seventeen.

211 13 3
                                    

xx revised xx


*Ashley's POV*


"AH! BAKIT BA KASI ANG HIRAP NG MATH?!" Frustrated kong sabi. Grabe naman tong si Mdm. Declan! Kung maka-bigay ng mahirap na assignment kala mo Einstein estudyante niya. Wala nalang akong nagawa kundi antukin at titigan ang notebook ko kung saan pinakopya sa amin ang assignment. I know I'm a nerd but that doesn't mean I'm good at every subjects. Anong akala niyo sa mga nerds? Genuises? 


Mind you. Andito ako ngayon sa canteen. Yes, kung saan nakatira yung pinakamamahal na leche flan ko. Free time ko kasi ngayon eh after Math and gusto ko tong tapusin para wala na akong gagawin sa bahay. I know, I know. Ang sipag-sipag ko pero kahit anong gawin ko di ko ata makukuhang tapusin to.


I just rested my head in the table. Suko na ako. Hirap math eh. Bakit pa ba kasi merong Math sa buhay natin? Di naman kasi natin magagamit Math panghabang-buhay, like may sari-sari store ba na ang presyo ng isang noodles ay 1x+3-5=24a+5? Wala naman diba?


Teka lang.


Nadidisturb ako.


May nagpopoke sa shoulders so eh.


I raised my head my head para makita kung sino yung nagpoke sa akin sa shoulders thrice. At BOOM, may nilalang na galing ata sa langit dahil sa kanyang inosenteng ngiti. Andito nga sa harap ko eh, kumakaway pa at umupo sa katapat sa upuan ko! Tapos parang slo-mo, yung tingin ng nilalang na ito sa akin binaling niya sa notebook ko. 


"HAHAHAHAHAHAHA HALA! HINDI KA PA TAPOS SA MATH ASSIGNMENT? ANG DALI-DALI LANG NIYAN EH! HAHAHAHAHA" At sa isang kislap, nawala yung taga-langit at ang pumalit ay isang demonyo. P-uta! May tawa pa siyang nakaka-asar. 


"If I know, mali yang mga sagot mo." sagot ko naman sa kanya. Sorry, wala akong pambara. Di kasi ako mambabarang eh de joke lang.... Okay.... Ang CORNY-ETO (See what I did there? ;D)


Shucks. Corny pa din. .______.


"Trust me, milady. Tama lahat sagot ko. Ako pa!" may-papogi sign pa siyang alam. May kinuha naman siya sa bag niya na Habagat at inilapag niya sa table. Ako naman tumingin-tingin sa paligid. Aba! Mahirap na kung meron yung fansclub ni Alex dito sa cafeteria. Siguradong aalis ako ng mabilis. Ayaw ko ng away. Tsaka baka masusuka ako sa mga fans niya, kadiri eh.


"Tignan mo no. 5 ko." nagmamagaling pa niyang sabi. 


"Hoy! Hindi naman ako mangongopya eh! Alisin mo nga kamay mo." Pano kasi, tinakpan niya kasi ibang numbers sa assignment except for no. 5 gamit ng kanyang mga mahahabang daliri sa right hand. 


"Better safe then too late." agad niya namang sabi. Itong lalaking to, minsan parang bata lang kung mag-isip. Aish.


"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko sa kanya habang sinusubok na tanggalin kamay niya sa notebook.

Ang Butler kong Bakla --Este-- Lalaki?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon