First star

278 78 164
                                    

First star: Amaris Evans

Pinagmasdan ko ang madilim na kalangitan habang nasa pinaka-itaas ako ng burol. Tanging nagkikislapang bituin at ang buwan lamang ang nagbibigay ilaw dito. The moon is like a ghostly ship, sailing through the foggy sea of clouds. I wonder what lies beneath the clouds.

"Sabi nila, kapag nagbilang ka ng siyam na bituin sa loob ng siyam na araw, tutuparin ng guardian of Avatrix 'yang wish mo."

Lumingon ako kay Dion na naglalakad papunta sa direksyon ko. Napa-tsk naman ako sa kanyang sinabi.

"Isa ka ba sa mga nauto ng kathang isip na 'yan?" Saad ko sa kanya't natawa siya ng bahagya.

"Hmm, siguro." Sagot nito, umupo si Dion sa aking tabi at humiga ito sa basang damuhan.

Nabalot kami ng katahimikan, dinamdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadaplis sa aking balat. Ramdam ko din na walang may gusto sa amin na bumasag sa katahimikan.

Napatitig ako kay Dion na nakahiga sa akin tabi, hindi mo mapagkakaila na anak nga talaga siya ng mga Thomlinson. Mula sa buhok at mata nitong nitong itim na itim, sa tangos ng ilong, at pula ng labi. Manang-mana nito ang itsura ng kanyang ama.

Si Mister Klein Thomlinson, ang may-ari ng Thomlinsons' enterprise ay ang ama ni Dion. Kapag nakita mo ito'y hindi mo mahahalata na ang halos forty-one years old na ito. Kahit si Mrs. Jorgiena Grey-Thomlinson, ang ina ni Dion. Most of the times, napagkakamalan si Mr. And Mrs. Thomlinson na twenty-eight years old lang. No wonder kung bakit marami ng napaiyak na babae si Dion. I rolled my eyes at the thought.

Dion Thomlinson is a good-looking man. Hindi ko made-deny 'yon, napakaganda nga naman kasi ng genes ng Thomlinsons. Lalo na sa side ni Mrs. Thomlinson. Hindi rin mapagkakaila na babaero si Dion, but he's a soft-hearted person. 'Yon nga lang, may pagkapilyo siya. I am lucky to be adopted by this rich family of the Thomlinsons. I don't get to experience how hard life is.

I heaved a sigh, Napakaganda ng gabi, napakaliwanag ng buwan, kung titignan din, parang full moon ngayon dahil bilog na bilog ito't napakalaki. I-dagdag mo pa ang magagandang bituin sa paligid nito.

Huminga ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Oras na nakita ko na ang totoo kong pamilya, maranasan ko pa kaya ang ganitong nakagawian namin ni Dion?

"Wala ka pa bang balak umuwi?" Tanong nito sa akin habang nakatanaw sa itaas, umiling naman ako.

"Kanina ka pa nila hinihintay, Amaris."

"Mauna ka na, susunod na ko." Napatango naman ito't kumaway sa akin bago bumaba ng burol.

Tinuring ko ng kapatid si Dion noon pa man. Hindi kami magkadugo dahil adopted daughter lang ako ng mga Thomlinsons. Pero kahit ganoon pa man, their family considered me as the Heiress of Thomlinsons kahit nandiyan si Dion, ang kanilang totoong anak.

Si Dion ang naging best friend ko, at the same time kapatid ko na din siya.

Sa akin maipapamana ako kompanya ng kaniyang pamilya dahil tinanggihan niya ito, wala siyang interes sa business management, maging ako. But I don't have any choice but to accept what is given to me.

Napakaswerte ko dahil napunta ako sa ganitong pamilya, naging marangya ang buhay ko, maayos at wala akong kaproble-problema. Kung may pinoproblema ako, isa lang 'yon.

At 'yon ay kung sino ang biological parents ko.

Napahinga ako ng malalim at humilata sa basang damuhan. Kailan ko kaya sila makikita?

