1

3 0 0
                                    


Nakabubulahaw na tunog ng alarm ang gumising sa akin.

Nakatulog pala ako. Nakatulugan ko na pala ang nangyari.

Paggising ko, mas gusto ko na lang pumikit muli... makaidlip, makatulog... o kung anumang katumbas nang pagpikit.

Ayoko munang magisip...

Ayoko munang maging ako ang isip ko. Ayoko munang magbigay command sa bawat parte ng katawan ko upang kilusin ang function nito

Ayoko munang magisip...

Gusto ko lang namnamin ang kawalan ko, ang pagkadisconnect ko sa mundo

Ngunit habang pinipilit kong pigilan ang sarili ko na magisip ay tuluyan akong minumura ng utak ko ng samo't saring ideya at ala ala... Ala ala...

"Ayokong masaktan ka sa aking pagtanggi, ngunit mas iisipin ko ang damdamin ko"

Bawat hibla ng aking buhok, sa lahat ng parte ng katawan kong kayang tubuan nito ay kilala kung kaninong bibig nanggaling ito. Ngunit ang "ako" sa sarili ko ay hindi inaacknowldege ang pangalan mo, maski ang katotohanang nangyari ito

Mahapdi sa mata, masakit sa dibdib, nakakasuka... Bakit laging sakit ang kapalit kapag hindi ka nagtagumpay sa pagiging masaya? Hindi ba pwedeng neutral lang? O something in between? Bakit laging may sakit sa bawat yugto ng buhay ng tao? Simula sa pagkairi sa'yo ng nanay mo? Sa kung ano anong ituturok sayo nung baby ka para di ka kunin ng mga alien? Sa pagkatuto mo dahil naggive-in ka sa curiosity mo't tinusok mo ng tinidor ang outlet nyo? Bakit 'yon masakit? Maging ang pagtanggal sa masakit na ngipin ay may katumbas ding sakit. Sa pagkatuli sayo? Sa pagpapabutas ng tenga mo? Bakit ang sakit ay maraming form? May physical pain kapag nadapa ka o di kaya nama'y napalo ka ng tatay mo. Bakit meron pang emotional pain kapag sinabihan ka ng masasakit na salita o hindi naman kaya'y hindi ka maunawaan at hinuhusgaan ka ng mundo? Meron pa ngang medically significant na tinatawag na sakit. Pero bakit ang kasiyahan ay simpleng kasiyahan lang? Bakit ang pagiging masaya ay isa lang ang uri? Wala bang medically significant na galak? Kung meron man ay sakit pa rin 'yong maituturing. Maski ang kasiyahan ay may katumbas ding sakit, sakit ng tiyan o hindi naman kayo'y bibig kapag nasobrahan. Bakit tila nadodominate ng sakit ang ligaya? Maski ang pagibig...

Napaigtad ako sa aking naisip. Hindi maaaring magtungo ang ideya ko sa puntong iyon. Tila ba hindi ko kakayanin. Sa aking pagkaupo ay sinalubong ako ng patibok tibok na kirot ng sentido, konting pagkahilo at pagikot ng paningin. Alas otso na ng umaga. Isang oras na ang nakalipas nang mag-alarm ang phone ko. Isang oras na lang ay kelangan ko ng pumasok sa trabaho. Late na ako. Pero fuck that shit hindi ko kailangang pumasok. Hindi ko kailangang magfunction bilang tao. Tumayo ako't nagtungo sa kusina. Sobrang uhaw ang nararamdaman ko, siguro'y nailuha ko na ang lahat ng tubig sa katawan ko, maski ihi. Sa mesa ay isang pitsel na kagabi ay yelo lamang ang laman ngunit ngayon ay naguumapaw na tubig na. Maski ang hapunang nabili ko ay hindi ko na nagawang galawin dahil dumiretso na ko sa kwarto. Atleast may almusal ako.

Nagtungo naman ako sa banyo upang maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan ako. Ngunit hindi. Dahil pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sakin ang maasim na amoy. Sumuka nga pala ako kagabi at hindi ko na nagawang linisin pa. Dumiretso na lamang ako sa lababo ng kusina at doon naghilamos. Marami akong dapat ayusin. Hindi ko lang alam kung saan magsisimula.

Maya maya pa'y narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tinungo at nalamang tumatawag si Cholo.

"Oy, boy" Pagbati ko

"Oy, Riggs, san ka?" Tanong nya

"Bahay"

"May pasok ka ba?"

"Meron. Pero sibat ako boy"

"Hahaha! Talaga? Bat?"

Kung sasagutin ko ang tanong n'ya ay kailangan ko magisip. Katumbas non ay ang pagabsorb sa katotohanang pilit kong tinatakwil sa sistema ko. Pero si Cholo naman ito. Matalik kong kaibigan. Bukod sa mauunawaan n'ya ko'y mapapagaan n'ya naman ang loob ko. Nagisip muna ako ng entrance sa pagkwento sa kanya ng isang chaotic stage ng buhay ko

"Olats boy" Yan lang ang kinaya ko

"Saan?"

"Babalik ko na pala 'yung hiniram kong pera sa'yo"

"Oh? Ambilis naman? Diba bibili mo kamo 'yun ng singsi—"

Pareho kaming nanahimik sandali.

"Sino pala yun? Hindi mo man lang napakilala sa'kin"

"Hindi ko na rin s'ya kilala eh"

"Hahahaha! Tara upakan natin"

"Loko. Ba't ka napatawag?"

"Naramdaman kong sad ka eh"

"Lul"

"Tara boy"

"San"

"Party!"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TessaractWhere stories live. Discover now