MWT - 19

8.3K 189 3
                                    

19

Aria pov

Nagising ako ng maaga pakiramdam ko kasi masakit ang tiyan ko. Oo nga pala hindi ako kumain kagabi. Bumangun ako sa kama hinanap ko ang tsinelas ko pagkatapos pumunta na ako sa banyo. Pagkalabas ko may nakita akong isang piraso ng red rose parang bagong pitas nakalagay sa mesa. Lumabas na ako sa kwarto.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko inasahan malaki pala ang bahay dinalhan niya sakin.

"Ma'am magandang umaga"  may lumapit sa akin nasa 40's ang edad niya.

"Magandang umaga din ho" saka ngumiti ako sa kanya.

"Ah ma'am kain na kayo ng almusal para hindi kayo magutom sa byahe niyo" kunot noo ko tiningnan ang babae.

"Ang sabi kasi ni Senyorito na kung magising kana at umuwi sabihin mo lang daw kasi kanina pa nakahanda ang sasakyan para mahatid ka sa terminal."  Saka pinagpatuloy niya ang paglinis.

"Ho? Sandali lang ho?" Saka tumingin siya sa akin.

"Teka saan ba si Zac bakit hindi ko siya nakita"?  Tanung ko sa kanya.

"Nasa kabilang bayan si Senyorito. Baka bukas pa siya darating"  ningitian ko si Manang.

"Pakisabi nalang ho sa driver hindi ako aalis, sige ho pasok muna ako sa kwarto ko." Saka umakyat ako sa taas.









Zac pov

"What"?  Napatayo ako sa tumawag skin sa phone.

"Okay.okay uuwi na ako"  anu naman ba nakain niya? Sakit talaga sa ulo siya kahit kailan. Malakas pa ang ulan...kaya binilisan ko ang pagpamaneho. Mabuti pagkarating ko sa malaking bahay humina ang ulan kaya lang pumalit ang malakas na hangin. Napahinto ako. Bakit ba ako umuwi? Kung hindi siya kakain problema niya na total malaki na siya.

Bakit ko pa kailangan pilitin siya kung ayaw niya?.?

Pumasok na ako sa bahay. "Senyorito mabuti dumating ka na" tiningnan ko si Manang.

"Manang kung hindi siya kakain wag mo ng pilitin"  saka iniwan ko si manang umakyat na ako sa taas.

"Kanina paggising niya masama yung pakiramdam niya. Ni ayaw niya kumain kahit uminom man lang ng tubig. Senyorito kung mahal mo talaga siya aalagaan mo siya" napahinto ako sa sinabi ni manang.

  "Kaya nga manang eh, di ba pinauwi ko na siya kanina. Eh bakit hindi siya umuwi"? Pumasok ako diretso sa kwarto ko... Tang ina bakit ganito pa mangyayari. Tumayo ako at pinuntahan siya sa kwarto niya.

Binuksan ko ang kwarto niya. Nakita ko siya nakataligilid lang. "Bakit hindi ka umalis"?  Umupo ako sa gilid niya.  Hindi niya ako sinagut kaya nilingun ko siya nakatagilid parin. "Di ba gusto mo ng umuwi? Bakit hindi ka umalis? Pinahanda ko na ang kotse kanina"? Hindi niya parin ako kinausap.

Dinampi ko ang kamay ko sa noo niya. Wala naman siyang lagnat. "Lynin kinausap kita"

"Wala tayong patutunguhan sa pag uusap natin kung ganyan ka." 

"Dahil ang sakit hindi mawala Zac, kaylan mo ba ako palayain? Tapos na tayo pinirmahan ko na ang annulment papers anu pa ba gusto mo"?  Tanung niya.

"I'm sorry Ly, dahil sakin naging bato ka. Sorry, bukas ipahatid kita sa manila"  saka iniwan ko siya at lumabas sa kwarto.

"Manang, magluto ka ng lugaw" utos ko kay manang agad naman niya ginawa. Pagkatapos bumalik ako sa kwarto niya dala ang lugaw pinagawa ko.

"Kumain kana, nagpaluto ako ng lugaw kay manang" hindi parin siya kumibo.

"Lynin anu ba? Gusto mo ba magpakamatay? Buong araw wala kang kain pati nung last night kaya please!!" Nilingun niya ako ng walang salita. Shit yung luha niya kahit wala siyang salita.

"Please wag ka ng umiyak. Promise papalayain na kita bukas kain kana, ako na maghahatid sayo sa terminal" sagut ko sa kanya saka pinahid ko ang luha niya.