"Amaris!" Sigaw ni Dion mula sa ibaba ng burol. Napa-irap naman ako't tumayo na sa pagkakahiga.

"Oo na, ito na bababa na po." Saad ko dito. Ngumisi naman siya habang naka-pamewang sa ibaba.

Habang bumababa ako ng burol, palakas ng palakas ang ihip ng hangin. Kada hakbang ko, pabigat ng pabigat ang aking pag-hinga, this feeling. Naramdaman ko na 'to noon.
Huminto ako sa aking kinatatayuan at tinignan ko ang aking paligid, alam kong may nakatingin sa akin noong mga oras na 'yon.

Nang maramdaman kong papalapit na ito ng papalapit, isa lang ang sinisigaw ng aking katawan— Danger. Hindi na 'ko nagdalawang-isip na kumaripas ng takbo.
Kada hakbang ko, para siyang anino ko na kahit saang parte pa ako ng gubat magpunta'y nandoon pa rin siya, tila 'di ko siya matatakasan.

Kahit na pagod na pagod na ang aking binti, at hinahabol ko na ang aking hininga, ngunit para bang may sariling buhay ang mga paa ko para tumakbo ito. I can't do it anymore. Pagod na ko, hindi ko na kaya.

Pabagal nang pabagal ang aking takbo, hindi ko na rin mapigil ang panginginig ng aking tuhod. Ramdam ko ang kaniyang titig sa akin habang tumatakbo ako pababa, tila nanonood siya ng isang horror movie.

Nakita ko si Dion na naghihintay sa baba't nakangiting naghihintay sa akin. Mas binilisan ko pa lalo ang takbo't nakita ko ang pag-kunot ng kaniyang noo, hindi siya sa akin nakatingin, sa likod ko.

"Dion! Umalis ka na diyan!" Halos mawalan na ako ng hininga sa pag-sigaw.

Tumakbo ito papunta sa direksyon ko, shit, Dion. Ngayon ka pa nakisabay! Nang ilang metro na lamang ang layo nami'y inaabot ko na ang aking kamay para abutin niya.

"DION! ABUTIN MO KAMAY—" aabutin na nito ang aking kamay ng manghina ang aking mga binti't natisod ako sa isang malaking ugat ng puno.

Everything went black, yet I can feel my body rolling down on the hill hanggang sa bumangga ako sa isang malaking tipak ng bato. Tila nabulag ako nang panandalian.

My mind is in daze, my vision is blurry, my body feels numb, yet I can hear him screaming my name.

"AMARIS! WAKE UP!"

"AMARIS!"

"WAKE THE HELL UP!"

Tumahimik ito ng bahagya, hindi rin ito sa akin nakatingin. Tila mas humigpit ang hawak nito sa akin. "N-nandito siya."

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata, I saw Dion and that man's silhouette in my peripheral view. Kita ko kung paano sinubukan ni Dion na protektahan niya ko bago siya matumba sa aking tabi. Sinubukan kong tumayo ngunit ngumisi lang ito.

"Damn it!" Sigaw ko nang matumba muli ako, napapikit na lang ako ng mariin at hinintay ang susunod na mangyayari. Napahiyaw ako sa sakit nang kaniyang hampasin ang aking ulo gamit ang kanyang hawak na pala.

Hindi ko na maramdaman ang sakit ng katawan ko dahil napunta na ito sa ulo nang hampasin ako ng pala sa ulo ng lalaking nasa harap ko ngayon.

Totoo nga ang sinasabi nila, maaaring hindi ako basta basta lamang dahil sa psychic power ko, where I can feel danger is just around. No one knows the real reason why, pero ang paniniwala nila, I have a cursed ability.

Unti-unting bumigat ang aking katawan at hindi ko na kinaya. Ramdam ko ding lumapit ang lalaki sa akin. Bago ko pa masaksihan ang mga susunod na nangyari— Everything went blank.



— End of chapter 1 —

The Stars Are Watching Us TonightWhere stories live. Discover now