Chapter 59

112 5 1
                                    

Yumi Pov

Paglabas ko ng gate ay nagulat ako ng makita ko si Uhan. Nginitian nya 'ko.

"Goodmorning!" bati nya.

"Teka!Magaling ka na?"

Tumango sya. "Oo. Sa ngayon maayos din naman ang pakiramdam ko, kaya ngayon babawi ako sa kasalanan ko sayo"

"Kasalanan? Ano namang kasalanan 'yon?"

"Yung pinag-antay kita ng matagal kahapon. Hindi ko kasi inaasahang susumpungin ako ng lagnat, kaya pasensya na talaga kung pinag-antay kita"

"Ano ka ba? Wala 'yon tsaka naiitindihan ko naman eh at hindi mo kailangan mag-sorry, mahalaga ngaun magaling" ani 'ko at ngumiti.

"Kahit na, dapat parin akong mag-sorry"

"Pero... Sigurado ka ba talagang maayos na ang pakiramdam mo?"

Ngumiti sya ng para bang ok lang. "Oo naman maayos na ang pakiramdam ko, kaya wala ka dapat ipag-alala. Tara?"

Nasa biyahe na kami ngayon ni Uhan, habang sya ang nagmamaneho.
Nakatingin lang ako sa may labas ng bintana ng sasakyan.

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ako makamove on sa mga sinabe sakin ni Kenzo kagabi. Pa'no ba naman kasi nakakapanibago sya.

"Yumi"

Bigla akong nagulantang ng tawagin ako ni Uhan. "Ayos ka lang ba? Para kasing ang layo ng Iniisip mo. Ano ba 'yon?"

"Ah... wala"

Hindi pa naman nagsisimula ang klase namin, kaya naisip ko sagutan muna itong assignment namin sa Math na nakalimutan kong sagutan.

"Hi, Yumi. Good morning!" bati ni Maggy na kakarating lang. Ngumiti naman ako.

"Good morning din!"

"Sya nga pala, bukas na yung tournament ng mga swimmers ah. Manonood ka?"

Ibig sabihin bukas na ang laban ni Kenzo.

"Ewan ko. Eh ikaw?"

"Oo naman. Nakahanda na nga yung banner ko para kay Kenzo eh"

May hawak akong mga papers na nakalagay sa folder na dadalhin ko sa faculty, pero habang naglalakad ako sa may corridor ay bigla akong  nagulat ng biglang lumabas si Kenzo sa faculty at dahil don ay agad akong tumalikod at dali-daling umalis.

Haishh!Bukas ko na nga lang ipasa 'to kay Prof. sabe ko sa isip.

7 o'clock na nang gabi at naisip kong puntahan si Kryzelle sa Cafe na pinagpapart-time job nya.

"Oh" sabay nilapag nya sa table ang mocha shake sa tapat ko at umupo.

"Bess"

"Hm?"

"Kung may first love ka posible bang magbago ang nararamdaman mo para sa kanya?"

"Syempre hindi, kaya nga first love eh dahil kung mahal mo talaga ang isang tao ay hinding-hindi mo sya ipagpapalit sa iba. Ba't mo naitanong?"

"Wala naman" huminga na lang ako ng malalim at saka humigop ng shake.

Ang sakit sa ulo isipin ng mga nangyayari, nakakapanibago. Ano bang trip nya sa buhay hayst, he's
so unpredictable. You're so unpredictable Kenzo.




Mathilda Pov

"Ano?!Nahihibang ka na ba? Ba't mo kailangan pang ipapatay ang anak ni Christine? Hindi ba puweding ibang paraan na lang ang gawin mong panakot sa kaarawan nya. Hindi yung biglaan na lang 'yan desisyon mo"

Hindi ko talaga inaasahang bigla-biglaan na lang ang desisyon ni Veron na ipapatay si Yumi. Ngayong nalalapit na ang kaarawan ni Christine. Aaminin kong masama ang ugali ko pero hindi ako ganong kasamang tao para magpapatay na lang basta ng tao. Iba na talaga ang pinagbago ni Veron hindi ko akalaing maslalo pa palang lala ang paghaba ng sungay nya.

"Hindi pa naman nya nakikita ang anak nya,kaya mabuti ng makita ni Christine ang anak nya sa huling hantungan" ani Veron at biglang natawa. "Hindi ba napakagandang regalo 'yon para sa kanya?"

Haishh!Nababaliw na talaga sya.

"Nasisiraan ka na nga talaga. Edi sana noon mo pa sya pinapatay. Hindi yung biglaan yang desisyon mo na kung kailan mo lang naisip at gustohing ipapatay sya!"

"Buo na ang desisyon ko" tumingin sya sakin. "Kung akala nya makakasama pa nya ang anak nya ay dun sya nagkakamali dahil malabo nang mangyari 'yon"

Hindi tama to...





3rd Person Pov

Nagsindi ng segarilyo ang isang lalaking nakaitim na jacket at nakasuot ng sumbrelong itim, pero biglang nahagip ng mga mata nya si Yumi na syang nakaagaw pansin sa kanya.

"Teka"

Agad nyang kinuha ang litrato sa bulsa ng jacket nya at nang tingnan nya ang litratong yon ay agad nyang ibinalik ang tingin kay Yumi.

"Tama sya nga" sabe nito sarili.

To be continued...

You're Still The One (COMPLETED) Where stories live. Discover now