahe kame ay ginawa ko ang normal kong ginagawa.. ang pag iisip

paano kung hindi ako pinanganak na mayaman, paano kung hindi ako ang taong nasa kina tatayuan ko ngayon.. paano kaya ako mabubuhay ng walang malaking pera na ginagastos

at dahil traffic pauwi na stuck up kame sa gitna ng traffic kameng lima ay kanya kanya ng pinag kaka abalahan, si rica nag aayos ng bag nyang puro papel at gadgets si rhean abala sa cellphone nya, si valerie naman abala sa librong binabasa nya at si nicole ay nag se selfie gamit ang ipad nya habang ako naka masid sa paligid ko...
patingin tingin sa labas.. sa mga taong nag lalakad.. sa mga batang namamalimos... ngunit nag hagip ng paningin ko ang isang cafe hindi gaanong kalakihan ang cafe.. maayos naman at mukhang maraming bumibili may mga upuan at mesa sa loob mismo at meron din mangilan ngilan sa labas.. kasabay ng pag mamasid ko ay ang pagtama ng mata ko sa isang lalakeng naka sweat shirt, hindi kagaya ng ibang tao na may nakalagay na laptop o cellphone sa kanyang mesa, sya ay may librong dala at isang backpack na itim, hindi lang isa ang librong dala dala nya ngunit hindi ko na maaminag dahil medyo malabo ang mata ko, pero mas kapansin pansin na hindi sya nag babasa, at mas lalong hindi sya umiinom o kumakain manlang sa cafe, simpleng naka upo lang sya at parang mag pinag mamasdan...

hinanap ko ang posibleng pinag mamasdan nya sa direksyon kung san sya nakatingin ngunit ang nakita ko lamang ay basurahan.

wait

teka, basurahan?

basurahan nga

BASURAHAN LANG!!!

what the heck ang tinititigan nya ay basurahan!! ang weird haha

gusto ko sanang matawa kaya lang naalala ko na andito pala ang mga kaybigan ko, kapag nalaman nila yon baka sila pa mismo ang bumaba at puntahan yung lalake

ni hindi ko nga maaninag ang mukha non dahil wala akong soot na contact-lens ngayon

mukha naman syang maayos haha bakit ko ba to iniisip? haynako

sa pag iisip ko ay hindi ko na namalayan na umaandar na pala ang sasakyan at medyo malayo nadin kame sa cafe na sinasabi ko..

babalik ako minsan don at bibili ng kape o kahit ano hahaha~bakit naman ako din bibili e may starbucks naman malapit samen susko ano ba to

masyado naman kasi akong nawi wirdohan sa lalakeng yon

parang may kakaiba sakanya na kahit sa malayo ay mapapansin mo, parang may mali.. that guy has something within him... parang buhay sya na walang buhay hahaha weird

Breath Where stories live. Discover now