Chapter 11

9.7K 370 13
                                    

"NASA LABAS SI PRIMO," BULONG NI SHIVA sa akin.

Galing sa bored na pakikinig sa teacher ko sa literature ay biglang lumingon ako sa pinto. Nakahinga ako ng maluwag dahil tinted ang pinto. This means, hindi niya ako nakikita pero nakikita ko siya.

But why is he here again? Napapagod na akong makipagtaguan sa kanya.

"For your homework, write a narrative paper about the book we have discussed today. The report must be submitted next meeting - no extensions. Dismissed," ani Prof.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Shiva at nagmakaawa.

"Aray! medyo bayolente ka today," aniya.

"Sabihin mong absent ako please? Sa labas na lang tayo maglunch libre ko," pakiusap ko sabay hila hila ng laylayan ng damit niya.

Bumuntong hininga siya at inikot ang mata.

"I don't think it'll work pero fine, I'll try," aniya sabay labas bitbit ang mga libro.

Dumikit ako konti sa dingding para marinig ang usapan nila kaso hindi ko marinig masyado kaya sinilip ko kung naka alis na ba sila.

Pagtingin ko'y wala nang tao sa labas kaya naman nagmamadaling tinahak ko ang pinto.

This is so stupid.

"What took you so long?"

Napapitlag ako at natigil sa paglalakad. The fucking asshole is wearing his signature smirk at amused na nakataas ang kilay sa akin.

Nakatayo si Shiva sa gilid ni Primo at nakangisi. Nasa tagong bahagi sila malayo sa pinto kaya hindi mapapansin kapag sa loob tumingin.

"This is why I have trust issues," sarcastic na sabi ko kay Shiva.

Sinamaan ko siya ng tingin ng humalakhak siya.

Wala na akong ibang choice kung 'di ay sumabay sa paglalakad nila.

Napakalapit lang ng cafe at ng classroom namin sa lit kaya rinig na dito ang ingay ng mga upuang hinihila at mga usap usapan ng mag studyante.

"This is me being a supportive friend, Ayah. Binalik ko lang ang kabutihan mo sa akin kahapon," natatawang sabi niya.

"Bakit ba palagi mo akong pinupuntahan?" I asked Primo, completely ignoring Shiva.

He shrugged.

"Just keeping my promise," aniya.

Napa "oh" si Shiva.

Pinandilatan ko siya ng mata para manahimik. Inirapan niya lang ako. Now I get why we're friends. Parehas ba naman kami na matigas ang ulo. At least, I realize we do have something in common.

"What are you talking about? What promise?" kuryusong tiningnan ko siya.

He just stared at me. Pagkuway pinagbuksan ako ng pinto ng cafeteria. I stared at him too, waiting for his response pero dahil nakaharang kami sa daanan ay wala akong nagawa kung hindi'y pumasok.

"Oi! Ayah!" Sigaw ni Jaguar habang nakataas ang kamay sa ere.

Nakabalik na sila sa dati nilang pwesto. Si Shiva ay nauna nang naglakad papunta sa upuan ng mga lalaki.

The Warrior 1: PrimoWhere stories live. Discover now