CHAPTER 44: Planning to pull us apart

375 13 2
                                    


"SOMEONE'S POV*

Malapit ka nang maging akin!
You will be mine! and only mine zion. At di ko hahayaang may maging hadlang sa plano ko. Wala kahit yang Ivy na yan.

"Dont worry my dear cousin, ivy will never be a problem to your plan, our plan. Zion is your's and ivy will be mine. No one can be an impediment to our plan, NO ONE. They will be ours soon. Magiging akin rin ang babaeng yun.

_________

Haist! Akin na kasi yang cellphone ko zion! kahapon mo pa di yan binigay sa akin.

Naglalakad kami ngayon papuntang school At inis na inis kay  zion, sabi nya kasi pagbinigay ko yung bag ko sa kanya ilalagay nya yung cellphone ko doon. Pero wala, inaasar lang ako, sya na kasi ang nagdala eh at di naman nya talaga nilagay yung cp ko doon!. Sumabay kasi siya sa akin maglakad.

"Sa school ko nalang ibibigay sayo."

"haist! Akin na ngalang yang bag ko ako na magdadala."

"hmm! Cute mo talaga pag naiinis."

"Argh ano ba, wag mo ngang guluhin buhok ko."
inalis ko yung kamay nya sa ulo ko.

Pagpasuk namin sa university.
"Oh yan!

May hinigut sya mula sa bulsa nya at Ibinigay na nga nya yung cellphone pero.
'Tika di naman to yung cellphone ko ha!"

"Pwes sayo na ngayon yan!"

"Hay nako!.. posteng halimaw ka talaga. Akin na bag ko.
Inilahad ko yung right hand ko para hingin na yung bag.

"Hahatid na kita sa room mo!"
Di na ako umangal dahil alam ko namang di ako mananalo sa pakikipagtalo sa kanya.
"BY the way bago narin sim card mo dyan."

"Hoy anong ginawa mo?  Marami yung mga contacts ko doon.

"Dont worry yung number ko, kay titananay, kay lolo't lola mo at yung mga kaibigan mong babae naka phonebook na yung mga number namin dyan. At sinabihan ko narin mga kaibigan mo sa probinsya nyo na wag na nilang ipamigay yung number mo sa kung sino-sino dahil may fience kana at akin kalang.

WHAT? ARGH! KAASAR KA! BAKIT MO SINABI YUN SA KANILA BAKA MANIWALA YUN SAYO!

"HaYaan mo silang maniwala, eh sa totoo namang magiging akin karin!"

"Hay nako! Ewan ko sayo."
Pagalit kung sabi sa kanya at Binilisan kung maglakad para mauna ako sa kanya pero hinabol lang din nya ako.
Habang naglalakad kami sa may hallway papunta sa room ko. Yung mga studyante napapasin kong pinagtitinginan kami and they start gasping.

"Hala! Girls sila na ba."

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya.
"Hoy zion akin na nga yang bag ko, malapit nanaman yung room ko."

"Tigas talaga nang ulo mo, ihahatid nga kita diba."

Walang ulong di matigas at tsaka Hoy zion di mo ba napapansin?

"Huh! Ang alin?"

Nag sign ako na lumapit sya gamit yung kamay ko.

"Bakit?"

"Basta, lumapit kapa!

"Hoy hahalikan mo ako ano? Aray!
Binatukan ko kasi sya.

"WAG kang ano dyan, may ibubulong lang ako sayo."

"Ay sayang naman. Ano ba kasi yang ibubulong mo sa akin?"

"Basta!"
Malapit nanga siya sa akin saktong maririnig niya yung ibubulong ko.
"Di mo ba napapansin na pinagchichismisan na tayo ng mga studyante kaya wagka nang tumuloy sa room."

I'M INLOVE WITH A PILLAR MONSTERWhere stories live. Discover now