Chapter 45

125 5 0
                                    

Yumi Pov

"Pupunta ka ba sa birthday ni Jay? Binigyan nya kasi ako ng invitation card" ani Janelle.
Oo nga pala.

Naalala ko birthday nga pala ni Jay ngayon at mamayang gabi yung party at na alala ko binigyan nya nga pala ako ng invitation card.

"Pupunta ka,huh? Hindi pwedeng hindi. Kapag hindi ka pumunta magtatampo ako"

____________

"Ang ganda mo ah" ani ko kay Kryzelle na ngayon ay nakasuot ng napakagandang gown. Nandito ako ngayon sa kwarto nya at nakaupo sa kama nya.

"Hindi ko akalaing marunong rin palang pumili ng taste sa damit itong si Jay. Bagay sayo"

Ngumiti sya. "Salamat"

"Wow!naman" ani tita Sally na biglang sumulpot sa may pinto. "Ang ganda ng princessa ko,manang-manang talaga sa'kin" aniyang nakangiti.

Beeep!Beeep!

"Mga Anak nandito na sila,bumaba na kayo riyan" sigaw ni Tito mula sa baba.

"Opo, Pa" tugon ni Kryzelle.

"Oh sya nandyan na ang mga Principe nyo, baba na" ani Titang may excite sa mukha.

Parehong sleeveless yung gown na suot namin ni Kryzelle, with high low yung kanya na color pink ang cute nga eh ta's yung akin naman ay below the na color black. Simple lang sya na paumbok ng onte yung pinaka palda nya. Hiram ko lang kasi 'to kay Kryzelle kung tutuusin nga eh mas sexy pa sya sakin.

Paglabas namin ay nakita ko agad si Uhan. Sabe nya kasi dito na lang daw nya 'ko susunduin kina Kryzelle, para sabay-sabay na kami. Nakatuxedo sya at ang gwapo nya sa suot nya.

"Ang ganda naman ng girlfriend ko" ani Jay kay Kryzelle.

Sa ilang araw na panliligaw ni Jay sa bessy ko at the end napasagot nya rin ito at masaya ako para sa kanilang dalwa.

"Happy Birthday, Jay"

"Oo nga Jay. Happy Birthday" ani tita at tito, habang kaakbay ni tito si tita Sally.

"Salamat po. Uhm, sige po mauna na po kami"

"O sya sige mag-iingat kayo"

"Opo"

"Lets go" ani Uhan at pinagbuksan na'ko ng pinto ng sasakyan at saka ako umupo sa passenger seat.

Mga ilang oras rin ang biniyahe namin bago kami nakarating sa Hotel nina Jay. Grabe! Ang ganda nga eh. Pagpasok namin sa loob ang dami ng tao,ang sososyal ng mga suot nila at sa tingin ko mga businessman silang lahat, may mga foreigner at chinese rin akong nakikita.

Hinatid na kami ni Jay sa table namin at nakita ko ang magcouple na si kuya Carl, Yaci nakita ko din si Janelle at katabi nya si Kenzo. Naupo na kaming tatlo.

"Uhm, Guys maiwan ko muna kayo ah i-meet ko lang yung mga bisita.Ah Babe dito ka muna, huh?" ani Jay.

"Ok" sagot ni Kryzelle at hinalikan naman sya ni Jay sa pisngi.Sweet!

"Buti umatend ka" ani Janelle,bale sa isang round table ay katapat namin sila ni Kenzo, habang katabi ko naman si Kryzelle.

"Oo. Uhm, Kryzelle. Sya nga pala yung ikinikwento ko sayo na new friend kong si Janelle" nginitian naman sya ni Janelle.

"Ohh...kaw pala.Nice meeting you, I'm Kryzelle" aniya at nakipagkamay kay Janelle.

"Nice meeting you too"

#

"Goodevening Ladys and Gentlemen. Thank you for coming here tonight"

Sa nakikita ko sa Dad ni Jay ay hindi naman sya mukhang masungit actually mukha nga syang masiyahing tao.

"I'm happy, because it is the most special day for my son's birthday. And with our son's 18th birthday. I would like to anounce to you all that---"

Nakaupo ngayon sa may table namin si Jay at hawak nya ang kamay ni Kryzelle, pero napansin kong bigla syang napalunok at halatang kinakabahan sa susunod na sasabihin ng Dad nya.

"Our Automobile Company has acquired one hundred branches in different parts of the country, suôyî jié yī qîng zhûnbèi hăo nî zījî" (So Jay please prepare yourself)

Nakita ko namang biglang napabuntong hininga si Jay,nginitian ni Jay si Kryzelle at saka pumunta sa stage. Ngumiti at yumuko lang sya buong madla.

"Si Ryzelle nasa'n?" aniya't umupo.

"Nag-CR lang nga pala, Jay. Bakit ka nga pala parang kinakabahan sa sasabihin ng Dad mo kanina?" tanong ko.

"Ah. Napansin mo ba 'yon?"

"Oo naman sa mukha pa lang halata ngang kinakabahan ka na"

"Akala ko kasi may engagement na magaganap"

"Engagement?"

"Yeah and that's for business shares of the company at ayokong mangyari 'yon at kung sakali mang mangyari 'yon. Hindi ako papayag at ipaglalaban ko ang pagmamahalan naming dalwa ni Ryzelle"

Napangiti naman ako sa sinabe nya, dahil dun ko nakita kung ga'no nya talaga kamahal si Kryzelle at masaya ako para sa kaibigan ko.

"Salamat" aniko at ngumiti.

"Salamat naman saan?"

"Dahil ipinakita mo sa'kin kung ga'no mo kamahal ang kaibigan ko" ngumiti lang sya sa'kin.







Kryzelle Pov

Paglabas ko ng cubicle ay agad akong pumunta sa salaminan at nakita ko si Audrey na naglalagay ng blush-on sa mukha. Hindi ko na sya pinansin sahalip ay naghugas na lang ako ng kamay.

"I didn't expect that a girl like you ay magugustuhan ni Jay,huh!" smirk. Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay ng bigla syang magsalita, kaya pagkasarado ko ng gripo ay agad ko syang hinarap.

"Kaya ang gusto kong malaman ay kung anong nagustuhan nya sayo" aniya sabay humarap sa'kin pagkatapos nyang ilagay yung foundation sa wallet nya. "Pero sa nakikita ko naman sayo... You have no class, so tell me. Ano bang nagustuhan nya sa'yo, huh?" taas noong aniya habang nakahalukipkip.

Tsss, bwiset na bruhang 'to ano bang gusto nya, huh? Eh kung kalbuhin ko kaya sya dyan. Grrr! Naaalibadbaran talaga ako sa pagmumukha nya eh kapag nakikita ko sya.

Nag-smile ako ng fake sa kanya. "Gusto mong malaman? Simple lang, dahil masmaganda ako sayo hindi lang sa panlabas kundi sa panloob. Hindi gaya ng iba dyan maganda nga sa panlabas pangit naman sa panloob ang pangit rin tingnan" ani ko at tumingin sa kanya na mapang-asar.

Oh see!Nakita nya rin kung sino ako at anong akala nya magpapatalo ako sa kanya. No way!Nakita ko namang nagngangalit na sya sa inis.

"Well I have to go, baka kasi hinihintay na nya 'ko" aniko at paglabas ko ng pinto ay may pinahabol pa syang sinabe.

"Huh!" sarcastic smile. "Ang yabang"

You're Still The One (COMPLETED) Where stories live. Discover now