XL 12

6.9K 198 10
                                    


XL 12

Monday. Ang pangit ng mga mata ko dahil literal na hindi ako nakatulog.

I had so many things on my mind, the heaviest one being Papa's overnight duty for his boss. Hindi ko mapigilang mag-isip ng negatibo. Talent ko kasi talaga ang pag-ooverthink kaya naman hitik ako sa eyebags ngayon.

"Umiyak ka ba kagabi?" Tanong ni Rolan sa akin. Konti pa lang kami sa room at maging si Marie ay hindi pa dumarating.

"Hindi," sagot ko. "Hindi lang ako nakatulog kasi nag-aalala ako sa Papa ko. Mas okay pa nga sana kung umiyak nalang ako eh. Baka sakaling inantok pa ako."

Pagdating kay Rolan, hindi ko mapigilang maging honest. Genuine rin kasi siyang tao, at sa totoo lang masarap sa pakiramdam kapag may nasasabihan ka ng mga ganap sa buhay.

"Bakit? Napano ba?"

"Hindi kasi siya nakauwi kagabi kasi sinama ng boss niya sa business-related trip." Sagot ko.

"Tinawagan mo ba?"

"Oo. Nakausap ko naman siya pero hindi talaga ako kumportable kapag alam kong wala siya sa bahay. Matanda na Papa ko, Lan. Sinusulit ko na bawat segundong kasama ko siya."

"Sana all noh?" Aniya at saka kami nagtawanan. Uso pala sa kaniya 'yung mga internet slang na ganiyan.

"Sayo na pala 'tong discount card ko sa Karaoke Hub!" Inabot niya sa akin iyon. "Hindi ko naman kasi magagamit."

"Hindi ko rin 'yan magagamit," sabi ko habang nakatitig sa card. "Hindi naman ako mahilig kumanta."

"Sige na. Baka magamit mo rin in the future."

"Baka naman expired na 'to pagdating ng araw na 'yun."

"Hindi," aniya. "Walang expiration date 'yan. Hangga't operational pa 'yung business nila ay pwede mong gamitin 'yan."

"Ayun naman pala. Bakit mo binibigay sa akin?"

"Meron pa kasi akong tatlo sa bahay." Sagot niya. "Sige na. Kunin mo na."

"Sige na nga. Salamat ah." Tinanggap ko iyon. "Ano pa bang coupons meron ka? Wala bang anything na related sa Buffalo Wings, ganon? Nagki-crave kasi ako."

Nagkwentuhan lang kami ni Rolan hanggang sa dumating 'yong prof. Nagcheck na ito ng attendance pero hindi na talaga nakahabol si Marie. Sinara na rin 'yung pinto, na siyang striktong patakaran ni Sir para hindi na makapasok pa ang mga latecomers.

"Alam mo ba 'yung pinag-uusapan ngayon? Buntis daw si Marie kaya hindi pumapasok." Bulong ni Rolan habang kinokopya 'yung mga lecture sa pisara.

Ano'ng buntis eh nagkita palang kami kahapon at payat pa rin naman siya.

"Ang chismoso mo na ah." I remarked and we both giggled softly.

"Tapos 'yung mga kaibigan niya parang tinatalikuran na siya." He added.

"Bakit naman?"

"Hindi ba ganoon naman 'yung mga pekeng kaibigan? Iniiwan ka kapag panahon ng kagipitan?"

On point! Kaya hindi ako nakasagot agad dahil sobrang bigat nung sinabi niya. I saw how those girls even wore matching off-shoulder outfits just to fit in and have the right to be Marie's friends. Animo'y mga aso sila na sunod ng sunod sa amo, tapos ngayon ay magmamalinis sila at iiwanan si Marie sa ere? Talaga namang hindi lang si Treble ang two-faced sa mundo...

Ugh! Him again! I'm trying my best not to think about him!

"Then they don't deserve to be tagged as friends. Parasites, pwede pa." Sabi ko. Rolan and I exchanged smiles and then focused on what we were writing.

My Extra Large Girl [Completed]Where stories live. Discover now