[ O N E ] v.21

51.5K 423 9
                                    

a/n: no proofread ahead! may contain grammatical error, spelling error etc., bear with me. :) 

Chapter One

"Anong ibig sabihin na hindi ako anak ni Mama at Papa?" parang tumigil tumibok ang puso ko sa narinig kong usapan ng mga kapatid ko. Natigilan naman sila at nanigas sa kinatatayuan.

Bata pa lang ako ay naramdaman ko na na para bang may kakaiba. Sa paningin ng ibang tao, sa paningin ng ibang kamag-anak naming at minsan sa tingin ng sarili kong mga magulang. Buong buhay ko ay ikinibit-balikat ko lang ang mga nararamdamang iyon dahil naniwala ako na isa lang iyong delusion. Isang bagay na gawa-gawa lang ng sarili kong pag-iisip kaya hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon.

Ngunit habang papunta sa kusina para kumuha ng tubig ay narinig ko na nagtataasan ng boses ang mga kapatid ko na si String at Lyric. Agad naman akong pumunta sa direksyon nila sa dining para pagsabihan sila pero iba yung narinig ko. Mga salitang kumukompirma ng hinala ko bata pa lang ako.

"String, Lyric. Tinatanong ko kayo. Sumagot kayo."

Nakita ko ang pamumutla ni String at napakagat ito ng bibig. Kaya napabaling ako kay Lyric na naka-tingin sa akin at nakataas ang kilay n apara bang nayayamot at naiinis.

"Lyric."

"Oo na! Totoo yung sinabi ko! Hindi ka nga anak nila Mama. Ampon ka kumbaga!" sigaw niya at parang sinampal ako ng mga usap-usapan na naririnig ko noong bata pa lang ako.

"Iyan na ba yung batang—"

"Shh! Yung bibig mo! Napakachismosa mo talaga!"

"Ate Lyric bakit mo naman—" narinig kong pagpipigil pa ng nakababata kong kapatid. Parang umikot ng mabilis ang mundo ko. Ang lakas din nang tibok ng puso ko na umaabot na sa puntong hindi ako makahinga.

"Ate Melody!" tumakbo papunta sa direksyon ko si String pero agad ko siyang sinenyasan na huwag.

"Ano ba ang sinasabi mo, Lyric? Hindi nakakatuwa iyan." Kalmang sabi ko kay Lyric. Hindi maaari. Ramdam ko ang pagmamahal ng mga magulang ko sa akin. Mahal na mahal nila ako. kaya hindi pwedeng ampon ako diba?

"Oh no. Drop that playing as if, Ate—" narinig ko ang panunuyang tawa ni Lyric at nginitian niya ako. "What I mean, Drop that playing as if Melody. I should call you Melody right? Total hindi naman kita totoong kapatid."

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Imbis na pagsabihan ko si Lyric dahil kung ano-ano ang walang kuwentang pinagsasabi niya pero bakit nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko? Kalungkutan ng katotohanan.

"Diba? Ampon. Adopted! Adopte—" hindi na natapos ang panunuya niya nang huli ko nang mapansin na tumaas na ang kamay ko at dumapo na eto sa kanang pisngi ni Lyric.

Tatlo kami ay nagulat sa nakaya kong gawin kay Lyric. Napahawak si Lyric sa pisngi niya at nanlaki ang mga mata. "Kung ayaw mong maniwala puwes itanong mo kay mama! Sinasabi ko lang kung ano ang totoo!"

Agad niya akong tinalikuran at padabog na umakyat. Naiwan kami ni String na kasalukyan nakatingin sa akin at tumutulo ang luha. Bakit naiiyak si String?

"I'm sorry Ate." Aniya at lumapit sa akin para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

Bakit ganito? Hindi ko pa man nakakausap si Mama bakit parang alam ko na ang kahihinatnan?

Sinagot ko lang ng mahigpit na yakap si String. Kahit kalian ay hindi ko naramdaman na hindi ako minahal sa pamilyang eto.

Bakit ganito? Bakit alam ko na ang sagot?

Nilapagan ko ng isang magaang halik sa noo si String at lumayo na ako sa kanya. "Akyat ka muna ng kwarto mo, String. Tahan na. Kakausapin ko pa si Mama."

Nerd's Bedmate (SPG) REVISED 2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon