XL 9

7K 200 8
                                    

XL 9

"Saglit..."

Nagmadali akong kumuha ng tubig. May mga tumapon pang patak sa kamamadali kong maibigay sa kaniya yung baso.

"Umupo ka nga..." Sabi ko. Nang makaupo siya ay ibinigay ko ang baso sa kaniya. "Dahan dahan..."

I watched him as he chugged the contents in one go.

"Okay na?" Tanong ko. "Napano ka? Bakit ang putla mo?"

"Wala 'to," sagot niya. "May load ka ba? Pakitawagan naman si Sven. Kuhanin mo yung number niya dito sa phone ko. Pasundo mo ako sa kaniya."

"Pasundo? Bakit? Hindi ka ba makakalakad? Oh my god, are you really sick?"

"Why would I lie about being sick?" Aniya. "Tawagan mo nalang siya. I have to go by car kasi baka may makakita sa akin diyan. Ang lapit lang ng school dito."

Magtatanong pa sana ako kung ano naman kung may makakita sa kaniya...pero naisip kong marami pa rin pala ang nakakakilala sa kaniya at hindi malayong maging laman siya ng chismis kapag may nakakita sa kaniya sa ganitong kondisyon.

At isa pa, dito siya galing sa amin! Oh my goodness! Hindi nga naman makakabuti para sa akin iyon! Madadamay ako sa chismis!

"Okay, wait." Sabi ko at saka kinuha ang phone ko. Pagbalik ko, inabot niya ang phone niya at kinopya ko ang number ni Sven at tinawagan.

After a few rings, sinagot rin niya.

"Who's this?"

I cleared my throat. "Si Denzel 'to. I don't know if you recognize me but...nagpapasundo si Treble sa'yo. Nandito siya sa amin..."

"What? What the fuck happened? Nagsuka ba? Ang tigas kasi ng ulo! Sabing wag na munang alis ng alis!"

"Hindi naman siya nagsuka—"

"Mabuti naman! Sasalinan na naman siya ng dugo kung sakali! Saan ba yang sa inyo? Send me the address."

"Okay sige, i-sesend ko na ngayon."

Taragis. Ganoon ba ka-lala yung sakit niya? Hindi talaga ito ploy o drama lang?

Pinatay ko yung call at sinend kay Sven yung address namin.

Pagkatapos ay tinignan ko si Treble. Nakapikit siya at maputla pa rin...

"Why are you staring at me?" Tanong niya.

"I'm not."

"Wala akong extrang mata pero ramdam ko yung tingin mo sakin." Aniya, nakapikit pa rin. "I don't want to see that look. Ayaw kong kaawaan mo 'ko. I don't want you to soften up just because you saw me like this. Hindi ko sinabi yun sayo para kaawaan mo 'ko."

"So para saan pala?"

"Para pakinggan mo 'ko. Sobrang sarado mo kasi sa kahit anong sabihin ko. Tinataboy mo ako palagi. Nakasarado yung isip at puso mo at tanging sitwasyon mo lang yung nakikita mo. I didn't want to tell you about my condition as early as this but you should at least recognize that it's not just about you. Hindi lang feelings mo ang nag-eexist; meron din ako niyan. At nasasaktan din naman ako."

Wag mo akong dramahan! Mali ka naman talaga umpisa pa lang!

"Ang dami mong sinabi." Kumento ko. "Saka ko nalang sasagutin ang lahat ng 'yan kapag mas maayos na 'yung itsura mo. You look like shit."

Tumawa siya ng marahan, lumingon sa direksyon ko, at dumilat na para magkasalubong ang aming mga tingin.

"That means I get to see you again, right?"

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon