Chapter 5: The Game Begins

9 0 0
                                    


Bianca's POV:

"Grabe naman tong nangyayari samin ngayon. Imagine, two of our classmates were dead and the killer is just messing around trying to kill us one by one. Hind ko alam kong sino nga ba siya. Maaaring matalik ko siyang kaibigan, maaari namang hindi. Yun yung mahirap! Kung isa siya saamin!!! Actually, pinagdududahan ko sina Kenly, Martin, Mikael and yung Shaira. My deduction goes like this:

Una kong pinaghihinalaan si Kenly...bakit? Kasi nga siya yung unang nakakita sa bangkay ni Janna that time. Pwede niyang patayin si Janna at that moment then pinalabas nalang niyang nakita niya ang bangkay ni Janna. Kung pagbabasehan natin ang room division, magkasama sa iisang kwarto sina Shaira, Janna, Kenly and kuya Abel. Pwede ko ring isama si Kuya Abel sa mga primary suspects pero hindi niya magagawang patayin at sunugin si Hazel considering the fact na close sila and nandoon siya sa loob ng Retreat House nung nasunog ang katawan ni Hazel. Kung lumabas man that night si Janna, sina Kenly ang unang makakaalam nito and they are the one who have enough time to kill her. Second in my list is Martin. Possibleng siya ang pumatay para makaganti siya sa nangyari sa kanyang Van pero napakababaw naman atang dahilan ang pumatay ka ng tao. Next is Mikael, actually wala akong kongkretong dahilan para pag isipan siya pero nung makita ang bangkay ni Janna, agad pumasok sa isip ko ang first word na ginamit niya sa Scrabble game namin -it was DEATH. Maaaring pinahiwatig niya na doon ang lahat pero anong klase siyang killer kung gagawa siya ng hint sa kanyang gagawing krimen? And lastly, Shaira considering na nawawala siya..."

---

Kasalukuyang humihithit ng sigarilyo si Nash sa labas ng Retreat House. Nang tinignan niya ang kanyang wrist watch, eksaktong alas 9:18 na ng gabi. Nasa labas din ng Retreat house ang mga lalaki ng grupo at kasalukuyan namang inaasikaso ang sunog na katawan ni Hazel. Maya-maya pa'y nilapitan nina April at Blue si Nash at kinausap ang nagsosolong kaibigan...

April: "Hey Nash...enough na nga yang pagsusunog mo ng baga"

Nash: "(Itinapon nito ang hawak niyang sigarilyo) I'm sorry guys. Nakakastress lang kasi itong mga nangyayari satin..."

Blue: "Sino ba naman ang hindi mae-stress sa mga nangyayaring ito pero Nash...its not a concrete reason to kill yourself"

Nash: "Blue, sa oras na malaman kasi ng mga tao ang nangyaring patayan ditto, siguradong malalagay sa issue ang pangalan ko pati narin ang FM Station kung saan ako nagtatrabaho and ang worse pa ehhh baka matanggal ako sa FM..."

April: "Hmmmpppp... Malaking problema nga yan Nash..."

Blue: "Wag kang mag alala Nash, maiintindihan ka nila if ever na magexplain ka and besides, ligtas ka sa issue dahil hindi naman ikaw ang gumawa ng krimen diba..."

Nash: "(Natulala ito sa sinabi ni Blue)"

April: "Uy?! Bakit natulala ka?!!!!"

Nash: "Ahhh... Sorry... Oo naman! Hindi ko magagawang pumatay ng tao..."

Alfred: "Mrs. Lynneth, naipasok na po namin ang bangkay ni Hazel sa Van..."

Mrs. Lynneth: "Thank You boys..."

Martin: "Sobrang kawawa ang Van ko, una ang windshield, sunod ang mga gulong, ngayon naman lalagyan ng mga patay..."

Mrs. Lynneth: "Make sure you lock the Van's door tightly para hindi masyadong lumabas ang amoy... Para naman diyan sa windshield issue, merong makapal na masking tape doon sa loob na pinakuha ko na kay Kenly. Takpan niyo nalang ng masking tape ang bahaging nabasag sa windshield para ma- seal ang amoy ng mga bangkay..."

SCRABBLEWhere stories live. Discover now