Chapter 5

17.5K 458 18
                                    



Nanlaki ang mata ni Panyang sa nakikita. "Oh my God," hindi mapigilang bulalas. 'Bawi-bawi lang,' palihim na ngiti sa lalaki habang dinadampot ang tuwalya nito. Akala niya itatapi pa niya ito pero hindi na.

Dinampot at hinagis sa kama saka naglakad upang kunin ang brief nito. Halos lumabas ang puso ni Panyang sa kaba. Masyadong mapang-ubaya ang Panginoon biruin mong ipakita ang lahat-lahat.

Anong silbi kung itatapi pa niya ang tuwalya kung kanina pa nanlalaki ang mata ni Panyang habang nakatingin sa kanya, kaya minabuting huwag na lang. Gustong-gusto niyang humagalpak sa tawa sa reaksyon ni Panyang.

'For sure ngayon lang siya nakakita nito', aniya sa kanyang isip.

'Ano ba ang meron ka Panyang at pati ang pinakaimportanteng meeting ko ay nakalimutan na,' nangigiwing turan sa sarili habang sinusuot ang brief niya.

Normal na ang opisina nang bumungad sila hindi kagaya nang kahapon na halos magkanda haba-haba ang mga ito para maiusyoso. Agad nabungaran ang nakakunot na noo ni Pitchie. "High blood yata girl," bulong sa kanya ng makatapat dito.

"Pitchie," malakas na tawag nito mula sa loob. Halos mapalundag ito sa kaba.

"Sir," mabilis na pasok nito sa opisina ng kanilang boss.

Sumunod naman siya sa sekretarya. "Call the secretary of Mr. Ocampo of Belhasa Interprise to reschedule our meeting if it's possible," authoritative na turan ni Xian Dexter sa sekretarya. Halos manginig si Pitchie lalo na kapag pangit ang timpla ng amo.

"Yes Sir," ikling turan at babalik na sa mesa nito nang makitang busy-busy na ang boss sa dami ng papeles na nasa harapan nito. Hindi rin alam ni Panyang kung ano ang gagawin, pati tuloy siya kinakabahan sa kasungitan ng amo. Kaya piniling sumunod kay Pitchie, maingat siyang maglakad papunta sa may pintuhan.

"Saan ka naman pupunta?" Dinig niyang wika ng amo. Napapikit siya at nag-ipon nang lakas saka humarap sa kanyang amo.

"Wala magsi-CR lang sana," pagsisinungaling dito. Matiim na tumingin sa kanya ito.

"May CR naman dito bakit hindi ka dito mag-CR," sarkastiko nitong turan sa kanya.

'Tanga ka naman kasi Panyang dapat sinabi mo ayaw mong makita ang pagmumukha niyang parang nagme-menopause,' anang ng isip niya.

"Hirap pala kapag tinutupak," mahinang usal sa sarili.

"May sinasabi ka yata Miss Vergara?" Inis na turan sa alalay. Kinuha ito upang wala siyang makaligtaang meeting pero heto siya at napakaimportante ang meeting subalit nanganganib pang mawala.

Ngunit gayun pa man ay nagagawa pa rin niya itong pawiin ang inis. She always manage to make him cool. Dati kasi inis na inis siya kapag may big client na ka-meeting na hindi nasisipot pero ngayon parang okay lang.

Nag-ring ang kanyang cellphone, napangiti siya nang makita ang numero ng kaibigang si Luan Jacobo. Nasa Pampangga ito, doon ang probensiyang kinalakihan nila. Ang probensyang minsang naghamak sa kanila dahil anak daw sila ng mga haliparot na mga babae.

Tatlo silang magkakaibigan, siya si Luan Jacobo at si Zeus Zedrick na nasa Amerika. Iisa ang pinagmulan, iisa ang nakaraan. Ang mga nanay kasi nila ay magkakaibigan, mga dancer sa club sa Angeles nang panahong malayang nakadadaong pa ang mga Amerikano doon. Mula pagkabata ay tampulan sila ng tukso, na haliparot ang kanilang ina, na anak sila ng mga puta.

Pero lahat nang panghahamak na'yon ang nagpatatag sa pagkakaibigan nila. Walang sinumang bubuwag sa kung anong meron sila. Pinatatag nang mapang-alipustang lipunan at mapang-aping mamamayan.

Pero nagbago ang lahat ng dumating ang kanilang mga ama.

Labing dalawang taon sila noon, katatapos lang nila ng elementarya nang dumating ang kanilang mga ama. Mga US navy ang mga ito at magkakabarkada rin. Doon nabago ang pananaw ng mga tao sa kanila.
Ang apilyedo pa rin ang ina ang gamit niya kahit pwede na niyang gamitin ang apilyedo ng ama. Xian Dexter Gatmaitan Carlson ang totoo niyang pangalan.

STARDOME1: MATARAY KONG ALALAY(Completed)Where stories live. Discover now