Chapter 6: "Nasaan Ako?"

5 0 0
                                    


Kenly's POV:

"Panaginip ba lahat ng to?! Litong lito ako at hindi ko alam ang totoong dahilan sa mga bagay na ito. I'm here na at my bedroom ngayon kasama si Kuya Abel. Bakit nga ba ganito ang mga nangyayari?! Paano nga ba namatay si Janna na hindi manlang namin namamalayan? Of course sisigaw siya sa oras na pinapatay na siya ng killer diba pero bakit wala manlang ganon? Hindi manlang kami nagising ni Kuya Abel. Teka?! Hindi kaya si Kuya Abel ang totoong pumatay kay Janna tapos maaaring pinatay niya si Shaira para lituhin kaming lahat at para si Shaira ang mapagbintangan naming pero patay narin si Hazel at hindi niya magagawang patayin si Hazel kasi nga close silang dalawa?! Tama ba ang mga iniisip ko?! Kung sino man ang killer, siguradong pinagplanuhan niya ang mga bagay na to... halatang matalino siya para lituhin kaming lahat. Hindi ko alam kung lalaki siya o babae pero I'm sure na may kakaiba siyang abilidad para paikotin kaming lahat. Sa tingin ko, iniisa-isa niya kaming lahat. Gusto niya kaming patayin lahat. Sana lang hindi niya ako patayin kasi marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kong maabot... SANA...."

Patuloy paring naghahanap sina Benjamin ng nawawalang scrabble...

Bianca: "I found nothing"

Benjamin: "Baka gisingin tayo bukas ni Aling Selma ng mura"

Nash: "You know what? Matulog nalang tayo... tignan niyo nga, ang lakas ng ulan sa labas...ang sarap itulog..."

Rhain: "Oo nga... bukas nalang to"

Heart: "Antok narin ako (sabay hikab nito)"

April: "(May napansin itong kakaiba sa labas na tuluyang nagpakabog ng dibdib niya) Guys..."

Benjamin: "Ano?!"

April: "May tao sa gilid ng Van!!!"

Rhain: "Ano?!!! May nagmamasid satin?!"

Nash: "Let's go outside! If ever na siya ang killer, we can fight kasi marami tayo..."

Bianca: "Bilisan natin!"

Alfred: "Hulihin natin siya!"

Mabilis na binuksan nina Bianca ang pinto at kumaripas sila ng takbo papunta sa Van kahit malakas ang ulan pero wala silang nakitang tao...

April: "Asan na siya?!"

Alfred: "Wala na siya! Natunugan niya tayo!"

April: "Hindi ko siya nakilala..."

Nash: "Delikado to! Nalaman niyang nakita natin siya... baka patayin niya ang isa satin!"

April: "Sa pagkakaalala ko, medyo payat ang katawan niya pero hindi ko talaga nakita ang mukha niya dahil makapal ang buhos ng ulan..."

Bianca: "Kailangan nating ipaalam ito sa iba ng sa ganun ay maging aware din sila na nasa paligid lang ang killer..."

Heart: "Tama ka Bianca...tara na guys, pumasok na tayo sa loob..."

Bianca: "Tara...delikado tayo dito..."

-------

Pumatak ang alas dose ng hatinggabi. Tahimik na ang buong paligid senyales na tulog na ang lahat. Tanging huni ng mga kuliglig ang lumulukop sa katahimikan ng gabi. Bahagya namang bumukas ang pintuan ng kwarto nina Kenly at Abel. Dahil medyo mababaw pa lamang ang tulog ni Kenly ay agad siyang naalarma sa nangyari. Tumayo siya para isara ang pinto pero nagulat siya ng may dumaang babae sa labas nito. Halos magsitayuan ang mga balahibo niya dahil sa kanyang nakita. Tinignan niya si Abel para humingi ng tulong pero nakita niyang himbing na himbing na ito sa kanyang pagtulog kaya't nagpasya siyang tignan nalang mag isa ang kanyang nasilayan. Lumabas siya ng kwarto niya kahit medyo kumakabog ang kanyang dibdib sa takot...

Kenly: "Hello?! May tao ba diyan?!!!'

Nagpatuloy siya sa paglalakad nang biglang may pumalo sa kanyang ulo mula sa kanyang likuran. Ramdam ni Kenly ang lakas nito na tuluyang kumuha ng kanyang ulirat. Hindi na siya nakagawa ng anumang sigaw na possible sanang mag alarma sa kanyang mga kasamahan.

Kenly's POV:

"Nagising akong madilim ang paligid. Nasaan ako?! Teka?! Bakit ako nakatali sa isang upuan?! Akon aba ang susunod na papatayin ng killer?! Dito naba matatapos ang kwento ng buhay ko?! Last naba talaga ito?!!! Pero bakit ako?!!! Anong kasalanan ko sakanya?! Meron ba?! Sino itong lumalapit saakin?!! Wag mong sabihing siya ang killer?!!! Bakit niya ito ginagawa?!!! Hindi ako makapagsalita dahil sa bugkos sa aking bibig. Dumadaloy sa aking mukha ang luha ng takot. Gusto kong tumakas at ipagsabi sa kanila na siya ang killer! Hindi ka ganyan ng nakilala kita! Bakit bigla kang nagbago?!!! Nakita kong may hawak siyang bote. Binasag niya ito sa isang bato.

Nakikita kong ngumingiti siya hanggang sa kumilos na siya. Ramdam na ramdam ko ang kirot ng mga sugat na gawa ng paglalaslas niya ngayon ng balat ko gamit ang basag na bote! Agresibo siya! Sa mukha, braso, dibdib at halos sa lahat ng parte ng katawan ko. Marami na akong sugat sa aking katawan at halos maligo na ako sa sarili kong dugo. Nanghihina na ako nang nakita kong nilabas niya mula sa dala niyang bag ang isang bote ng alcohol. Halos mamatay ako sa sakit ng tuluyan niyang ibuhos ang laman ng alcohol bottle sa mga sugat ko...sa buong katawan ko... Pinapasok nito ang mga sugat ko... Wala na akong nagawa lalo na nang pagsasaksakin na niya ako sa dibdib gamit ang basag na bote na tuluyang kumuha ng buhay ko..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SCRABBLEWhere stories live. Discover now