:54

1.7K 117 15
                                    

K H A L I L

"Kung wala ka talagang balak hiwalayan ang anak ko.Pwes siya ang ilalayo ko sayo."Mariing sabi niya.

"May magagawa pa ba,yang pag mamahal na sinasabi mo kapag ipakasal ko na siya sa iba?"ang giit niya.

"Kahit ilayo niyo pa siya.Hahanapin ko siya kung saan man.Ipaglalaban ko ang para sa amin.Mahal na mahal ko po ang anak niyo."nagsimula ng tumakas ang mga luha ko.

"Paano kung dumating ang araw na hindi niya na maramdaman ang nararamdaman niyang pag ibig niya ngayon sayo?paano kung mag sawa sayo ang anak ko iho.At hilingin niya sayo na palayain siya.Magagawa mo ba?"

Ganito ang mga nasa saisip ko noon.Paano nga kung panandalian lamang ang lahat?

"Mahal na mahal ko siya.Kaya kahit ang palayain siya.Gagawin ko kahit po masakit ng sobra."

Ganoon naman ang nagmamahal.Nararapat lang na palayain mo ang tao.Lalo na kung hindi na kayo masaya sa isa't isa.

"Pero gagawin ko po ang lahat huwag lang mangyari ang sandaling iyon.Hindi ko siya ganoon kadali isusuko."

Sa pagkakataong iyon lumapit ako sa kanya at lumuhod.

"Hindi niyo man tanggap kung anong klaseng pagmamahalan ang mayroon kami ngayon.Sana matanggap niyo po na masaya siya sa taong mahal niya.At minamahal siya ng lubos."pagsusumamo ko.

Halos hindi ko batid kung may kakahantungan bang maganda ang ipinaglalaban ko.Pero kung ano man kalalabasan.Tanggap man o hindi ang importante nagawa kong masabi sa kaniya kung gaano kahalaga ang anak niya sa akin.

"Ma naman!pinahirapan mo pa si khalil!"

Natulos ako sa kinaluluhuran ko ng marinig ang boses ni kleir.

"Manahimik ka diyan!Paano ko malalaman kung worth it talaga ang taong pinaglalaban mo sa amin ng papa mo?!"

Halos mag-hang ang utak ko sa nag uusap.

"Sabi mo kakausapin mo lang ng maayos.Eh ano tong nakikita ko.Pinaluhod mo pa talaga."hindi pa rin ako makapagsalita.Kahit na inakay na ako ni kleir patayo.

"Hindi ko nga ito pinapakagat sa lamok,ni padapuan ng langaw.Kawawa naman ang babe ko."habang hinihimas ang braso ko.

"Tsk,pinaiyak pa!"dagdag pa ng mapatingin siya sa mata ko.

"Tigil tigilan mo ako sa kakesohan mo sa nobyo kleir!Pinauwi mo ako dito galing madrid para lang mauwi sa wala ang gustong mangyari."sita ng mama niya.

"Anong kagulahan ang ganap?"Napatingin naman ako sa kadarating lamang.Si mama?anong ginagawa niya rito?

"Balae!mabuti at nakarating ka."Naglapit ang mama ni kleir at si mama.Nagbeso beso pati.

Halos hindi ko na malaman ang kaganapang nangyayari.

Biglang pasok din ang papa ni kleir kasunod ng dalawa kong kapatid.

"Kleir,bakit nandito sila?"ang tanong ko ng makabawi.

Napukaw naman kami ng biglang magtatalon si klei palabas ng kusina.

"Daddy!daddy!isuot mo na ito kay papa!"sabay abot ni klei sa hawak hawak niyang kahon.

"Eto na po kulit."humarap sa akin si kleir.

Bumuntung hinga bago siya unti unting lumuhod sa harap ko.

Hindi maputol ang tinginan naming dalawa ng mga oras na iyon.

"Naaalala mo ba yung una tayong nagkakilala?hindi pa kita ganoon kakilala.Pero nang sandaling iyon,naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko.Kaiba sa normal na tibok nito."hawak niya ang kamay ko at ramdam ko ang panlalamig ng palad niya.

Nagsimula naman kumalabo ang mata ko.

"Day after day,gumagawa ako ng paraan para lang makasama ka.Nung una naaaliw lang ako sayo pero unti unting nahuhulog na ang loob ko sayo.Gulong gulo man ay handa akong sumugal ng sandaling iyon.Pero bigla kang nawala.Kaya ginawa ko ang lahat makita ka ulit.Worth it naman.Tama nga ang sinabi mo noon.Kapag ginusto mo talaga,mangyayari at mangyayari ang mga bagay na hinahangad mo.Mahal kita kahapon ngunit mas mahal kita ngayon.Kahit na yung sinasabi ni mama?hindi mangyayari yun.I promised to god na mamahalin kita habang buhay."

Binuksan nito ang may kaliitang kahon.Bumungad sa akin ang nakapaloob na singsing nito.

"Will you be my partner for the rest of my life.My other half.Khalil Bustamante."

Halos halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Hindi ko alam kung nananaginip lang ako.

Pero hindi.Dahil nararamdaman ko ang saya sa mga oras na ito.

"Y-yes.."

Sabay sabay naghiyawan ang mga kasama namin ng isuot na sa akin ni kleir ang singsing.

Mabilis niyang inabot ang aking labi.Hindi ko masukat ang sayang nararamdaman ko.

-------

"Pasensya ka na iho sa mga sinabi ko.Kahit ako nauuyam ako sa mga pinagsasabi ko.Sorry talaga."sinserong sabi ni mama felis.

Mama na raw itawag ko sa kaniya dahil magiging manugang niya na rin naman din daw ako.

"Ayos lang naman po.Saka naiintindihan ko po kayo."paliwanag ko.

Nagkakasiyahan sila ngayon,habang ang papa naman ni kleir ay umalis na dahil sa may therapy session pa siya.

Halos alam na pala ng magulang niya ang kaganapan sa amin ni kleir.Hiyang hiya nga ako sa papa niya dahil sa lagi naman kaming nagkakasalubong sa kumpanya subalit hiyang hiya akong mabati siya.

Mabait pala talaga ito sa personal at gaya ni klier ay palabiro.

"Naku,agad agad akong sinabihan ni kleir na desidido ka na niyang pakasalan.Pinayuhan ko siyang pag isipang mabuti ang pagdedesisyon niya.Ayoko naman na sa huli ay pawang nabibigla lamang siya.Subalit talagang gustong gusto niya na mapakasalan ka.

Wala akong masabi sa kagustuhan niya sa buhay.Lahat ng naisin niya,gagawin at gagawin niya makuha lang yon.Nakakabilib kasi kahit hindi ko nasubay bayan ang paglaki niya.Nagsikap naman siya para sa sarili niya.Nakahanap siya ng taong kagaya mo.Tama ang lahat ng narinig ko sayo kanina.Hindi na importante ang kung anong iisipin o pang mamata ng ibang tao.

Ang mahalaga mahal niyo ang isa't isa.Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.Nandito kaming pamilya niyo para suportahan kayo."

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin matapos magkwento.

A/N:Sorry sa mga harsh word..Love yah!

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now