XIV. Pananagutan

870 45 14
                                    

Si Maymay na nagmumukmok sa kwarto ay pinuntahan ni Mccoy.

"May."si Mccoy

"Kuya Mccoy."si Maymay

"*niyakap si Maymay* Alam ko kung gaano kasakit 'yang nararamdaman mo ngayon, at alam kong walang salita ang makakapagpagaan niyang loob mo."si Mccoy

"Hindi ko alam kung bakit ako pinaparasuhan ng ganito. Nagmahal lang naman ako e, kasalanan bang mahalin si Edward? Ito ba 'yung parusa pa rin sa'kin ng Diyos dahil inagaw ko noon si Edward kay Nikka?"si Maymay

"No one deserves this kind of pain, lalo ka na Maymay. Wala kang kasalanan sa nangyari."si Mccoy

"Bakit ginagawa sa'kin 'to ng Diyos? Bakit patuloy niya akong sinusubok at 'yung pagmamahal ko kay Edward?"si Maymay

"Hindi ko alam kung kailan nangyari 'yun Maymay, pero hindi naman porket nabuntis si Nikka kay Edward e hindi na kayo pwede."si Mccoy

"Gusto kong gawin yung tama, ayokong lumaki yung magiging anak nila na walang kompletong pamilya. Ayokong matulad sakin yung batang 'yun."si Maymay

"Anong ibig mong sabihin?"si Mccoy

"Mas maganda kung ipapakasal natin si Nikka at Edward alang alang dun sa bata. Alam ko na magiging masakit 'yun pero 'yun ang tamang gawin lalo na at may batang involve sa pagkakataong ito."si Maymay

"Akala ko ba mahal mo si Edward? E bakit parang binibigay mo na siya kay Nikka?"si Mccoy

"Mahal na mahal ko si Edward, kuya Mccoy, handa akong ibigay ang lahat sankanya, pero pa'no yung anak nila ni Nikka? Kung dati nakaya kong agawan ng boyfriend si Nikka dahil mahal ko si Edward, ngayon hindi ko kayang agawan ng ama ang isang sanggol na wala namang muwang. Wala naman akong magagawa kung hindi ang pakawalan si Edward ulit e, kailangan ni Nikka at ng anak nila si Edward."si Maymay

"Pwede namang panagutan ni Edward 'yung bata e, kahit hindi sila ikasal. Mahal na mahal ka ni Edward at sa tingin ko e hindi papayag 'yun na iwanan ka at pakasalan si Nikka."si Mccoy

"May choice ba kaming dalawa? At ginusto rin naman ni Edward 'yung batang 'yun dahil kung hindi niya 'yun ginusto bakit nabuntis si Nikka?"si Maymay

"Dahil pinagsamantalahan niya ako."si Edward

Napalingon si Maymay at Mccoy kay Edward na nakatayo sa labas ng kwarto ni Maymay. Pumasok ito sa loob..

"Maiwan ko muna kayong dalawa."si Mccoy at lumabas

"Ano'ng ginagawa mo dito? Kailangan ka ng mag-ina mo sa ospital kaya umalis ka na!"si Maymay

"Pa'no tayo nakakasiguro na anak ko nga 'yung dinadala ni Nikka na 'yun? Hindi mo ba naisip na baka sinisira niya lang ulit tayo? Na baka gawa gawa niya lang ang lahat?"si Edward

"Dinugo na nga si Nikka diba?! Ano pang gawa gawa dun? Diyos ko naman Edward! Sige ganito, isang tanong isang sagot, may nangyari ba sa inyong dalawa ni Nikka?"si Maymay

"Honestly Maymay hindi ko alam."si Edward

"Hindi mo alam? Hindi pwedeng hindi mo alam?! Ano tumayo 'yang pagkalalaki mo without you knowing it binuntis si Nikka?! Edward 'wag mo na ako gawing tanga, kasi ilang beses mo nang nagawa 'yun e."si Maymay

"Hindi kita ginagawang tanga this time, Maymay! 'Nung nagpaparty si ate Elisse dito para sa welcome home dinner ko nalasing kaming lahat na pinlano lahat ni Nikka. That night wala na akong maalala! The next morning, nagising ako na katabi si Nikka without any clothes! Hindi ko na alam 'yung nangyari nung gabing 'yun dahil lasing na lasing ako."si Edward

If We Fall in Love Where stories live. Discover now