"Sorry kung nasasaktan kita. Sorry sa lahat. Sige kung yan gusto mo ipahatid kita sa terminal or ako nalang mismo hahatid sayo sa terminal. Putcha. Ayoko ng ganito eh. Kaya lang masyado na siyang nasasaktan ng subra sa mga pinagawa ko.



































Aria pov


Lumabas ako pagkatapos kumain sa hinatid niyang lugaw para ihatid ko sa kusina ang pinggan ng nakita ko sila nag usap ni Manang. Huminto ako.

"Susko ka nalang ba"? Tanung ni manang sa kanya.

"Anu pa ba asahan ko manang? Galit siya sa akin? At ako ang nagbigay sa kanya ng ganung nararamdaman"   anung ibig niyang sabihin nun?



Bumalik na ako sa kwarto ko para magpahinga. Maya maya bumukas ang pinto at pumasok siya. Umupo sa gilid ko. O humiga? Hindi ko kasi nilingun siya.

"Alam ko nasasaktan ka Ly, alam ko nasasaktan kita sa ginawa ko pero wala na akong ibang makita kung hindi ito nalang ang paraan ko. Sana mapatawad mo ko sa lahat ng nagawa ko sayo. Na ikaw ang sinisisi ko sa pagkahiwalay namin ni Mitch. Sorry kung sa panahon na kaylangan mo ng kausap o karamay wala ako sa tabi mo."  Iwan ko Zac. Iwan ko.

Kinabukasan nagising ako. Dumiretso na ako bumangun at naghilamos pagkabalik ko galing sa banyo may isang piraso naman ng red rose. Bumukas ang pinto dito sa kwarto at nilabas siya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Pwede mamaya ka nalang umuwi.? Anu kasi maganda ang panahon ngayun sa pangangabayo. Kung okay lang sayo pwede ba kita isama kahit saglit lang? Kung hi-hindi okay lang" nakatingin ako sa mga mata niya. Ngayun ko lang nakita ulit kung gaano kagwapo ang mukha niya. Hinila niya ako palabas sa kwarto at sa bahay papunta sa kwadra ng kabayo kahit hindi pa ako pumayag.

Pinauna niya akong pinasakay tas sumunod siya sumakay sa likod ko. Nasa unahan niya ako kaya sa paghawak niya sa renda ng kabayo mas lalo nagkalapit ang balat namin na hindi ko inasahan.

Dumaan kami sa ilalim ng mga puno ng kahoy at mga mangga. "Okay ka lang? Hindi ka ba nahirapan"? Hindi parin ako kumibo sa tanung niya.  Nararamdaman ko ang pintig ng puso niya dahil nasa harapan niya ako at nakasandal sa dibdib niya. "Hawak ka lang Ly pabilisan natin ang kabayo para mabilis tayo dumating" bigla niyang sabi. Ang bilis ng puso niya parang kinabahan siya. Nararamdaman ko ang hininga niya sa gilid ko dahil sa ibabaw ng balikat ko nilagay niya ang ulo niya.

May nakita kami isang maliit na malinis na ilog. "Wait lang Ly painom muna natin si Silver." Dagdag niya.

Parang naawa ako sa kanya. Sa ginawa ko parang masama na ako hindi ko na siya kinausap. Hinawakan niya ang kamay ko. 

"Sa pag uwi mo sa manila. Mag iingat ka sa sarili mo at makaasa ka ito na ang huling pagkikita natin"  huling pagkikita?

"Sana maging masaya kayo ni Jad." Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkahawak sakin.

Dumating kami sa isang palayan na malaki. Bumaba siya, bumaba na rin ako. Kinausap niya ang mga tauhan. Tumulong narin siya sa ibang naghaharvest ng mga gulay. Kaya gabi na kami nakarating sa bahay.

"Ly sorry dahil sa ginawa ko hindi kana nakauwi, akyat kana sa taas ako na maghahatid sayo bukas."  Pagkaakyat ko sa taas naligo na agad ako. Pagkalabas ko sa banyo nasa kama siya naka upo.

Tiningnan ko lang siya. "I'm sorry Ly" sabi niya.ng makalapit ako  sa kanya.. para matulog na.

Bigla akong nagulat sa ginawa niya. Siniil niya ako ng isang halik. Nakabukas ang mata ko habang hinalikan niya ang labi ko. Maya maya hinubad niya yung shirt niya.

"Anung gagawin mo"? Tanung ko sa kanya.

Siniil niya ulit ako ng halik. Isang halik puno ng uhaw? Gusto ko manglaban. Gusto ko magalit? Pero paano kung ang katawan ko kusa ng bumigay?. Wala akong nagawa kung hindi umiyak pinabayaan ko nalang ang luha ko lumabas sa mga mata ko.

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Where stories live. Discover now