Chapter 4

16.8K 459 11
                                    



Mabilis na hinubad ni Panyang ang simpleng bestidang suot nang biglang bumukas ang pintuan. Mabilis na yinakap ang sarili upang ikubli sa pangahas na nagbukas ng kanyang kuwarto. Mabilis din namang umatras ang lalaki at sinabing magbihis muna siya.

'Ba't ka naman kasi pasok ng pasok,' anang ng kabilang utak. 'Eh ikaw ba't ka kasi hubad ng hubad,' anang naman ng kabila para siya tuloy nababaliw.

Nabigla si Xian nang buksan niya ang pintuhan ng kuwarto ni Panyang. May nakalimutan kasi siyang sabihin dito. Kaya bumalik agad hindi siya. Hindi naman lubos akalaing maghuhubad agad ito.

"Pero infairness may ibubuga naman," nakangiting turan sa sarili.

"Are you done?" Rinig na boses ng lalaki sa labas ng kuwarto niya. Mabilis na sinuot ang kanyang damit na nasa sahig.

"Ayan nabosohan ka ng wala sa oras, hubad ka kasi nang hubad," ulit niya sa sarili.

"Are you alright?" Nag-aalalang boses ng amo ng hindi siya sumagot rito.

"Yeah, I'm done sir," mabilis na sagot dito.

Pumasok si Xian Denver at nag-sorry.

"I'm sorry abou—" hindi pa niya natatapos sabihin ang gustong sabihin ng sumabad si Panyang.

"Okay lang sir as if naman baka nga hubo't hubad pa nakikita mo," pambibiro sa boss para mawala ang tensyon.

"Iniinsulto mo ba ako miss Vergara? I say sorry. Bakit ka kasi hubad nang hubad," inis na turan ni Xian sa kaniyang personal assistant. "Anyways, tomorrow, wake me up around eight-thirty in the morning. I have appointments at nine-thirty, I have to be in the office and do please prepare little breakfast for us if you dont mind and my cloths also. Just feel free to enter in my room," orient nito sa kanya sa kanyang trabaho.

Mas lalo tuloy siyang nailang sa amo. Nakita niya itong nakatingin sa kanya. Particularly sa kanyang dibdib.

'Hhmmm! Baka matunaw na ako niyan boss at lumabas ang puso mula d'yan,' aniya sa sarili.

"Hmmmm!" Pukaw ni Panyang sa amo.

Nabigla si Xian. Napangiti siya sa sarili, paano ba naman ay naalala lang niya ang nabungaran kanina. 'Di naman totally naked si Panyang kanina dahil may panty at bra pa naman. Old fashion pa nga ang style eh, pero dadaigin nito ang katawan ng ibang mga gf's niya. Masyadong magaling magtago itong si Panyang. Akalain ba niyang may ibubuga rin pala ito.

"Sir, mukhang nakakatawa 'yang iniisip mo ah?" Turan sa amo nang makitang nangiti mag-isa.

Tumingin ito sa kanya at naging pormal ang mukha. "Okay, I'm going. I think you suppose to take shower when I disturb you. You can take it now," saad nito sabay alis sa kanyang kuwarto.

Masyadong mainit ang malamig na kuwarto ni Xian. Hindi rin kasi maalis sa kanyang isip ang magandang hubog ng katawan ng alalay.

Mukhang malakas ang hatak sa kanyang pagkalalaki. Kung wala lang siyang appointment bukas ay tatawagan niya si Fiona. Kaya lang big client, hindi pwedeng ma-late at mas lalong hindi pwedeng hindi ito puntahan dahil tiyak na magba-backout na ang mga ito.

"Oh Panyang, Panyang, Panyang," makailang ulit na binanggit ang pangalan ng babae. Isang araw pa lang ni Panyang sa kanyang tabi daig pa niya ang adik na nahuhumaling. Napangiti siya nang maalala ang isang bucket na fried chicken. What a girl.

Hindi talaga dalawin ng antok si Panyang, nakailang baling na siya sa kanyang kama. "Namamahay yata ako ah," aniya sa sarili. Pero kailangang piliting matulog dahil maaga siya gigising bukas. Dahil 'yon ang trabaho niya ang tagagising at tagabugaw ng babaeng inaayawan ng babaerong boss.

STARDOME1: MATARAY KONG ALALAY(Completed)Where stories live. Discover now