Chapter Thirty: Last Day

279 12 0
                                    

Andi

Nangangatog na mga tuhod, nanginginig na mga kamay, malakas na tibok ng puso at mabigat na gown. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag. Masyado akong kinakabahan para magpaliwanag.

"Tara na. Tayo na lang ang hinihintay sa labas!" Blaire said. Nakabihis na rin ito. She was wearing a dark blue laced trumpet gown. Sumasayad ang dulo nito sa lapag.

Katulad ng kanya ay hanggang lapag din ang haba ng beige ball gown na suot ko.

Kanina pa siya excited lumabas dahil sa date niya. Walang iba kung hindi si Ianne. Magtataka pa ba kayo e halos buong foundation week sila ang magkasama hanggang ngayong last day.

"Kinakabahan ako," pag-amin ko kay Blaire. Imbes na palakasin ang loob ko ay tinawanan lang ako nito.

"Sa ganda mong 'yan? Ehem mas maganda ako pero ang ganda mo, girl. Tumayo ka nga."

Sinunod ko ang sinabi niya. Tumayo ako at inayos ang gown ko.

"O umikot ka naman."

Umikot din ako. Siya naman tumawa. I glared at her. Nakakainis, kinakabahan na nga ako gagano'n pa.

"Uto-uto ka rin pala no? Pero seryoso, you look gorgeous, drop-dead gorgeous!"

"Oa," bulong ko. Inuuto niya lang ako dahil kanina niya pa gusto lumabas.

Alam ko naman sa sarili ko na ayos naman sa akin ang gown, ang makeup ko, ayos din naman. Sadyang hindi lang ako mapakali.

Tama naman si Blaire. Maganda ang pagkakasukat sa akin ng beige gown na ito. Pati ang pagkakakulot ng dulo ng aking buhok na hanggang dibdib ay magandang tignan.

"Dapat mag-enjoy ka sa gabing ito! Hindi lahat ng bagay nagtatagal, hindi lahat."

Napatingin ako uli kay Blaire. Tuwang-tuwa ito habang nakatingin sa salamin. Umiikot-ikot pa ito at feel na feel ang gown niya. Naglagay pa nga ito ng tiara na maliit sa buhok niya.

Tama siya. This was the last day. Pagkatapos nito, balik na sa dati ang lahat. Balik na sa dati ang impyerno.

"So ano na? Tara?"

Tumango ako rito. Kinuha ko ang pouch ko. Wala naman itong laman kundi apat na kutsilyo. Mabuti na kasing nakakasigurado dahil ayaw ko nang maulit ang dati.

Pagkalabas namin sa kwarto ay wala ng nasa building. Sumilip ako sa labas. Lahat sila ay nakapila na sa harap ng building namin, suot ang mga magagara nilang damit.

Maraming nakablue, pink at red kaya medyo nalalayo ang kulay ko na beige.

Pababa pa lang kami ng hagdan ay may sumalubong na kay Blaire, si Ianne. Si Blaire naman ay pabebeng tinignan ako sabay ngumuso. Naintindihan ko naman ang ibig ipahiwatig nito.

"Oo na, umalis na kayo sa harapan ko," sabi ko rito. Nagulat ako nang tumili ito. Jusko, ano bang nangyayari at nag-iiba na ang kaibigan ko?

Pagkababa ko, ako lang pala ang walang kapareha. Bigla tuloy akong nailang dahil lahat sila may kapartner.

May naririnig pa akong nagpupurihan. Ang gwapo raw nito, ang ganda daw ni ganyan. Nakakatuwa lang dahil may mga kapareha ang kaklase ko na galing ibang klase.

Hindi pa rin pala nababalot ng pagiging makasarili ang lahat ng estudyante rito.

Tuluyang nawala na si Blaire sa paningin ko. Such a good friend. Alam niya kanina kung gaano ako kinakabahan lumabas pero heto s'ya, iniwan ako.

Nabunggo ko ang isa sa mga kambal, si Franz. Naalala ko pa nung una ko silang nakita. Kasama sila ni Ianne nung araw na kinuha ako mula sa East.

"Why are you alone, Andi?" tanong nito. Slang na slang ang pagsasalita nito na bagay naman sa kanya.

West UniversityWhere stories live. Discover now