MWT 33

5.8K 176 6
                                    

33

Aria pov

"Yan lang ba sasabihin mo sakin"? nasa ibang direction ako nakatingin.

"Kung yan lang sasabihin mo sakin? Okay" dagdag ko.

"Galit ka ba sakin? Kung anung nagawa ko sayo sorry" sagut niya.

"Anu bang totoo na gusto mong sabihin sakin Zac? Pwede diretsahin mo na ako"?  Medyo napapagud na rin ako sa kahihintay ng explanation niya pero wala.

Isa pa kaylangan ko pa ba siyang tanungin sa explanation? Di ba pagmahal mo ang isang tao at totoo mo siyang minahal ikaw na dapat mag umpisa sa pag explain kung bakit? Madami ng nangyayari samin, nawala na si mommy, umuwi na si Kuya si Cyrus pero ito siya palagi lang sinasabi na mahal niya ako. Hindi ko naman alam ang totoo kung totoo ba sinasabi niya sakin.

Nasaktan na niya ako at hanggang ngayun andito parin ang sakit binitiwan niya sakin.

"Mukhang complete family na kayo at masaya ka na dahil may anak na kayo ni Mitch, i'm happy for you" tahimik parin siya.

"Nagseselos ka ba kay Mitch Ly"?  Palihim ko siya nilingun na tahimik pala siya nakatingin sakin.

"Ako nagseselos? Bakit naman ako magseselos kay Mitch? Sino ba ako para sayo? Para magselos kay Mitch?"  Tanung ko sa kanya.

"Hindi mo nasagut ang tanung ko natahimik ka"? Medyo nasaktan ako sa reaksiyon niya.

"Anu kasi Ly"? Kunot noo ko siya tiningnan. Pinisil ko ang ilong niya.

"It's okay Zac. Hindi mo kailangan sagutin ang tanung ko. Sa simula pa lang alam ko na  ang sagut" umiwas ako  ng tingin sa kanya. 

"I'm sorry"   sagut niya.

"Alam mo Zac, hindi ko alam kung bakit palagi mo sinasabi sakin na mahal mo ako.? Kung para saan ang yan ang pagmamahal na sinabi mo. Kung hindi ka nakasiguro na mahal mo ako or kung anu ako sayo mas mabuti pa siguro itigil na natin to'. Sa pamilya mo nalang ikaw, alagaan mo sila at ang anak mo." Sagut ko sa kanya.

"Madami ng nangyayari Zac sa buhay ko, ayaw ko na madagdag pa."  Dagdag ko. Lumapit siya sakin at niyakap niya ako mula sa likod.saka hinalikan ang buhok ko.

"I'm sorry Ly." Bumitaw siya at umupo sa gilid ko. Hinawakan ang kamay ko.

"Ang gusto ko lang naman Ly, magsimula tayo muli sa umpisa alam ko malaki ang kasalanan ko sayo" sagut niya. 

"Wag na, may asawa ka na at anak ayoko makasira ng pamilya. Ayoko maulit pa yun dati ako nakasira sa relasyon nila kung bakit hindi natutuloy ang kasal nila. Kaya ayoko na maulit yun." Yumuko siya.

"I'm sorry Ly" tipid niyang sagut.

"Ang sorry hindi natatanggal ang sakit Zac, alam mo yun?" Bigla nagring ang phone niya kinuha niya at agad niya itong sinagut.

"Hello" sagut niya sa kabilang linya.

"Zac it's me Mitch, may sasabihin ako sayo importanti. Ibang number ginamit ko dahil nalowbat ang phone ko. Tumawag ako para ipaalam sayo na pakisabi kay Lynin hindi siya pwede  lumabas ng bahay kahit saan o itago niyo siya"   tiningnan ko si Zac nanlaki ang mata niya.

"Paano mo nalaman"? Tanung ni Zac sa kabilang linya.

"Tumawag si Frank sakin. My cousin at sinabi niya may naghire daw isa sa mga tauhan niya. Meron daw ipapatay yung tao. I guess si Dona nag utos nun."  Kunot noo ko tiningnan si Zac. Pagkatapos sa pag uusap nila binaba ni Zac ang phone niya.

Maya maya nagring ulit. Pinakita ni Zac sakin at number lang nakalagay sa screen. "Sagutin mo baka importante yan" sabi ko sa kanya.

"Hello" sagut niya.

"Hi Sweetheart, remember me"? Kumunot ang noo ni Zac tumingin sakin.

"Do i know you"? Tanung ni Zac sa kabilang linya.

"It's me. Hey nakalimutan mo na ako? Miss you " pinakita sakin ni Zac ang number sa tumawag sa kanya. At binigay niya ang phone sakin.

Pinakinggan ko ang boses niya sa kabilang linya.

"Hey andiyan ka pa? Sweetheart?" Nagulat ako sa boses narinig ko mula sa phone niya ni Zac.

"Kilala mo"? Binalik ko sa kanya ang phone.

"Si ate Dona ang tumawag sayo" sagut ko sa kanya.

"What? Pero paano niya nalalaman ang number ko"? Kibit balikat lang sagut ko sa kanya.

"Pero bakit ganun ang panalita niya"? Tumayo ako sa bench saka naglakad lakad.

"Matagal ka niyang gusto Zac," sagut ko sa kanya.

Binuksan niya ang kotse niya pumasok narin ako. "Uuwi ka pa ba?medyo malayo pa byahe mo?" Tanung ko sa kanya habang nasa kami.

"Hindi na," sagut niya.

"Saan ang punta natin hindi ito sa bahay?" Bigla kasi lumiko siya sa isang daan.

"Secreat malalaman mo pagdumating na tayo don't worry ibabalik din kita. Tsaka pinaalam na kita kanina kay Carol. "   sagut niya.

"Yung sinabi mo kanina na gusto ako ni ate Dona mo kailan pa"? Tanung niya.

"Matagal na, since nung kinasal tayo. Nalalaman ko" sagut ko sa kanya.

Hininto niya ang kotse sa isang bahay hindi masyado gaano kalaki. "Kanino itong bahay"? Sabay bukas ko sa pinto sa kotse at lumabas kami ng sabay.

"Sakin." Sagut niya.

Sumunod ako sa kanya papasok sa bahay. Binuksan niya ang pinto.

"Ah Zac uwi na ako, sasakay nalang ako ng tricycle meron pa naman dito nagbyabyahe. Sige" aakmang lalabas na ako ng bahay niya ng hinablot niya ang kamay ko.

"Please stay kahit minutes lang ihatid naman kita" diretso niya akong tiningnan sa mata.

"Mas mabuti dito tayo sa bahay para safe, " sabi niya saka sinara ang pinto.

Kahit anung iwas ko sa kanya. Hindi ko magagawa dahil kusa  na mismo ang katawan ko gumawa ng paraan. Kaya kahit umiwas ako hindi ko magagawa lalo na kong malapit siya sakin. Pero hanggang saan ako magkaganito sa kanya? Kung magkikita kami hanggang ngayun explanation niya parin hinintay ko.

Hintayin ko pa ba? O ako nalang gagawa ng paraan? Isa pa masaya na siya ngayun. Bakit pa ako sumama sa kanya.? Si Mitch ang totoong minahal niya hindi ako at yan ang totoo kahit hindi niya aminin. Hindi pwede palaging ganito ang sitwasyon ko masyado ng nasaksak ang puso ko kahit alam ko wala akong karapatan ito umaasa parin ako. Bukas tama bukas gagawa ako ng paraan at isa lang ang magawa ko.




















A// N: leave your comment and vote.

Goodnight!!  

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Where stories live. Discover now