Chapter Thirteen: Letter

283 9 0
                                    

Andi

Nagising ako dahil sa hapdi na nararamdaman ko. Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung paanong higa ang gagawin ko dahil gusto kong mamilipit sa sakit.

"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Blaire. Bigla akong napaupo kaya bigla ring sumakit lalo ang katawan ko.

"Nakabalik na ko?"

"Medyo halata naman, Andi." She answered. I just rolled my eyes. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap.

"I miss you! I thought you were dead! Myghaad, I miss you!"

"Aw, aray! Oo na!" reklamo ko sabay tanggal ng pagkakayakap niya sa akin. Masakit pa kasi ang katawan ko. Mukha na nga akong chopping board.

Napahawak ako sa tiyan ko. Tumayo ako para kumuha ng makakain. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong kumilos dahil sa gutom. Damn, ngayon lang ako nagutom nang ganito.

"Halos isang araw kang tulog." sabi ni Blaire habang nagsusuklay. Siguro siya ang gumamot sa akin.

Pilit kong inalala kung paano ako napunta dito. Ah tama! May bumuhat sa akin. Pero bakit nandito ako?

Ibig sabihin hindi kalaban ang bumuhat sa akin?

"Alam mo bang halos mamatay sa tuwa si Eunice?" Napatingin naman ako kay Blaire. Ngayon ay nagtutupi na siya ng mga damit.

"Well, sorry buhay ako. Nga pala, who brought me home err I mean here?" I asked. Alam kong hindi malinaw ang mukha ng bumuhat sa akin.

"Ah, that's Romer." sagot ni Blaire. I frowned.

"Paano nagawa ni Romer 'yon ng mag-isa lang siya?" tanong ko.

"Okay, I'll tell you the whole story." She cleared her throat na para bang nagreready para sa isang speech.

"Nakita ka ng mga kaklase natin nun. Tumatakbo ka, screaming for help. Kaya agad silang sumugod at nagreport kay Kolens."

"Nakabuo agad ng plano si Kolens. Half of the class ay sumugod. Ang iba sa ibaba nagmula at ang ilan including Kolens ay sa fire exit dumaan. He's really clever."

"Habang nakikipag-usap sila Kolens, ang mga kaklase natin sa ibaba ay walang hirap na nakapasok hanggang sa itakas ka na ni Romer."

"And where are they? May napahamak ba sa atin?" tanong ko. Alam kong hindi imposible na magkaroon ng patayan.

"Romer died. Siya lang ang kaisa-isang namatay."

I gasped. Si Romer, napakabait niyang kaklase. Palatawa, masiyahin at friendly. Napailing ako at biglang nakaramdam ng pagkakonsensya.

Buhay pa sana si Romer ngayon kung hindi dahil sa akin.

"Why? Sinong gumawa?"

"Habang itinatakbo ka niya, may sumaksak sa kanya."

"It's my fault, Blaire." Naupo ako sa upuan at tinignan na lang ang pagkaing nasa harap ko. Kasalanan ko ito.

"Andi, don't blame yourself. Normal na ang patayan at alam kong alam mo yan." sabi ni Blaire. Kahit saang anggulo man tignan,may kasalanan ako sa nangyari.

"Sana hindi na lang ako nagbalak tumakas. Sana hinayaan niyo na lang ako. Kayang-kaya niyo naman tumindig bilang Class A nang wala ang isang kagaya ko," saad ko.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Hailey. Pasugod siyang lumakad sa amin. Alam ko na ang ipinunta niya.

"You! You worthless bitch!" Sinampal niya ako na nagpamanhid sa kaliwa kong pisngi. Akala ko natapos na ang pain and suffering ko pero hindi, may part two

"Kung hindi dahil sa'yo! Dahil sa katangahan mo! Hindi dapat patay si Romer! It was all your fault, Sanders!" sigaw niya habang umiiyak. Hindi ko siya masisisi. She's Romer's girlfriend.

"Dahil sa'yo patay na si Romer!"

Lumapit ito para sabunutan ako. Gusto ko siyang pigilan pero masyado akong pagod. Wala na akong lakas. Bigla na lang may humatak sa babae palayo sa akin.

"Hindi mo ba nakikita!? Sugatan yung tao oh!" sigaw ni Blaire kay Hailey habang hawak niya ito.

"Ginamot ko 'yan tapos bubugbugin mo lang uli!"

Nagpupumiglas sa hawak ni Blaire si Hailey. Umiiyak pa rin siya habang nakakuyom ang kamao at nagsimula siyang maglabas ng sama ng loob.

"I hate you, Andi Sanders! Unang tapak mo pa lang dito ayaw ko na sa'yo. Pinapangako ko na kapag nakalabas tayo rito, hindi kita kikilalanin bilang kaklase. I will kill you!"

Nagsipuntahan ang iba naming kaklase sa room namin. I thought they were here to stop the scenario. Pero nanood lang sila.

"I want you to be killed! I want you dead! I want to kill you!" sigaw niya. Hindi ko alam pero wala akong maramdaman. Hindi ako nagagalit o ano. Alam ko kasing tama siya. Alam kong deserve ko ang mga masasakit na salita na ibinabato niya.

Her boyfriend died because of me.

"Then kill me." sagot ko. Natigilan naman siya sabay punas ng luha.

"Everyone get out." Biglang nagsialisan ang mga kaklase ko dahil sa isang tinig na nagmumula ngayon sa pinto. Nakatayo roon si Kolens habang nakapamulsa ang mga kamay.

"Hailey Dylans?" tawag nito kay Hailey na patuloy pa ring umiiyak. Binitawan ni Blaire si Hailey at tumakbo ito palabas.

"How are you?" tanong ni Kolens. I frowned. Ako ba ang tinatanong niya?  Bakit biglang concerned na lang siya sa akin?

"Please cure her, Blaire. Kailangan niya pang kalabanin si Eunice sa elimination."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay lumabas na siya. That jerk. Chine-check niya lang ako kung kaya ko na, kung kaya ko na bang magpabugbog at magpasugat muli. Great.

Kami na lang uling dalawa ni Blaire sa kwarto. Bigla siyang tumayo at may hinanap sa closet niya. Napapakamot siya sa ulo dahil hindi niya yata makita ang hinahanap niya.

"Ah eto!" Tumayo siya sabay abot sa akin ng kinuha niyang bagay, isang letter. "Nung wala ka, a guy named Ed gave me this letter."

"Ed? Classmate natin?" Medyo ang tangang pakinggan ng tanong ko. Of course not! Ed, that won't happen kasi may E na sa klase and that's Eunice.

"Sa ibang class siguro siya. Una, ayaw ko pang kunin. Natakot ako. Akala ko papatayin niya ako."

Nakita kong sealed pa rin ang letter. Hindi talaga ito binasa ni Blaire. Ed?

"But he didn't. I think I like him! Ang cute ng glasses niya. He's a nerdy type of guy and uh, he's kinda hot." Komento ni Blaire sa hitsura nung Ed. "Sino kaya yung Ed na 'yon?"

Binuksan ko na ang letter. My jaw dropped. This penmanship. It was his!

Andi,

        Anong balita? Andi, kung mababasa mo ito. Sana nga ligtas ka pa para mabasa 'to. Andi, kailangan ko na uli makapasok d'yan. You need to kill him/her. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. But if you can't, patuloy pa rin akong humahanap ng paraan para masamahan kita. Andi, I miss you. I want you to stay alive until I come.

-E.D.

I thought he already forgot me. But he didn't.

West UniversityWhere stories live. Discover now